Unexpected

41 3 1
                                    

Meg's Pov

Second week na, 4th year high school na kami ng besty ko, si Eunice Montemayor, alam nyo ba?

(Author: malamang hindi pa)

(Meg: Ay si author nagbibiro, patapusin mo muna ako, naman eh)

Sorry bitin, si author kasi epaal, hehe di joke lang baka patayin ako ni author, si ito nga may ipapa-alam ako sa inyo, yang si Eunice, maganda, athletic, mayaman, maraming naging boyfriend pero walang sineseryoso, hindi daw ksi me effort, matalino yan kaya lang pasaway na estudyante, suki ng Principal's Office, well actually KAMI, at syempre mabait, besty ko yan, childhood bestfriends, meron kaming company MONTE SQUARED GROUP of COMPANIES, alam nyo bakit yan ang pangalan? hulaan nyo :D

"Meg, gala tayo later?" aysst hindi parin nagbabago, kahit nag didiscuss si Sir gala ang nasa kukuti.

"Saka na natin yan pagusapan" focus ako syempre ayaw kong ma Principal's Office no, bagong buhay, hihihi ;'D

"Eeeh simpleng OO at HINDI lang naman"

"Baka nga mapagalitan tay--" hayst ito nanga

"Ms. Montenegro and Ms. Montemayor, what's your topic all about? Both of you, go out!"

BELL RINGS! ohyessss saved by the bell, thank you LORD!

"Class dismissed, and the both of you, follow me, principal's office now!" halaa agad'2? nako po akala ko bagong buhay.

Habang papunta kami sa P.O kasunod ni Sir Coronel, may nahagilap ang aking dalawang magagandang mga mata, hindi ako nagkakamali siya nga. Pero teka lang bakit kasama niya si Aleyah.

"Besty nakita mo yun" tinuro ni Eunice sila Ren at Aleyah.

"Huwag mong turuin, makahalata" nanlulumo kung sabi.

"The both of you, maswerte kayo at lock ang P.O, you may now leave, pero huwag nyo nang ulitin ang mag-chikahan while I'm teaching" strikto talaga to, di nagbago.

"YES SIR" with matching hand salute pa tung si Eunice

"Yes sir" walang gana kung sabi

"Besty gusto mo puntahan natin?"

"Huwag na best---" hinila ako ng bruha

"Hi Ren, Hi Aleyah" bati ni Eunice, bakit ba ako nanlulumo, hindi naman sila ah

"Hi din sa inyo" bati nilang dalawa

"Hi Meg" napataas ako bigla ng ulo, as in O_0 si Ren? binanggit ang pangalan ko? Oh em gii

"Ah-eh he-llo Ren" mygaaad kinikilig ako. Ay hindi nyo pa siya kilala, siyanga pala si Ren Eulysis Salvador, ahead sya ng 1 year sa amin, siya ang crush ko simula noong 3rd year, kaya lang hindi niya alam, wala akong balak sabihin natatakot ako.

"Ah napadalaw ka dito Ren" si Eunice, ito talaga malamang nandito sya.

"Ah Oo, nag promise kasi ako sa kanya (sabay lingun ky Aleyah) na susunduin ko sha"

"Ah yees, we're celebrating kasi our 3 monthsary" halaaa? sila na? bakit ngayun ko lang nalaman? so April sila na pala, ouuuuchyyy ang sakit ng heart ko </3 para akung naluluha.

"Excuse me muna ha, cr lang ako" ansaket talaga, sana sinabi kuna lang, hindi sana ako ang sinundi nya, walkout ang ate nyo.

Dumiritso ako sa likod ng school, may bench doon, natatkot silang pumunta dito kasi daw may kapre , dun na tumulo ang mga letseng luha na pinipigilan ko kanina. Buti nalang ako lang mag isa. Habang kinakausap ang sarili.

"Bakit ganun? kung kelan handa na sana akong ipagtapat ang nararmdaman ko" *sob *sob

"Ingay ingay may natutulog" halaa totoo nga may kapre, lingon lingon, tingin sa baba, sa taas.

"Si-si-no ka?" hala hindi ako makakilos, tulungan mo ako Lord

"Hooy tanga, nandito ako, akala mo siguro kapre ano?" biglang bumulaga sa likod ko

"Ay kapre, ano kaba mamatay ako sa iyo, atakihin ako sa puso"

"Ang OA mo may paiyak-iyak kapa, sino ba yan?" leche to pakialamero

"Pake mo?" tumayo ako, lalakad sana ako ng biglang pinabalik nya ako ng upo.

