Aking Ama

4 2 0
                                    

Ang aking ama.

Ang aking amang handang magsacripisyo.
Handang ipaglaban ako.
Handang gawin lahat para sa'kin.

Ang pagmamahal na kaniyang ibinigay ay hindi masusuklian.
Ang kaniyang mga ngiting hindi matutumbasan.
Ang kaniyang mga yakap sa tuwing uuwi ay hindi mawawala
Ang pagmamahal na hindi maaring mawala.

Ang aking amang nagsisikap para maiahon kami sa kahirapan.
Ang aking amang handang isakripisyo lahat.
Ang aking amang hindi pabaya.
Ang aking amang ipagtatanggol ako sa lahat ng oras.

Amang nariyan palagi para sumuporta.
Amang nariyan para magpalakas ng loob.
Amang nariyan para gumabay.
Amang nariyan para maging matibay ang pundasyon ng pamilya.

Salamat po, sa lahat ng inyong ginawa.

✍️MJA_beauty

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemWhere stories live. Discover now