"Ohh—ohh!"
"Ahh-haa!"
"Dahan-dahan lang, babe," hingal na saad ni Ksenia.
"Slowly na ito, babe," mahinahon naman na sagot ng asawa niya at nagpatuloy lang ito kaya napanguso na lang siya at na papikit.
Sa sistemang partnership sa negosyo at kasunduan na ginagawa ng angkan na mayayaman ay bata palang si Ksenia noon alam na niya na pinagkasundo siya sa kaibigan ng family nila at ito ang pamilyang Sanchez na isa sa pinakamayaman sa bansa.
"Ahhh!" sigaw ni Ksenia nang madapa siya.
Mabilis na lumapit sa kanya ang asawa at tinulogan siyang bumangon pero umupo lang siya sa sahig at umiyak.
"Kahit anu-ano naman kasi ang iniisip mo," saad ng asawa niya.
"Sabi ko kasing dahan-dahan, eh. Hindi naman jogging iyan sa iyo!" paninisi ni Ksenia sa asawa.
Si Mc Llonard ang siyang naging guardian niya nung naulila siya sa edad na labing apat na taon at ito rin ang naging asawa niya nung labing walong taon gulang na siya dahil tinupad pa rin ang arrange marriage at kasunduan sa pamilya nila.
"Lakad na nga lang iyong ginagawa ko. Nagrereklamo ka pa," rinig niyang sagot ng asawa sa kanya.
"Babe, oh?" tawag niya sa asawa at tinuro ang gasgas niya sa tuhod pero tinitigan lang siya nito na parang yelo at naka pamaywang pa sa harapan niya.
Ngumuso ulit si Ksenia at hindi na muling nagsalita pa. Naramdaman niyang mahapdi ang dalawang tuhod niya kaya umiyak na lang siya kahit delay na ang pag iyak niya dahil gusto lang naman niyang magpalambing sa asawa.
"Ang sakit, eh!" reklamo niya dahil mahapdi talaga ang gasgas niya. Sinubokan niya pang e-blow ang dalawang tuhod niya habang umiiyak pero hindi rin naman lumambot puso ng asawa niya.
"Hindi lang iyan ang mararanasan mo kapag nasa training ka na," pahayag sa kanya ni Mc Llonard bago nilahad ang kanang kamay nito sa kanya.
"Stand up!" utos nito sa kanya kaya pinaikotan niya lang ng mata at tumayo na rin siya nang tumutulo ang luha niya.
"Wipe your tears," sabi pa nito sa kanya at binigay ang sweat towel nito.
"Hindi mo man lang pupunasan ang luha ko, babe? Hindi mo man lang ba ako bubuhat katulad sa mga Chinese at K-drama na napapanood ko?"sunod-sunod na tanong ni Ksenia sa asawa pero umiling lang ito sa kanya.
"Hindi ko iyan gagawin, Ksenia. Kailan mong ihanda ang apat na aspeto tungo sa pangarap mo, babe—"
"What aspect?" tanong niya.
"Kailangan mong ihanda ang sarili mo through your Physical body, your Emotional, Mental and Spiritual body," pahayag nito at inisa-isa pa ito sa darili nito ang sinabing apat na aspeto.
"Basic pa nga lang itong ginagawa natin at 5 minutes ka pa lang nag-jojogging. Now, go?" utos nito sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang asawa.
"Jogging ahh - ha!"
"Jogging ho-ho!" sabi ni Ksenia habang nag-jogging.
"Jogging ahh-ha!"
Pangarap kasi ni Ksenia ang maging isang pulis tulad ng asawa niya na isa na itong general ngayon kaya nagpupursege siya.
Akala niya noon ay mawawalan na nang saysay ang buhay niya dahil iniisip niya na mag-isa na lang siyang makikibaka sa mundo pero nagkamali siya dahil kinup-kop siya at inalagaan higit pa sa inaasahan niya.
Wala siyang naging problema noon kundi ang pag - aaral niya lang. Janggang sa nagtapos siya.
"Common, babe. Wag maging lampa. Work to your success," pagpapalakas loob sa kanya ng asawa niya habang sinusundan siya nito sa pag-jojogging.
"Walang tutulong sa iyo doon kundi ang sarili mo lang," paalala pa ng asawa sa kanya kaya binalingan niya ito ng tingin.
"Yes po, General!" sambit niya rin at sumaludo pa ito habang nag-jogging.
"That's wrong, Ksenia. Wag mo na ulit iyan gagawin kundi magpupush-up ka sa akin ng fifty times," banta ng asawa niya.
"Terror naman, babe!" simangot na saad niya kaya nagtawanan na lang sila at umuwe na sa kanilang bahay.
Sa buhay niya ngayon ay pursegido siya sa pangarap na maging isang pulis kaya lahat ay gagawin niya dahil alam niyang wala naman siyang aasahan kahit general pa ang asawa niya!
He is Mc Llonard Sanchez,
And
Im Ksenia Faith Torres- Sanchez
YOU ARE READING
Married to General (BACHELOR II)
RomanceBata palang si Ksenia ay alam niya nang pinagkasundo siya sa mayaman angkan na kaibigan ng pamilya niya kaya noong naulila siya sa edad na labing apat na taong gulang dahilan sa hindi inaasahan aksidente sa kaniyang magulang ay kailangan niyang hara...