"I need to go to the faculty office urgently. If you have completed your work, please submit your papers to Miss Silvano."
Napaupo ako ng tuwid nang marinig ko ang sinabi ni Ma'am Olivar. Kanina pa ako natapos sa quiz namin pero hindi pa ako nagpapasa dahil hinihintay kong may maunang mag pasa.
Mayamaya pa ay nagsilapitan na ang aking mga kaklase sa akin para ipasa ang kanilang nga papel.
"Pres, siguradong ikaw na naman perfect nito." Nakangiting sabi sa 'kin ng isa kong classmate.
"Hindi naman siguro." Nahihiya kong sagot.
"Sus, sigurado na 'yan, ikaw pinakamatalino rito eh." Natawa na lang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang pag a-arrange sa kanilang mga papel.
Halos lahat ng nakakakilala sa 'kin iniisip na matalino ako dahil palaging ako ang nangunguna sa klase at consistent na nasa first section. Gumraduate ng Valedictorian sa elementary at palaging nangunguna mula grade seven hanggang ngayon. Pero sa tingin ko, hindi naman talaga ako matalino, sadyang mahilig lang akong mag basa at mag aral. Naging hobby ko na kasi ang mag advance study kaya tuwing may discussion, oral recitation at quizzes ay marami na akong nalalaman kaya madali na lang sa 'kin ang pagsagot.
Marami akong mga nagiging kaibigan dahil madalas silang sumasabay sa 'kin dahil na rin sa naishi-share ko sa kanila 'yong mga naiintindihan ko sa mga lessons namin at minsan ay tinutulungan ko rin sila sa mga takdang assignments namin. Pero marami rin ang may ayaw sa 'kin dahil nga isa raw akong bida-bida at pabibo sa klase na hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin dahil sa tingin ko ay natural na lang talaga ang gano'n.
Hindi ko rin naman kasi habang buhay na makakasama ang mga classmates ko ngayon kaya walang saysay kung pakikinggan ko ang kanilang mga negatibong opinyon tungkol sa 'kin. Hangga't wala akong ginagawang masama, wala akong pakialam kahit ano pa ang masabi o sabihin nila sa 'kin. Isa pa, wala rin namang naglalakas loob na pagsabihan ako ng masama ng harap harapan, takot lang nila.
Papunta na ako sa faculty room nang humahangos na lumapit sa akin si Mira, ang nag iisang kaklase na tinuturing kong totoong kaibigan. Pawis ang noo niya at hinihingal pa.
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko sa kan'ya.
"Keila! Si Kieran nakikipagbasag-ulo na naman! Puntahan mo dali! Baka makapatay na 'yong kapatid mo!"
Namilog ang mga mata ko at kaagad na tumatakbong sumunod kay Mira. Halos baggain at ipagtulakan ko na ang mga nakakasalubong ko sa sobrang pagmamadali.
Malakas ang kalabog ng dibdib ko dahil sa sobrang pag aalala. Nag aalala na baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko pero mas lamang ang pag aalala na baka kung ano na ang nangyari sa kaaway niya!
Kilala ko ang kapatid kong 'yon. Kapag galit siya, hinding hindi siya magpipigil. Wala siyang pakialam kahit mapuruhan pa niya ng sobra ang kalaban niya. Wala rin siyang pakialam kahit marami ang magalit sa kan'ya! Gano'n katigas ang bungo no'n!
Nakarating kami sa likod ng grade 10 building. Doon nagkukumpulan ang mga estudyante at naririnig ko ang malalakas nilang sigawan. Nagpupustahan pa nga ang ilang mga lalaki sa gilid habang ang mga babae naman ay nagtitilian, ang hindi ko lang sigurado ay kung tili ba 'yon dahil sa takot o cheer.
"My gosh! Ang galing talagang makipag-suntukan ni Kier!"
Kaagad na nagpanting ang mga tenga ko nang marinig 'yon. Dumoble rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love #1: Rogue Hearts
RomanceForbidden Story. Forbidden Love. He used to be my hero, the annoyingly caring big brother who protected me from monsters under the bed and cheered me on at every school play. His annoying laughter filled our home with warmth, and his hugs could cha...