Chapter 1
"Embrace uncertainty. Some of the most beautiful chapters in our lives won't have a title until much later." — Bob Goff
"Do you think you own this school Grace?"
"Ano? What are you talking about?"
NAIMULAT ko bigla ang aking mata. Ano ba ang panaginip na iyon? Tanong ko sa sarili ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Umiling nalang ako tsaka umayos ng upo sa higaan ko. It's been months since I moved from Manila to here. My dad let me stay with my Lolo which is my Mom's father. Hindi ko sya na meet nang maayos dahil matagal nang panahon mula nang makabalik kami dito. I remembered him when I was a child, but the memories were like a blurry film in my mind.
Umalis ako sa kama at lumabas para hanapin si Lolo. I think he might be doing his routine in the morning.
Handumanan... Sa usa ka babaye...
I heard the sound of his favorite radio station as I reached the sala. Nakaupo siya dun habang kumakain ng pandesal at umiinom ng mainit na kape. Agad akong lumapit sa kanya at nagmano at naupo sa kaharap na upuan.
"Apo... Kamusta tulog mo? Okay ra?"
"I'm okay Lo. Nakaka adjust na ako kaonti dito..."
"Huwag ka mag-alala mababait ang mga tao dito, minsan...", sabi niya sabay tawa, "Hayy nako apo, simula nang dumating ka dito naging usap-usapan ka ng mga chismosa nating mga silingan."
Napangiwi ako. Kakarating ko lang may issue na naman ako. "Is it a bad thing Lo?"
"No apo!", he answered with his thick Bisaya accent, "Ang mga silingan natin inggit lang sila sa akin kasi may maganda akong apo..."
Napangiti nalang ako. Isa sa mga napansin ko sa kanya ang ay pagiging matamis ng dila nya. In short, bolero. My mom used to tell me stories about her life her in Tuburan. How Lolo sacrificed everything just to help Mama graduate in a university in Cebu. How he accepted my mom's pregnancy despite being a graduating student nun and how he cared for me when I was a baby. Nakita ko ang portrait ni Lolo at Lola kasama kami nila Dad. I was still a baby nun...
But, may napansin akong painting. "Lo, kaninong painting po iyan?", I asked him.
"Iyang mga bulaklak? Kay Lola mo iyan. Mahilig magpinta ang Lola mo apo."
Another new discovery, Lola can paint! Sana naabutan ko din si Lola para maturuan niya din ako. Habang iniisip ko iyon ay biglang may nilapag na papel si Lolo sa mesa.
"Application form yan para sa CTU apo. Iyon lang ang malapit na college dito apo eh. Ang bilin kasi sa akin ng Papa mo ay dito ka lang mag-aaral. Mabuti at may nagbigay sa akin niyan kahapon habang nasa merkado ako. Basahin mo at baka may gusto kang kurso diyan..."
"Opo Lo... Pag-iisipan ko po."
DINALA KO sa kwarto ang papel habang si Lolo ay nagpaalam na pupunta sa baybayin para makisuyo sa mga kakilala niyang mga mangingisda. Ito din ang ginagawa niya dati nung nag-aaral pa si Mama at nilalako niya ang mga isda para may maipangbili si Mama ng kailangan niya sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
The Broken Melody (CTU Series #7)
Teen FictionHow to mend a broken song? Would it be replaced by a new melody or would a harmony can bring it back to life? Grace, isa siyang musical genius. She can sing in different genres, alam lahat ng mga musical instruments at nagging batikan sa larangan n...