Kabanata 7

3.1K 76 1
                                    

Ihahatid muna nila si Jeff papunta sa condo nito.Ang walanghiyang si Dave ginawa pa itong Drive.Nagiisa lang ito sa una at ang dalawa ay sa likod.Si Dave naman ay panay ang sulyap sa katabi.Hindi siya talaga makapaniwala na nasa tabi niya ang babaeng mahal nya.At hindi lang iyon,mas lalo pa oyong gumanda at kuminis.Napapalunok na lang ito sa tuwing mapapasulyap sa hita ng dalaga.

'Lorraine paanong hindi ka naming mahanap" curious na tanong ni Jeff habang nagmamaneho.He never imagine na makikita nila pa ito.Ang alam kase ng lahat ay umalis ito at pumunta ng ibang bansa.

"Ha?" naguguluhan namang tanong ni Joana.

"I Mean matagal ka ring pinahahanap ni Dave at nag hired pa siya ng private investigator"halos pamulahan naman ng mukha si Dave.

"SHUT UP JEFF" sigaw nito sa kaibigan.Hindi namanmakapaniwala ang dalaga sa nalaman.Ibig sabin lang noon ay mahal talaga siya nito.She can't help it but to smile.

"Totoo naman eh" sagot naman ni Jeff na may mapang asar na ngisi.Si Dave naman ay hindi malaman ang gagawin.Namumula na talaga siya sa hiya.

Joana look at Dave.My God!He's blushing.She can't believe na nagbublush din pala ang babaerong si Dave.Gusto niyang pisilin ang pisngi nito dahil sa ka cutan nito.But she shook her head for that thought.

"Shut Up Jeff or else...." may halong pagbabanta sa tono ng boses nito.Mukhang pikon na talaga ito. Naramdaman naman iyon ni Jeff kaya tumahimik na lamang ito.Habang nasa sasakyan ay panay ang sulyap ni Dave kay Joana.Napapansin naman iyon ni Jeff.Napangisi na lang si Jeff sa kaibigan.

"Mahal nga talaga ng loko"  sa isip-isip ni Jeff habang sumusulyap sa side mirror ng sasakyan.Sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa katulad ni Joana.Napakaganda nito at may magagandang katangian.Kaya kahit sino ay mahuhulog dito.

Narating nila ang building kung nasaan ang condominium ni Jeff.Bumaba naman si Jeff sa sasakyan.Lumipat naman ang dalawa sa unahan.Syempre pinagbukas pa ni Dave si Joana.Sinunod lang nito ang payo ng kaibigan.Mas lalo daw maiinlove ang babae kapag gentleman ang lalaki.

'A guy is a boy by birth,a man by age,BUT A GENTLEMAN BY CHOICE'  

Parang baliw lang ang kasabihan na iyon ni Jeff.Pero pilit niyang sinusunod ang mga payo nito para lang kay Joana.Para lang sa babaeng mahal niya at gusto niyang makasama sa habang buhay.At babaeng gusto niyang magdala ng apelyedo niya at ang magiging anak nila.

"Good bye,Take Care of Joana" mapanuksong sabi ni Jeff kay Dave.Sinamaan naman ito ng tingin niDave bago pumasok ng kotse.Dave started the engine and start driving.Nangingiti na lang si Jeff na pumasok ng Building.Masaya siya para sa kaibigan.Kailan kaya niya mahahanap ang babaeng mamahalin din niya tulad ni Joana.

Naiilang naman si Joana kay Dave.Sino ba naman ang hindi maiilang kung katabi mo ang isang gwapong nilalang at isang sikat na businessman sa murang edad.Napansin naman iyon ni Dave kay inihinto muna niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada.

"Naiilang ka ba sakin?" tanong ni Dave na may ngiti sa labi.Si Joana naman ay hindi malaman ang sasabihin.Napatungo na lamang ito.Mas lalo naman lumawak ang ngiti ni Dave."Mag ka ng mailang sakin" sabi ni Dave at  hinawakan ang magkabilang pisngi ni Joana at iniangat ang mukha nito.And now they facing each other.Tumango naman si Joana.

"Gwapo ba ako?" tanong ni Dave habang nakatitig pa rin sila sa isa't-isa.She was shocked sa tanong nito."Answer me Joana" dagdag pa ni Dave.Dahan dahan namang tumango si Joana."I want to hear your voice" gusto talaga nito na mismo sa babaeng mahal niya na gwapo sya,hindi sa mga naging flings niya.

"O-oo" nahihyang sagot ni Joana at nag iwas ng tingin.Hindi na niya kailangang magsinunagaling pa dahil totoo naman talagang gwapo ang kaharap niya.Many womens will drools to him.Hindi namna maiwasan ni Dave na halikan ito sa labi dahil sa sagot nito.Nagulat naman si Joana sa Ginawa ni dave.

"Kaya nga bagay tayo.Gwapo ako at maganda ka.Kaya bagay na bagay tayo" saad ni Dave habang nakatitig parin sa umiiwas na tingin ng dalaga.Namula naman si Joana sa sinabi nito atb sa ginawang paghalik sa kanya nito."You're so cute when your blushing.Don't shy.Look at me" para namang robot na sumunod si Joana sa Utos nito.Tumingin siya kay Dave at kitang kita nito sa mga mata nito ang saya.

"M-matuturuan mo ba ang Puso mo na mahalin ako" lakas loob na tanong ni Dave.Kabang kaba na talaga ito samaaring isagot nito.

Nagulat si Joana sa tanong nito.Hindi siya makapaniwalang magtatanong ito ng ganon sa kanya.hindi niya malaman kung ano ba nag dapat isagot dito.Sa totoo  lang ay parang mahal na niya ito simula pa noon.Mula ng maging stalker siya nito.

Hindi niya maitatanggi na gusto na niya talaga si Dave pero ipinagsawalambahala lang niya iyo dahil nalaman niya ang pagkababaero nito.Natatakot siyang isama lang siya nito sa listahan ng mga naging babae nito.She afraid to be hurt.

"N-natatakot ako" iyon na lang ang nasambit niya.Naguluhan naman ang binata sa sahot niya.He  didn't know kung ano ang ibig sabihin nito.

"Natatakot saan?"naguguluhang tanong ni Dave.Hinalis niya ang pagkakahawak sa mukha nito at hinawakan ang dalawang kamay ni Joana.Bumuntong hininga muna si Joana bago sumagot.

"N-natatakot akong mahalin ka dahil baka isama mo lang ako sa mga babae mo.Kaya itinago ko ang nararamdaman ko sayo" napangiti si Dave sa sagot nito.Of course not.Hinding hindi niya gagawin ang bagay na yon.Pero hindi niya maintindihan ang huling sinabi nito.

"Hindi kita sasaktan Joana.Maniwala ka" saad ni Dave at tumngin ng deretso sa mga mata ni Joana.She saw sincerity in his eyes na ikinagalak namanng puso at isipan nya.Kaya nga siya sumama dahil naniniwala siya dito.

"N-naniniwala naman ako sayo eh.Kaya nga ako sumama diba?" napangiti na lang ulit si Dave sa sinabi nito.Ikinatutuwa niya na naniniwala sa kanya ang babaeng mahal niya.But he's curious sa huling sinabi nito.

"Ano yung sinabi mo kanina na itinago mo ang nararamdaman mo?" hindi maiwasang mahiya ni Joana.Wala na nasabi na niya."D-dati k-kase C-crush k-kita at G-gusto na kita" nahihiyang sambit ni Joana,Tumungo na lang siya sa kahihiyan na inaamin niya dito.Hindi namanmakapagsalita si Dave sa nalaman."S-stalker mo ko noon pero nong nalaman kung babaero ka.Tumigil na ko"nahihiyang dgdag pa ni Joana.She's like cherry bomb in plamt vs. zombies na sasabog na sa hiya.

"TALAGA?" hindi pa rin makapaniwala ang binata sa ipinagtapat ng dalaga.Para siyang lumulutang Cloud 9 dahil sa sobrang kaligayahan na nadarama niya ngayon."Kung ganon....?" hindi na nito pinatapos magsalita ang binata.

"O-oo na.M-mahal din kita" nahihyang pag amin nito sa binata.Nayapos na lang ni Dave si Joana sa Sobrang kaligayahan."Mahal na mahal din kita JOANA MADRID"

__________

Ipagpapatuloy....

Heart Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon