Prologue

18 1 0
                                    


I'm Rain Dennise Tan and my Heart is FRAGILE . .         

Rain's Pov


Sa paningin ng ibang tao isa akong mahina. Hindi nila alam na may iba akong dahilan kung bakit ako ganito.
Ipinanganak ako na may sakit sa Puso kaya bawat galaw ko ay kailangan ng gabay. Bawal akong mapagod at masaktan Pysically and ..... Emotionally pero kahit kailanman ay hindi ko naranasan ang mga ganung bagay dahil sa kuya ko.
Mayaman at sikat ang pamilya namin dahil narin sa mga negosyo nila. Ano pa't mayaman kami kung yung sarili nilang anak hindi nila maipagamot diba? Kaya't simula nung lumaki na ako, hindi pa rin sila nawawalan ng oras para sa akin.
Tuwing Mondays,Tuesdays at Saturdays may trabaho sa Office sila Mama at Papa, sa Wednesdays naman ay tinuturuan ako ni mama mag Bake, sa Thursday naman ay sinasamahan ko si papa sa Garden, mahilig kasi kami ni papa sa mga Bulaklak pero ang pinaka paborito ko sa lahat ng bulaklak na nandito sa garden ay ang mga Puting Rosas ang peaceful lang kasing tingnan. Anyways si Kuya naman eh sinasamahan ako sa Mall mag shoping o kaya mamasyal sa ibang lugar. Sobrang thankful nga ako kay kuya dahil sobra nya akong iniingatan. Teka . . . nasabi ko na ba pangalan ng Kuya ko? Parang hindi pa. Onga pala sya si kuya Emmanuel Daniel Tan. At eto pa, tawag ko lang naman sa kanya e Babe. Bakit Babe? Simple lang, gusto ko lang maranasan gumamit ng salita na yon.

Bukas na ang pasukan at bagong environment nanaman ang maeencounter ko. Kaya sila Mama at Papa e todo paalala sakin, kesyo wag daw ako mag pagod masyado at magaral daw akong mabuti. Taon taon ganun din ang palagi nilang sinasabi saakin.





|| ^.^ Hiii! Im not good at writing stories so bear with me. Hahahaha

So feel free to Vote And Comment xoxoxox

DON'T YOU DARE BREAK my FRAGILE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon