Awkwardness

566 10 0
                                    

Chapter 5

Pag bukas pinto ni Anica Ng sasakyan mabilis na Syang bumaba
Salamat saka nahihiyang ngumiti Kay Joven

Huwag kang magpasalamat pinag hirapan mo Yan,..

Sige babalik na ako Sa loob,

Okay, saka muling Pinaktbo na ni Joven ang Nissan pick up pabalik Ng farm

Sinundan nalang Ng tingin ni Anica ang palayong sasakyan nito

Sana magtagal kana dito Senyorito bulong nya dahil madalas sa loob Ng limang taon madalang umuwi ito palageng nasa Manila

Saka Napa Ngiti Habang pabalik sa loob Ng Mansion

Dinala pa sya nito sa isang Fast food restaurant ngayon Lang sya nakakain Doon

Saka muling ngumiti sa joke nito kanina
Gusto mo bang magpa picture Kay Bida aNg saya?
Sino yon tanong nya
Saka tinuro si Jollibee
Sakto bago ang damit mo naka ngiti salita kanina nito

Sige sagot nya dahil first time nya mag pa picture Kay Jollibee parang bata na tumabi kay Jollibee saka nag peace sign at sagad na ngumiti dahil sa saya Ng nararamdaman nya kasama Ng Senyorito nya

Hindi Lang damit ang binili nito pati school supplies at groceries at tinapay halos hindi NYa madala papunta Ng Maids quarter

Saan Ka galing tanong Ng tita nya Ng bumungad sya Ng kitchen

Isinama po ako ni Senyorito sa farm Auntie,

Sige umakyat Ka Sa itaas Ng Mansion unahin mong linisin ang room ni Senyorito siguraduhin mong walang alikabok hanggang sa ilalalim Ng Kama nya at darating dawn mamaya ang nobya nya dito magpalipas Ng Gabi

Ganoon po ba nawala ang saya nya nararamdaman Ng madinig ang pag balik Ng nobya nito

Saka malungkot na kinuha ang panglinis diretso sa room ni Joven pag akyat sa mahabang hagdan Ng mansion

Halos wala Naman kalat maliban sa magulo nitong bed at damit na hinubad nito sa bathroom nakalagay na Sa laundry basket

Pinalitan na nya ang bed sheet at pillow case ,
Kahit mabango pa yon,

Napatikhim sya Ng Makita ang picture nito at Ng nobya nito sa ibabaw Ng bedside table

Patapos na sya. Maglinis Ng bumukas ang pinto Ng bedroom

Nandito Ka?

Ah nilinis KO Lang ang room mo may darating Ka daw bisita bulong nya

Hindi sumagot si Joven

Palabas na sya Ng room nito Ng tawagin sya

Anica dalan mo aKO Ng juice

Sige sandali Lang, at tuluyang lumabas Ng room nito

Samantala pag Labas NI Anica

Sa bathroom na nag diretso si Joven
Saka nag hubad Ng damit at sa init Ng panahon umuwi muna sya Ng makaligo

Nagulantang sya Ng may bumagsak sa loob Ng room nya

Napa lingon sya

Nanlalaki Mata ni Anica ng nakita nya

Shit Sabay takip sa ibabang katawan nya
At Kita sya nitong hubot hubad at glass wall ang bathroom nya

Hinablot nya agad ang towel saka itinakip sa ibabang katawan nya
Saka lumabas Ng bathroom

Anica tawag nya

Ah, eh Senyorito tuliro sagot nito Hindi KO sinasadya mabasag ang baso Sabay upo at akma pupulitin ang basag na baso Ng pinigilan NI Joven
Baka masugat Ka.

Hindi nga sya nagka mali
Dumugo agad ang daliri ni Anica

Napalatak si Joven at inalalayan ito patayo

Hindi Ka nag iingat,,,

saka hinila si Anica papasok Ng bathroom saka hinugasan ang kamay na dumudugo nito

Pasensya kana Senyorito
Aray,react ni Anica Ng punasan nya Ng tissue paper ang daliri nito

I'm sorry at mabigat ang kamay nya
Umupo Ka Sa bed utos ni Joven saka hinanap ang medicine kit nya

There, salita nya Ng Malagyan Ng betadine at band aid ang daliri ni Anica

Hindi Naman maka imik si Anica dahil hawak pa din nya ang kamay nito

Nextime be careful salita nya

Pasensya na talaga

Lumabas kana mag bibihis ako
Seryoso utos nya dahil.parang masikip ang kwarto nya sa Kanilang dalawa ni Anica dahil sa awkwardness na nararamdaman nya

Babalik nalang. aKO mamaya para linisin ulit ang room mo saka mabilis nang lumabas ang dalagita






HACIENDA SANTILLAN (TAGALOG) SC BAND #3 Series Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon