Ang Kwento

76 0 2
                                    

SI MUNING AT MINGMING

sa isang tahimik na nayon, may magkaibigang pusa na nag ngangalang si muning at ming ming. Nag lalakad sila papunta sa syudad upang bisitahin ang kanilang siriling pamilya roon. habang nag lalakad silang dalawa, may nakita silang na pumukaw sa kanilang atensyon at lumuwa ang kanilang mga mata, iyun ay masarap na masarap na pagkain, pritong isda.

"mingming nakikita moba ang nakikita ko? isda. saktong-sakto nagugutom na ako" saad ni muning.

"ako rin muning nagugutom na ako, mukhang napaka sarap nito" sabi naman ni ming ming

"pero teka mingming, may kulang sa pagkain natin, kumuha ka ng tubig. para pagka tapos natin kumain ay may maiinom tayo upang hindi tayo mauhaw" muning

"tama ka riyan muning, saglit lamang at kukuha ako ng tubig" mingming

"ang bilis mong mauto mingming, kakainin ko ito habang wala ka" malaking halakhak ni muning

habang nag lalakad si mingming ay ginagala niya ang kaniyang mga mata upang mag hanap ng tubig para sakanila ni muning. mga ilang minuto na siyang nag lalakad ay wala pa siyang makitang ilog na mapag kukunan ng kanilang inumin.

"mukhang inisahan ako ni muning, tinaksil ako. sinolo niya ang isda na para saamin. maka balik na nga lang"

sa kabilang banda, kakainin na sana ni muning ang malaking isda ay may lumapit sakanyang malaking aso, nakakatakot ito at halatang nagugutom siya

"kamusta kaibigan, ano maipag lilingkod ko saiyo?" muning

"ibigay mo saakin ang isda" malalim na boses ng aso

"hindi pwede, akin ito"

"hindi mo ibibigay saakin o ikaw rin ay kakainin ko"

nag aagawan silang dalawa hanggang sa may ingay na ginawa ang aso na lubhang nakakatakot kaya walang nagawa ang pusang si muning kungdi tumakbo na lamang sa damuhan.

"nakakainis, kakainin ko na sana, may dumating pang aso. na guguton na ako sa layo ng nilakad namin ni mingming e, teka nasaan na si mingming"

nag lakad-lakad siya para hanapin si ming ming. sa layo ng kaniyang nilakad para hanapin ang kaniyang kaibigan ay humiga muna siya sa malambot na damuhan.

habang si mingming umiiyak na dahil naliligaw na siya. hindi siya mapakali, iyak lang siya nang iyak hanggang sa may pumatak sakanyang tubig sakanyang ulo. ulan pala ito

"naulan, wala akong masisilungan. lalamigin ako" at lalo lang siyang umiyak

sa kabilang banda si muning naman ay nagising dahil sa mga tulo ng ulan.

"naulan, si mingming..."

takbo nang takbo si muning para hanapin si mingming.

"mingming... mingming... nasaan kana... kaibigan... mingming patawad mingming..."

alam ni muning na malamigin si mingming. kaya sinigaw ni muning ang pangalan niya para mahanap lang siya

"nagsisi akong taksilin kita, para lang sa pagkain na gusto kong solohin. patawad mingming. hindi ko na uulitin. mag pakita kalang. hindi kona uulitin na pag taksilan kalang para sa isang bagay"

"mingming... mingming"

ilang minuto lang ay sa wakas ay nakita na ni muning ang hinahanap niya, si mingming.

agad-agad niya itong nilapitan

at niyakap

"patawad mingming, hindi ko dapat ginawa saiyo iyun, naging sakim ako. nag damot ako. nagsisi ako subra. sinira ko ang pag kakaibigan natin para sa isang pagkain lamang. patawad kung nagka ganto ka"

"nilalamig ako muning, nanghihina ako. parang hindi kona kakayanin sa lamig"

"kakayanin natin to"

"kapit lang"

nag uusap sila habang naka yakap sa isa't- isa.

lumipas ang araw, nagising si muning habang nakayakap sa kay mingming

"mingming, gising na"

"mingming oh, umaga na"

"diba makakaya natin iyung malakas na ulan"

"mingming"

"kaibigan"

sa malungkot na pangyayari. hindi kinaya ni mingming ang laban. hindi niya nakaya ang malamig na hampas na ulan. hindi nakaya ang lamig. hindi niya nalagpasan. nawala siya ng araw na iyun

"kaibigan.... patawad. napaka laking pagkakamali ang nagawa ko. una pinag damot ko ang pagkain. tinaksil kita. ngayon ako pa ang naging dahilan kung bakit nawala ka. napaka sakit para saakin. para saakin bilang kaibigan"

"bakit hindi ka lumaban"

"kasaman naman kita"


"nakalipas ang isang taon... hindi ko parin makalimutan ang araw na iyun. ang araw na nakagawa ako ng pagkakamali sa kaibigan. isang malaking aral na napulot ko. na wag mag taksil ng kaibigan para sakiniyang sarili. masakit mingming"

"iniwan mo ako"

"ang duya mo"

"pero may pasalubong ako saiyo. isda. pero hindi mo na ito makakain. wala na akong kasabay kumain nito"

"balang araw mag kikita rin tayo, at sa araw na iyun. hihingi ako ng tawad saiyo. at sa pag kakataon na iyun. hindi na muli kitang tataksilin.... mahal kita mingming"

WAKAS 😺😺😺

si muning at mingmingWhere stories live. Discover now