Unsent a Message

2 1 0
                                    

Binubuklat ang libro ng nakaraan,
Umaasang makakalimutan,
Ang mga alalaalang patuloy na bumabalik sa aking isipan,
At mga pilat na hindi na mabubura kailanman.

Mga masasakit na salita na binigkas ng inyong dila,
Tiwala sa sarili ko'y sinira,
Hindi ko alam kung mababalik pa ba,
Dahil pagkatao ko'y napinsala na.

Hindi pa ba kayo inuusig ng inyong konsensya?
Sapagkat ako'y pagod na pagod na,
Na hanapin ang hustisya,
Na ipinagkait nila sa akin tuwina.

Pinagsisihan ko na hindi ako lumaban,
Sa pambubulas nyong walang kabuluhan,
Ako'y nanghihinayang sa desisyong nagdulot ng kalungkutan,
Kalungkutang hanggang kamatayan kong pagdudusahan.

Sana'y hindi ko nalang kayo nakasama,
Sa aking masalimuot na elementarya,
Kung  may pagkakataon lang sana,
Sana'y hindi ko nalang kayo nakilala.










Whispersintheterrace

A Bridge To Your HeartWhere stories live. Discover now