Dahil sa narinig ko sa ibang kasambahay ay may panglaban na ako kung sakaling, sasaktan nanaman ako ni madam Lorie.
Kailangan ko nang ebidensya para mapakita kung sakaling mag kagipitan na.Isang linggo na ako rito, as of now parang okay naman, dahil nag out of town si madam bruha, kaya walang manakit saakin ngayon. Okay, naman ang pakikitungo saakin ng ibang tao rito.
Gigising ako ng maaga parin, pero hindi sampal ang bubungad sakin, maglilinis rin naman ako pero hindi tulad nong andito si madam dahil halos ibigay na niya lahat sakin ang mga gawain.
Tama 'yong kinakain ko araw-araw nag chi-chikahan rin kami nila Donna at Johanna.
Si Donna ay anak ni Manang at si Johanna naman ay anak ni manong tomas.Matagal na pala sila rito, pero hindi ko sila tinanong about doon sa narinig kung step-mother lang pala si bruha. Kapal ng mukha kung maka-asta.
Isang linggo mawawala si madam Lorie pero darating naman 'yong mga bruha na anak ni madam. Hindi ko sila kilala pero ang isa sakanila ay kuhang kuha ang ugali ni madam. Ang sabi nina Donna mas maganda raw ang ugali ni Isabelle kaysa kay Micaela.
Minsan na rin raw sila napagalitan ni Micaela, kahit wala naman raw ikagalit, lalo na kapag isinama nito ang boyfriend. Ang sabi pa nga ni Donna ay sobrang babaero at manyakis ang boyfriend ni Micaela. Kaya raw sobrang galit ni Micaela sa kanilang dalawa. dahil
napagkamalan silang nilandi nila ang boyfriend nito. Kaya tuwing dinadala ni Micaela ang boyfriend ay tudo iwas silang dalawa, para hindi mapagalitan.Pero minsan raw ay ang lalaki mismo ang lumalapit sa kanila kaya nahihirapan silang dalawa kapag andito si Micaela.
Kapag saakin ginawa 'yan baka hindi na siya makakatayo. Jusko ito namang Micaela sana naman pipili siya ng lalaking matino.
Hindi ko pa alam kung sino sa dalawa ang darating, pero mas maganda kung si Isabelle ang darating para hindi ako makahanap ng kaaway.
Andito ako ngayon sa likod ng bahay, parang naging tambayan ko na rito, dahil sobrang fresh nang hangin at ganda ng tinig ng ibon.
May malaking duyan dito na pwede mong tambayan hindi ka rin naiinitan dahil may
bubong naman ito tapos may malaking kahoy.Halos dito ako araw-araw kapag natatapos ko ang mga gawain, wala parin akong balita kay Zach, ewan ko sakanya bahala siya 'don.
Tahimik ako rito ng may narinig akong nag uusap,mukhang nag chi-chismis nanaman ang dalawa, lalapit sana ako para makasali ng may narinig ako---
"Alam mo Donna, nakita ko si sir Zach kanina sa may kanto, may kasamang babae at nakayakap pa ito sa kanya." hindi makapaniwalang wika ni Johanna.
"Shhh, huwag mong lakasan Johanna, alam mo namang andito si ms.Cosette e," reklamo ni Donna.
"Sana malaman ni ms.Cosette ang mga nangyayari, naawa ako sa kanya Donna." malungkot na saad ni Johanna.
"Alam mo naman na wala tayong karapatan diyan Johanna. Mas mabuting hindi nalang tayo maki-sali para iwas gulo." wika ni Donna.
Tama 'yan Donna, huwag nalang kayo manghimasok, alam ko ang setwasyon, well bakit ba kasi ako pa ang napili kung may girlfriend naman pala ang tao. tss.
Aalis na sana ako ng narinig ko nanaman sila.
"Akala ko si Ms. Isabelle ang darating si ma'am Micaela pala." nalulungkot na saad ni Donna.
"Oo nga, akala ko talaga siya kasi matagal-tagal na siyang hindi naka punta rito." Saad ni Johanna.
Ah, so si Micaela ang darating,mukhang mapapalaban nanaman ako nito. Mas mabuti nalang sigurong huwag ko nalang patulan dahil mukhang ako ang mas maayos mag isip.
Pumasok ulit ako sa bahay at nag kulong sa kwarto, gusto kung natulog pero naisip ko si Zach.
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon, totoo kaya yong sinasabi Johanna na may kasama siyang babae? Hindi ba siya nahihiya sa ibang taong nakaalam na kinasal kami---
Ay, Ewan ko sakanya.
Nagising ako sa isang katok, kaya bumangon ako at pinag buksan. Si Donna pala.
"Ms.Cosette, pina patawag ka ni ma'am Micaela," Donna said with a low voice.
"I see, I need to change my clothes and go there, by the way, nasaan siya?"I said.
"Nasa terrace siya ngayon ms. pero doon mo nalang raw siya kitain sa pool."Wika niya.
"Okay."Ani ko.
Sinarado ko ulit ang pinto at nag palit ng damit, I need to be formal, I don't want her to see me as simple.
Nag palit ako ng isang white shirt at denim black high-waist, simple pero malinis tignan.
Lumabas ako at pinuntahan ang pool,Malayo palang ako ay kita ko na ang kaputian ni Micaela at kaharap nito ang nobyo, I rolled my eyes at what I saw. So this is the start of our enemy era---
Malapit na ako ng narinig ko ang boses ni Micaela na kausap ang nobyo at ang galing naman ako pa ang topic.
"Babe, if you see cose-- basta yan na 'yong pangalan niya, if you see her in person, I know you don't like it." Maaring wika ni Micaela.
Ganda naman ng topic at di man lang ako napansin na nasa likod na nila ako.
"You're the only one beautiful in my eyes, babe, only you." He said and kissed Micaela. Napa labi naman ako dahil sa nakita, Ew!
“Micaela! what can I do for you?” Mapa-nuyang saad ko.
Agad naman napa-baling ang kanyang nobyo ngunit agad itong naiba ang dereksyon ng sinampal ito ni Micaela, “what freak? Sakit siguro yon.” Sabi ko sa utak.
“Nilalandi mo'ba ang boyfriend ko?” Pasigaw niyang tanong.
“Wait! What! Landi?” pa shookt kong saad at ka hawak pa bandang dibdib.
“Bingi kaba?” Sigaw niya. “Hindi—Hindi ako bingi at mas lalong hindi ako malandi!” Matigas kong saad at tinignan ang nobyo niya.
“You!” Sigaw ko sa lalaki, para naman itong asong naglalaway, yak! “Kapag titingin kapa sakin mawawala yang mata mo!” Sigaw ko at tinuro pa ang kanyang mata. Agad namang napa-baling si Michaela sakin para bang hindi makapaniwala sa inasta ko.
“Anong karapatan mong sigawan ang boyfriend ko?!” Sigaw niya at sasampalin niya sana ako ng nahawakan ko ang braso niya.
“Don't you dare!” Maldita kong saad at pa bagsak na binitawan ang braso niya. Hindi naman ito naka react kaagad dahil siguro sa shock. “And by the way, your boyfriend is like a patay gutom na aso.” Asik ko at mabilis na umalis sa pool.
Anong akala niya sakin, mag papatalo? Ito pa nga ang una kong labas sa kanya may pa shock shock na siyang nalalaman. Tsk!
YOU ARE READING
The unselfish Business
RomanceCosette Ann Clemente was sold by her parents to pay their debts. She can't say no, because the money has already gone and she was just told that she needs to marry Mr. Thompson's grandson. What is his name? Oh, I remember, Zachary Kaden Thompson his...