🍁56.SERENDIPITY OF HEARTS

71 2 1
                                    


TITLE: SERENDIPITY OF HEARTS

AUTHOR: Bb_BlossomHearts

GENRE: ROMANCE

STATUS: COMPLETED (PUBLISHED BOOK)

STORY DESCRIPTION

“Hindi natin kailangan hanapin ang para sa atin, kusa na lamang itong dadating.”

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Lexie at Kenneth sapagkat nasampal ni Lexie si Kenneth sa pag-aakalang ito ang humipo sa kaniya. Mula noon ay naging aso’t pusa na ang relasyon nilang dalawa.

Hindi gaya kay Kenneth, naging magaan naman ang loob ni Lexie kay Serendipity Boy. Ito ay misteryosong lalaking nakilala niya sa pamamagitan ng sulat sa message board sa isang milktea shop. Nagkaroon ng maraming beses na palitan ng mensahe si Lexie at Serendipity Boy.

Ngunit, nagbago ang ihip ng hangin sapagkat hindi namalayan ni Lexie na nahuhulog na siya hindi lang kay Serendipity Boy kung hindi pati kay Kenneth. Ngunit paano kung ang pagiging babaero ni Kenneth ang magtutulak kay Lexie upang layuan ito? Paano kung biglang may dumating na katulad ni Serendipity Boy? Ano ang mangyayari sa relasyon nilang tatlo? Makamit kaya ng ating mga bida ang magandang pagtatapos kasabay ng pagtatapos nila sa kolehiyo?

BOOK COVER

BOOK COVER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wattpad Stories Recommendation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon