Eliot Marano
12:00 AM
Migo:
Kuya
Eliot:
Pinsan mo hindi mo tinatawag na ate tapos ako KUYA????
Migo:
Brad nalang sige
Eliot:
Ano meron
Migo:
May itatanong ako sayo pero wag mo sasabihin sa kahit kanino
Kahit kay Cana na jowa mo
Eliot:
Sige lang
Migo:
Pano ba magselos ang babae?
Eliot:
Naks naman Migo binata naaa
HAHAHHAHAHAHA
Migo:
Tangina kaya ayoko magtanong eh
Eliot:
HAHAHAHAHAHSHHSHSH
Migo:
PANO NGA
Eliot:
Inamooo graduate ka na saka ka nagpapaka highschoooool
Migo:
Pasagot nalang bago pa ako
mamatay dito sa tanong na yan
Eliot:
HAHAHSHSHHSHS
Malay ko depende naman kasi
Kung si Cana yan di nalang yan bigla mamamansin tas para akong tanga kakaisip ano ginawa kong mali
Migo:
Eh pano kapag namamansin naman
Eliot:
Edi malamang masungit
Nagseselos na tapos gusto mo
masaya pa sya
Migo:
Ano pa
Eliot:
Nagpaparinig minsan
AY TAPOS ANO SASABIHIN "DUN KA NA KAY KUNG KANINO MAN"
Migo:
Wala rin namang ganyan
Eliot:
Baka delusional ka
Migo:
Ever since kasi may isang babae
lang sya na tinatanong sakin
She's always curious about this one girl at kung ano yung meron kami
Eliot:
Baka yung babae yung gusto
Migo:
Edi sana namatay nalang ako
Eliot:
Tanungin mo nalang siguro
Sino ba yan? Crush mo pa rin si Ally??
Migo:
Hindi na nga nakngtupa naman oh
Eliot:
Wow may bago na sya
Migo:
Mukang walang pag-asa eh
Eliot:
Deserve
Basted ka na?
Migo:
Hindi pero wala parang ayaw talaga
Mukang hindi nga nagseselos eh
Kung nagseselos yan baka naisip
ko nang positive nga
Eliot:
Mag ccommit ka ba??
Baka makaamin ka tapos panay
laro lang rin naman
Migo
Pwede namang unti-unti
Eliot:
Wag ka nalang umamin
Migo:
Totoo??
Eliot:
Di lang siguro tama sakin na aamin ka tapos di ka willing mag commit
Pano kapag gusto ka rin?? Edi iniwan mo na yon sa ere
Nag-aminan lang kayo
Sweet sweet lang sa unang araw
Migo:
Eh may usapan naman kami na habang nasa ibang bansa sya, okay lang na mainvolve ako sa iba
Eliot:
Ginawa mo naman?
Migo:
Twice
Eliot:
Naks naman pakboy
Migo:
We're clear about it
Eliot:
Kapag gusto mo na, panindigan mo nalang hangga't may pag-asa ka pa. Kahit anong klaro ng usapan niyo at kahit anong "okay lang" ng babae, kung may involve dyan na iba pang babae, hindi yan okay.
Naging uto-uto ka lang.
Migo:
So, magiging committed ako
kahit wala pang kami??
Eliot:
Oo, kung may balak kang maging kayo. Kung wala, edi bahala ka sa buhay mo
Migo:
Eh hindi nga sya faithful eh
Eliot:
Eh sino ka ba sa kanya???
Siraulo to
Migo:
Oo na nga
Tanggap ko nang nababaliw
na talaga ako kasi gagawin ko nga talaga
O magaling ka lang mag sales talk
Eliot:
Sisisihin pa ako ampucha
Adik ka, Migo.
Nung magtanong ka palang kung pano magselos ang babae, alam ko nang hulog ka na
Migo:
AAHHHH NAKAKAIRITA PA RIN
Eliot:
Ganyang ganyan ako nung close
si Cana at Theo
Nakakatuwa na nararanasan mo
Sana magtagal ka pa dyan
Migo:
🖕🖕
