Chapter 25

86 2 0
                                    

Adriana POV

Napagusapan na namin ni Enzo ang tungkol sa gender reveal party. We decided na ganapin na lang iyon sa December 24 pero 10am up to 1pm lang ang party, para yung mga pupunta ay may time pa rin silang makauwi or makapunta sa bahay kung saan sila magcecelebrate ng Christmas. Napagusapan din namin na konti lang ang imbitahin. Tanging close friends and family lang para tipid din sa gastos. Syempre wala pa naman kaming sariling pera. Nakakatuwa nga dahil nang ibalita ni Enzo iyon sa parents nya via call, masayang masaya ang daddy nya at sinabing magbibigay daw sya ng panghanda. Syempre di rin papatalo ang papa at kuya ko, kinaumagahan nang makwento namin sa kanila ay g na g rin sila. And of course my friends Lia and Cy, sila na daw bahala mag design para sa party. Yung sa cake naman ay sagot na daw ni Marsha, Enzo's friend. Super thankful din ako sa ibang friends ni Enzo kahit di ko pa sila kilala. They are helping Marsha with the surprise gender reveal cake and other things like smoke bomb and confetti.

December 22 is Cyril's birthday day. Kasama ko si Enzo sa pagpunta sa bahay ni Cy to celebrate her birthday. Simpleng celebration lang din ang nangyari pero super enjoy pa rin dahil sa mga friends ni Cy na dancers/performers. They did great with their performances for Cy. Surprisingly, kilala din nila si Enzo and some of them had experienced attending Enzo's tutorial session. Grabe din tong si Enzo, akala mo tahimik lang pero daig pa ang mayor sa daming kilalang students sa iba't ibang University.

"Syempre naman kung alam mong babagsak ka sa math eh lalapit ka talaga dito kay Sir Fernandez. Konti na lang pwede na natin sabihan ung mga prof na magpahinga na sila at ipalit na si Enzo eh." Lasing na wika ni Vin at agad naman silang nagtawanan habang sinasangayunan ang sinabi ni Vin.

We're sitting in one big table, it's already 9 in the evening and they're drinking except me because I'm pregnant. They are so considerate too that they don't light any cigarettes for me to stay with them.
And Yes, Vin is present too. I was shocked earlier when he entered the gate coz I really don't expect him to come. Ang funny lang ng kwento nya kung pano sya napunta dito sa birthday party ni Cy kahit once pa lang silang nagkakainteract. After that day na gumala kami, he followed all of us on IG and treat us like we are really his friends already. Then kaninang morning nga daw, nakita nyang birthday ni Cy. So, he chat Cy on IG and jokingly asked if he's invited then he'll bring cake and foods. Of course Cyril is so friendly too, she said yes and gave him the address. Then he really came with cake and case of expensive liquor. Gosh this man is really something. Close nya na agad kahit yung mga friends ni Cy na kakakilala nya lang kanina. Pero ang pinaka na-notice ko ay kung paano sya tumingin sa kaibigan kong si Lia. An Extrovert and Introvert? what a cute pair they will be if ever...

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang may biglang delivery man ang pumasok at hinahanap si Cyril. Nagtataka naman si Cyril na lumapit kay kuyang delivery man habang kami ay nakaabang kung ano yun.

Then we saw a bouquet of flowers and a gift, a big one. I saw shocked on Cyril's face then later on she's about to cry while reading the letter.

We were all curious kung kanino galing iyon. Nang makaalis ang delivery man ay syang paglapitan ng mga friends nya sa kanya at kinuyog sya. Kami ni Lia ay tahimik lang na nakaupo at nag aabang din ng sasabihin ni Cyril. Pero pinahid lang nito ang kaunting luha at nakipagtalo na sa mga tropa nyang inaasar sya.

"Shhh! Wag nyo ngang kunin aba! Di naman sa inyo?" Sigaw ni Cy at pilit nilalayo ang letter na pabirong kinukuha ng mga friends nya.

"Tita oh! ang anak nyo lumalandi na!" Pabirong sigaw ni Tine

"Tanga matagal na yan malandi. charot!" Belle

"Taray haba ng hair may pa delivery and boylet ni ante nyo!" Darrel

Bicol Series #1: Sarung BanggiWhere stories live. Discover now