Entry #4- That Feeling

148 6 5
                                    

Sa gitnang bahagi ng Milky way galaxy ay may isang planeta na halos puro shade of red ang makikita. Hindi naman totally puro red ang nandoon. Sa malayo lang kapag tiningnan ay parang puro red ang planeta. Aakalain pa nga ng sinoman na baka katulad ito ng Venus na puro bulkan. Pero kapag nakapasok na saka makikita na colorful pala ang mundo ito. Mas marami lang talaga ang red. 'Yan ang planetang tinitirahan ko. Ang planeta ng Labyus.

Dito sa mundo namin ay naghuhumiyaw ng salitang pag-ibig. Bawal sa batas namin ang hindi magkatuluyan ang dalawang nagmamahalan. Kung kasal ka na at nagawa mo pang magmahal ng iba, tanggap 'yon sa lipunan namin.

Bawat desisyon ay nakabase sa kung ano ang mahal ng isang tao. Tulad ni Erndyi. S'ya ang pinakamayaman na negosyante sa planeta namin. Sinabi n'yang mas mahal n'ya ang negosyo n'ya higit kanino man kaya pinayagan s'yang maikasal sa minamahal n'yang negosyo. Nandyan din pala si Lagmus na sinabing pinakamamahal n'ya ang kalayaan n'ya kaya naglakad s'ya sa altar at nangako sa harap ng lahat na wala s'yang ibang mamahalin kung hind ang kalayaan n'ya.

Lahat ng tao ay glooming. Ang mga mata nila ay kakakitaan ng kakaibang glow at may ngiting hindi lang sa labi maging sa mata. Kapag tinanong ng bakit ay agad na sasagot ng, "Dahil nagmamahal ako," o "Ito ang mahal ko."

Ngunit kahit na ganoon ang nasa paligid ko ay may hindi pa rin ako maintindihan. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kulang. Madalas na humaharap ako sa salamin para tingnan ang aking sarili. Sampung beses na ngingiti. Pinipilit hanapin kung paano ba ang ngumiti na kasama ang mata. Sinusuyod sa aking itim na mga mata ang kakaibang glow na nakikita ko sa ibang tao. Madalas ang aking pagtakbo at pinapakiramdaman ang aking didib. Ito na ba ang mabilis na tibok ng pusong umiibig? Sabi nila parang nakipag-marathon daw ang isang taong umiibig sa bilis ng tibok ng puso. Heto na nga ba? Pagtakbo ba ang mahal ko?

Buong buhay ko pag-ibig lagi ang nasa paligid ko. Ang mga magulang ko halos hindi mapaghiwalay dahil sobrang mahal ang isa't isa. Ang mga kapatid ko na sobrang protective sa akin dahil ako ang bunso at sobrang mahal daw nila ako. Ganoon din naman ako sa kanila. Pero alam kong may kulang.

Isang araw, naligaw ako sa opisina nila Papa. Lagi naman akong pinapayagan ng mga guard na pumasok sa laboratory dahil hindi naman ako nangangailam sa mga gamit doon. Ngunit no'ng araw na 'yon ay wala sila Papa nang pumasok ako. Hindi ko alam kung nasaan sila. Pinili ko ang mag-ikot-ikot sa laboratory. Lagi ko naman 'yong ginagawa basta hindi lang ako nakikialam.

Isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. Sa isang sulok ay may isang salamin at doon ay makikita ang isa pang lugar. Lugar na puro berde. Hindi katulad namin na puro pula. Doon ay may isang babae na nakaupo. Hindi ko makita ang mukha ng babae kaya sa unang pagkakataon ay nakialam ako sa laboratory.

Agad kong sinubukang pindutin ang mga buton doon. Wala akong pakialam kung magalit sila Papa. Hindi naman talaga sila magagalit dahil mahal nila ako. Napindot ko rin ang zoom. Natigilan ako nang makita ang mukha at ekspresyon ng babae.

Katulad na katulad ko s'ya. Ang mga mata n'ya ay tulad ng sa akin. Walang ekspresyon. Hindi makikita ang kakaibang glow na dala ng pag-ibig. Blangko. Walang bahid ng kahit ano. Gusto kong ngumiti. Hindi pala ako nag-iisa.

Tumuon ako sa lamesa para mas mapalapit sa mukha ng babae. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon sa halip na i-zoom na lang 'yon. At sa hindi malaman na dahilan ay hinigop ako ng isang bagay. Umikot ang paligid ko at nang magkamalay ay nasa lugar na ako na puro berde.

"Sino ka?"

Nataranta ako nang marinig na may nagsalita. Hindi pa man ako nakaka-move on na napunta ako sa lugar na hindi ako pamilyar ay may nangugulat na agad sa akin. Lumingon ako at napanganga nang makita kung sino ang nasa harapan ko. S'ya ang babae kanina! 'yong babae sa salamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Final WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon