Kabanata 15

73 2 0
                                    

Seryoso siya at nakataas ang kilay sa dalawa.

"Do we have visitors?" aniya.

Sabay ring umiling ang dalawa. Biglang tumikhim si Hudson.

"We just wanted to ask if you need anything else..."

"Atsaka, gustong magpakilala ng bawat team kay Quizanna." dagdag ni Marys. 

"Alright, we'll follow. Kakain lang kami."

Mas lumawak ang ngisi ni Hudson kay Alvis. Palagay ko ay matagal na silang magkakilala.

"We thought you're done." manghang sabi nito.

Alvis hissed.

"Shut your idiotic mentality, Hudson. You're beside of your girlfriend. I'm with my girlfriend." habang sinasabi ni Alvis 'yon ay natatawa siya.

"Buti naman. Kasi naunahan na kita..." sukli ni Hudson

"Marys, can you slap your boyfriend? Masyadong mayabang. Atleast, I got her now."

Marys chuckled. Kumapit siya sa braso ni Hudson. Habang pinapanood sila ay umaangat ang aking mga labi bilang ngiti.

"Pagpasensyahan niyo na, Sir. Ganiyan talaga 'yan kahit noong maliit pa."

Nanlisik ang mga mata ni Hudson sa nobya. Tumawa lang si Marys at malakas na hinigit ang nobyo papalapit sa elevator. Alvis shook his head amusedly. Pumasok rin kami sa office.

"Saan mo sila nakilala? Mukhang close na kayo..."

Iginiya ako ni Alvis sa upuan ko kanina bago siya lumapit sa kaniyang upuan.

"Hudson was Dad's digital marketing manager in his company at Istanbul. Nasubaybayan ni Hudson kung paano ko tinahak lahat ng posisyon sa loob ng kompanya ni Dad, simula baba hanggang taas..." habang nagkukuwento siya ay nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.

Dahil tutok ako sa kaniya ay hindi ko alam kung anong pinaglalagay niya sa plato ko. Nakakamangha dahil may kompanya pala si Tito Hierome sa Istanbul. At, mas nakakagulat na tinrabaho ni Alvis ang iba't ibang posisyon.

"I tried all of it when I was a marketing student. Honestly, I earned amount from Dad's company. My salary was same as the employees but I only took half. The result was the MCM. May usapan kami ni Hudson. I'll took him my secretary when I able to build our company. Dahil parte ka ng kompanya ay isinama ko na rin ang girlfriend niya, si Marys para sayo."

Napatango-tango ako. Sa kaniya napunta ang isip ko hindi na sa tanong kung paano niya nakilala ang dalawa.

"Ang dami mo palang pinagdaanan..."

"It was part of a life. And ofcourse, a way of loving you." he smiled.

Sinuklian ko ang ngiting 'yon. Hindi nawala ang titig ko sa kaniya habang tinutusok ko ang kung ano sa plato gamit ang tinidor at agad na isinubo.

"Si Tito Hierome ba ay nasa Istanbul? Your mom? When will I meet them?"

Natigil siya bigla sa pagkain. He drink a bit of water. Sumeryoso ng masyado ang mukha niya.

"You only gonna meet Dad because my Mom..." he swallowed as if the next word was somehow hard to tell. "Mom passed away sixteen years ago."

My lips parted. His jaw tightened while tears begun to form in his eyes. Iniwas niya ang tingin sa akin at doon pa lang ay alam kong nasasaktan pa rin kahit ilang taon na ang nakalipas. Kahit sino naman.

Lumagok ako ng kaunting tubig at kaagad akong tumayo para lapitan siya. I don't know if he needs my comfort but I wanted to lend my shoulder for him to rely on. I hugged him. Yumapos siya ngunit mas mahigpit. Huminga siya ng malalim ngunit may halong panginginig. Niyapos niya ako ng sobra.

Woundless After Weak (Educador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon