Wala akong gana sa lahat ng bagay ngayon kahit sa pagkain. Hindi ko na nga alam kung ilang oras na akong naglalaro sa computer basta wala na akong paki-alam dahil wala naman na din kasi akong gagawin dito bahay kung sakali magmumukmuk lang ako at isa pa mababaliw ako sa kakaisip kung paano ako papasok bilang isang pulis dahil pangarap ko ito. Ilang beses rin akong tinawag ni nana Josie na kumain kaso hindi pa naman ako nagugutom na pag dicisionan kong saka na lang ako kakain kapag gutom na ako dahil wala talaga akong gana.
Pinagpatuloy ko ang paglalaro ko bahala na dahil wala naman magagawa si nana kung sisitahin niya akl sadyang matigas ang ulo ko at medyo sumasakit na din itong mata ko dahil nakatutuk lang naman sa screen. Narinig kong nag bukas ang pintuan ko pero hindi ko pinansin. I know he is here dahil sa pabango niyang pumasok din sa loob ng study room ko. Alam kong nag sumbong na ang yaya ko kaya andito na siya. Narinig kong bumuntong-hininga siya pero baliwala lang sa akin iyon, bahala din siya sa buhay niya!
"Nana Josie told me that your not eating for lunch and dinner?" pagkukumporma niya sa akin pero hindi ko siya pinansin man lang o sinulyapan dahil busy ako sa paglalaro at wala akong narinig.
"How many hours have you been playing computer games, today? " may halong inis niyang tanong sa akin pero parang wala parin akong narinig bahala siya diyan magsalita lang siya ng magsalita dahil wala akong naririnig.
"Kung ang oras na pinaglalaro mo diyan sa computer mo ay binantayan mo ang online recruitment quota for PNP, baka sakaling makapasok ka pa!" galit na sabi niya sa akin at binagsak ang application papers ko sa harapan ko.
Alluh! Galit na si General, sabi ng isip ko kaya huminga ako ng malalim at tumingin ako sakaniya, "Hindi mo ba talaga ako tutulungan?" tanong ko ulit sa kaniya at nagmakaawa face na naman baka sakaling maawa na siya dahil wala naman na kami sa office niya eh kaya may pagkakataon ako.
"Wag mo akong idaan sa paawa-awa mo dyan. Kung gusto mong makamit ang pangarap mo bilang isang pulis ay just work for it. Wag mong idaan sa madalian dahil lahat ng nag susucess sa buhay ay dumadaan sa hirap, " sabi niya sa akin which each tama naman talaga siya.
"Alam ko naman iyon pero diba twice na akong pumunta doon pero hindi pa rin natatanggap ang applications ko pero iyong iba madali lang naman tanggapin, hindi naman maganda ang sistema ng pangangalakad niyo, palakasan!" sagot ko din sa kaniya. Umiling siya at tinitignan lang ako at sumandal sa may pinto. I know sinusuri niya ako alam niya rin naman kung kaya ko o hindi kaya siguro ganyan siya sa akin pero sige aagahan ko na lang ulit bukas baka sakaling maswertehan ko na dahil hindi talaga ako tutulungan ng lalaking ito. Wala kaming imikan kaya binalik ko na ang mga mata ko sa computer at upang matuloy ang nilalaro ko.
"Patayin mo na ang computer mo at kakain na tayo, " buo ang boses niyang utos sa akin pero umiling lang ako sakaniya dahil hindi pa naman ako nagugutom. Mauna na lang siya kung hindi pa siya kumakain baka bukas na lang ako kakain.
"Mamaya na siguro ako kakain dahil hindi pa naman ako nagugutom," sagot ko sa kaniya habang tutok na tutok ako sa screen ng computer mahirap na matalo ako.
Lumapit siya sa may gawi ko at pinatay ang computer ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya kaya inangat ko ang ulo ko upang tignan siya. Tignan mo ang bastos niya din talaga alam niyang naglalaro ako.
" Anong na kain mo bakit hindi ka pa nagugutom it's already past seven in the evening na! " galit na sabi niya at kinuha ang pulsuhan ko bago hinatak ako ng malakas upang mapatayo ako.
"Ano ba? Hindi pa nga kasi ako nagugutom!" Reklamo kong sagot sa kaniya at winaksi ang kamay ko dahil masakit kaya.
"Anong kinain mo?!" Inis na tanong niya sakin at tinignan ako ng masama.
"Umayos ka Ksenia Faith!" sita niya sa akin at tinuro pa talaga ako.
"Anong na kain mo bakit ayaw mong kumain?" tanong niya.
"Mga inis mong salita at mga galit mong sermon, " sagot ko sa kaniya na siyang kinainis niya ng subra sa akin.
"Im not joking here, Faith. Im tired kaya wag mo akong susubukan!" saad niya at hinatak ang pulsuhan ko palabas ng study room ko.
Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang din ako sa kaniya. Tinungo namin ang dining area at pina-upo sa may upuan ko. Kumuha siya ng plato at nilapag sa harapan ko bago kumuha rin siya ng spoon and fork. Sumusunod lang ang mga mata ko kung ano ang ginagawa niya upang pag silbihan ako. Hanggang sa nag lagay siya ng kanin sa plato pati ang favorite kong ulam.
"Now it your food!" utos niya sa akin at tumingala lang ako sa kaniya. Kinuskos ko pa ang dalawang mata ko gamit pa ang hintuturo ko bago umayos ng upo.
"I told you na wag ka masiyadong magbabad sa harapan ng computer mo pero lahat ata ng sinasabi ko sayo hindi mo pinapasok sa kukuti mo," sabi niya. Ayan na naman siga pinagsasabihan niya na naman ako. Wala na talaga akong magandang ginagawa buong araw ngayon.
Hindi ko siya pinansin sa pinagsasabi niya dahil tinuon ko na lang sa pagkain ko ang atensyon ko at kumain din siya. Siya nga ang nag susubo sa akin ng pagkain dahil alam ko naman na hindi niya ako iiwan dito sa dining area. Nagtatampo talaga ako sa kaniya pero kinikilig ako sympre dahil maasikaso talaga siya simula noon at ngayon pero may selos pa rin akong nararamdaman minsan dahil ang iba nga tinutulungan niya ako halos magkandarapa na para humingi ng tuloy sa kaniya pero jusko! Trust the process ang lalabas sa bunganga niya.
Tumayo ako at nilampasan siya dahil tinungo ko ang lababo at nilagay doon ang nagamit namin isang plato at kumuha din ako ng baso at nilagyan ko ng tubig bago ko ininom at binigyan ko din siya ng tubig niya gamit ang baso na ginamit ko. Ganyan kami dito sa bahay share kami palagi.Uminom naman siya pagkatapos kinuha ko ang baso at nilagay sa lababo na walang salita dahil hindi pa naman kami bati at nagtatampo pa rin ako sa kaniya . Aalis na sana ako ng hinatak niya ako at na paupo sa kandungan niya kaya na papikit ako. He hug me from behind at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Ganyan siya maglambing kapag nagtatampo ako kaya mahal na mahal ko siya kahit malayo ang edad namin. He is my guardian noon at ngayon husband ko na.
"Please don't fight babe, Im tired! " pagod na sabi niya sa akin kaya na guilty naman ako. Ano kaya ang ginagawa niya kanina bakit subrang pagod niya? Tanong ng isip ko. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ko ng dalawang kamay ko at mukha niya. Pagod talaga siya dahil nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya ng matulog.
"You tired babe?" tanong ko dahil gusto kung maka siguro. Tumango lang naman siya sa akin at niyakap ulit ako ng mahigpit.
"Then rest," utos ko sa kaniya at hinalikan ang tungki ng Ilong niya. Tumayo na din ako sa pagkakandong niya sa akin at ako na din ang humatak sa kaniya papuntang kwarto namin.
Naka ngiti pa ako dahil Wife duty ko na ngayon simpre susulitin ko dahil bukas ng umaga bago magbukang liway-way ay susubukan ko ulit tumungo sa PNP building para sa pangarap ko.
YOU ARE READING
Married to General (BACHELOR II)
RomanceBata palang si Ksenia ay alam niya nang pinagkasundo siya sa mayaman angkan na kaibigan ng pamilya niya kaya noong naulila siya sa edad na labing apat na taong gulang dahilan sa hindi inaasahan aksidente sa kaniyang magulang ay kailangan niyang hara...