Lagi kong naririnig na normal lang sa magkapatid ang nag-aasaran pero hindi naman siguro normal 'yong halos araw-araw at oras-oras na lang! Katulad ngayon, tahimik akong nanonood ng paborito kong anime at nasa scene na na maghahalikan ang dalawang bida nang bigla na lang namatay ang TV!
"KUYAAA!"
Malakas kong sigaw dahil alam kong siya ang salarin!
Nakatayo siya sa unahan, walang suot pang itaas kaya nakabalandra na naman ang buto-buto niyang katawan, may tuwalyang nakasabit sa kan'yang balikat at higit sa lahat, HAWAK NIYA ANG REMOTE!
"Bakit mo pinatay?!" Bulyaw ko sa kan'ya saka siya binato ng throw pillow na kaagad niya rin namang nasalo.
"Ba't ka nanonood ng hentai?!" Ganting sigaw niya naman sa 'kin habang nang-aakusa ang mga tingin.
Kaagad namang namilog ang mga mata ko dahil sa gulat at mas lalo yatang nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya!
Ang kapal naman talaga ng mukha niyang pagbintangan ako sa mga gawain niya!
"Hindi ako nanonood ng hentai! Hindi hentai 'yon!" Muli kong sigaw saka binato ulit siya ng throw pillow na nasalo niya rin katulad ng nauna.
"Anong hindi?! Hoy bata! Kitang kita kong magkakainan na ng nguso 'yong mga kengkoy na pinapanood mo! At bakit alam mo kung ano ang hentai haaa?!"
"H'wag mo ngang ibintang sa 'kin ang mga gawain mo!"
"Hoy tumigil ka! Isusumbong kita sa nanay ko! Manyak ka na ha!"
Anong manyak?!
Tuluyan na talagang nagdilim ang paningin ko at sinugod siya! Dahil masyado siyang matangkad ay kinailangan ko pang tumalon para maabot siya at kaagad na yumapos sa kaniyang leeg habang nakapulupot sa kaniyang baywang ang aking mga binti para lang hindi mahulog.
Mukha siyang nagulat sa aking ginawa kaya hindi siya kaagad nakagalaw at sinamantala ko 'yon dahil mabilis ko siyang sinabunutan. Doon lang yata siya natauhan dahil mabilis na sinasalag ng isa niyang kamay ang aking pagsabunot sa kan'ya habang ang isa niyang braso ay pumulupot sa aking baywang para siguraduhing hindi ako mahuhulog sa sahig.
"Aray, Kei! Masakit!" Angal niya nang ang dalawang tenga niya naman ang pinagtuunan ko ng pansin.
"Nakakainis ka Kieran! Nakakainis ka!" sabi ko habang nilalamukos ang kaniyang mga tenga. Wala akong balak na tigilan ang mga tenga niya hanggang sa magmukha na itong nalamog na kamatis.
"Hoy bata! Anong kieran! Mag kuya ka sa 'kin! Mas matanda ako sa 'yo, walang galang—Aaaaw!"
Naging sobrang likot ko dahil pilit niyang sinasalag ang mga kamay ko gamit lang ang isang kamay at mukhang nawalan siya ng balanse. Bumagsak siya sa sahig at dahil nakalambitin ako sa kan'ya ay nasa ibabaw niya ako nang bumagsak siya.
Napadaing ako sa sakit nang tumama ang mga tuhod ko sa matigas na sahig habang naipit naman ang mga braso ko sa pagitan ng ulo niya at nang sahig dahil sa takot kong mabagok siya ay kaagad kong iniyakap ang mga braso ko sa ulo niya.
"Ang sakit ng tuhod ko bakulaw ka!"
Patuloy akong dumadaing at halos 'di ko maigalaw ang mga binti ko dahil sa sakit. Hindi ko rin maialis ang mga braso ko sa ulo niya dahil hindi siya gumagalaw.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love #1: Rogue Hearts
RomanceForbidden Story. Forbidden Love. He used to be my hero, the annoyingly caring big brother who protected me from monsters under the bed and cheered me on at every school play. His annoying laughter filled our home with warmth, and his hugs could cha...