Chapter 2 - Good News

212 8 3
                                    

Naglalakad na ko pauwi na may malaking ngiti sa labi bitbit ang lechon manok sa kanang kamay ko papunta ako ngayon sa mami-pares na negosyo ng lola, panigaradong dagsa na naman ang tao ngayon doon. Tumutulong ako sa pagluluto at pag aasikaso ng customer pagkatapos ko sa trabaho sa call center at sa hindi pagbubuhat ng sariling bangko mas dumadami ang mga tao pag nandoon ako minsan may pasobra pa na bayad, tip ko daw, sino ba naman ako para tanggihan ang tip na yun malaking tulong na rin yun sa amin ni lola.

Hindi nga ako nagkakamali grabe blockbuster nanaman ang mami-pares ni lola, may mga nakapila pa at grabe alas otso pa lang ng gabi pero dagsa na ang mga gustong kumain mukhang kailangan na naman namin manghiram ng mga extrang silya at lamesa kay Alenna.

"Caillll!!!!" 'rinig kong matinis na boses at kilala ko na kung kanino galing yun.

"Frick" tawag ko sa pangalan niya na unti - unting lumalapit sa akin.

"One and only" sabay kindat nito sa akin.

"Si lola?" tanong ko dito.

"Nasa loob nag aasikaso ng mga customer." tumango naman ako dito.

"Hoy, ang ganda ng ngiti mo bakla ano meron?"

"Secret" at nginisian ko siya ng mapang asar.

"Damot, pero iyang manok na hawak mo hindi mo pwede ipagdamot" at kinuha naman sa kanang kamay ko ang manok, aba'y bakla 'to para kay lola yan!

Pero hinayaan ko nalang siya kasi patay gutom si bakla.

"Fredrick! Tulungan mo kaya ako dito hindi naghahanap ka nanaman ng chupapi diyan" napatingin naman ako likuran ni frick para makita kung sino yung nagsalita at mukhang alam ko na kung sino ang nagsalita na yun.

Hindi nga ako nagkakamali kung sino ang nagsalita napabalik naman yung paningin ko kay Fricky at ang sama ng tingin na pinupukol nito sa isa pa naming kaibigan na papalapit sa paroroonan namin.

"Hoy annebantot ang kapal ng mukha mo tawagin akong Fredrick, gabi ngayon kaya si Fricky ako ngayon!" singhal naman nito kay anne.

"Hoy ka ulit! Tigil tigilan mo nga akong tawaging Annebantot mas mabantot ka tignan kaysa sa akin!" balik na singhal naman nito kay Frick. Hays, ito na naman sila ang never ending bardagulan nila kaya bago pa sila magka sabunutan dito nagsalita na ko.

"Tumigil na nga kayo" sabat ko sa kanila kaya napatigil naman sila at napatingin sa akin.

"Leigh-leigh!" tiling pagtawag ni Anne sa akin at dinamba ako ng yakap muntik pa kami matumba dahil sa lakas ng pagdamba niya sa akin.

"Maka yakap naman annebantot akala mo di nagkita kaninang umaga" sabi ni Frick.

"Pake mo ba" mataray na sagot naman ni Anne at bumitaw sa pagka yakap sa akin.

"Hep hep hep" awat ko sa kanila, kasi naman nagsisimula na naman sila, jusko po.

"Yan na naman kayo" suway ko sa kanila.

"Eh kasdgjhvhvs" hindi na natuloy at naintidihan yung sasabihan sana ni Frick ng takpan ang bibig nito ni Anne.

"Sasagot ka pang bakla ka" at tinanggal na ang kamay sa bibig ng huli at napanguso nalang si Frick.

Napailing nalang ako sa kanila at tumingin ulit kay Anne.

"Anne pwede pahiram ng mga..."

"Ok na Leigh na ayos na namin ang mga extrang lamesa at upuan" at ayun nga kaya di ko natuloy yung sasabihin ko dahil pinutol niya ako. Ayos ah, alam na alam na niya talaga yung papakiusap ko sa kanya.

Sa sinabing niyang 'yun napatingin naman ako sa mga taong nakapila kanina na ngayon ay wala na at mga nakaupo na sila.

"Salamat, Anne" at ngumiti ako sa kanya.

Risked it All (On-Hold)Where stories live. Discover now