"Ay pu*a ano ba" malapit akong mahulog

"Oy alam mo, pwde mu namang ma share sa kin yang dinaramdam mo, I'll give you advices" wow ha.

"Wala kang alam" totoo naman hindi niya maiintindihan to, lalaki siya, mga manhid.

"Kaya nga sabihin diba?" ay pilosopo?

"Alam ko naman kayong mga lalaki mga manhid" there you go, my tears started to flow.

"Hindi naman sa manhid, ano ba yan bitin, maka alis na nga" Ay letse to pagkatapos umagos aking mga precious luha iniwan ako? ano to mag isa ako dito? Maya maya tumayo ako at naglakad.

"Meeg where have you been?" si Eunice

"Ah nag CR" palusot ko

"You're nor a good liar, pumunta ako dun pero wala ka, bakit ba namumugto ang mga mata mo?" hala nahalata? ed di nman ako gaanung umiyak ah

"Ah kasi" ayaw kung magsalita baka aagos na naman ang luha ko.

"Meg, you can share it to me, para san pang mag besty tayo? you can cry on my shoulders" manhid ba tung besty ko? tinatanung kung bakit ako umiiyak/

"Eh ksi besty, narinig mu naman kanina dba?" tama narinig nya naman ba;t ang manhid nila?

"Oo, pero besty hindi mo dapat yun iniiyakan"

"Madali lang sayo sabihin yan besty, pero ansakit kasi, alam mo yun" umiyak na ako, hindi kona napigilan.

"Besty, listen, alam mo naiintindihan kita, masakit mn, tatanggapin mo yun, dahil kung kayo talaga kahit anung mangyari hahanapin at pagtatagpuin ni destiny ang mga puso niyo. Kaya best huwag kanang umiyak, nasasaktan din ako"

"Eh best ang sakit talaga, kung sana nuon ko pa sinabi na gusto ko sya, edi sana ako ang sinundo nya, kami ang nagdiwang ng monthsary, at sana hindi ako umiiyak ngayon, best hindi kona kaya, alam kung OA, wala akung karapatan dahil crush ko lang sya, pero hindi ko kaya best." humagolgol ako ng iyak, OA na kung OA, depserada lang.

"Best, shhh tahan na, naiintindihan kita, alam ko masakit yun, pero best god has another plan for you, baka may ibang nakalaan para mahalin at hindi ka paiiyakin, everything happens for a reason best, yan ang tandaan mo, hindi kana masasaktan, nandito lang ako sa tabi mo." mas lalo akung naiyak sa huling sinabi ni Eunice, tama sya everything happens for a reason, stop this nonsense drama of mine, alam ko kung kami , kami talaga, I just need to be strong, kaya ko to. Pinahid ko ang mga luha ko, sabay ngiti.

"Tama ka best, dapat hindi ako nag react ng ganito, I'm so stupid, umiiyak ng dahil sa pagiging coward at dahil sa crush ko, nonsense" tumatawa ako, medyo magaan na ang loob ko.

"Tumpak, ang drama kasi, hayst kung hindi lang kita mahal? aba sinabunutan na kita, ang OA" natawa ako , totoo naman eh, kaya yinakap ko sha

"Thank you besty, kung wala ka, baka nag suicide na ako" tumawa kami at sabay umalis ng school.

Nakalimutan ko palang ipakilala ang sarili ko, ako nga pala si Erika Meg Montenegro, maganda daw sabi nila, pero totoo naman, bwahaha, athletic din ako we are the MVP's in the sport Volleyball, Phoenix Ladies, kami ni Eunice, at alam nyo na ba bakit MONTE SQUARED? dahil ang mga surnames ng families namin ay nag uumpisa ng MONTE, kaya ganun.

- PurpleAngel-

A/N: Hi po sa inyo, bagohan lang po ako dito, kaya sorry po kung mali2, at kung hindi pa po ako ganun kagaling gumawa ng story, hihihihi, I'll try my best to update everyday, dependi napo kung maganda ang mood ko, kaya kung pwede inspire me po, by just leaving a comment, need suggestions din po kasi. Yun lang, Enjoy your summer everyone. God Bless :)

I'm Yours, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon