Nag uunahang tumulo ang aking mga luha nang marinig ko ang bawat katagang lumabas sa kanyang bibig ngunit nagawa ko itong pigilan. Ang noo'y punong puno ng pagmamahal ay napalitan ng pagka muhi. Halos itaboy niya ako at ni ayaw makita. Naiwan akong nakatayo sa paborito naming lugar sa aming university. Hindi makapaniwala at tulala. Hindi ko na nga napigilan ang aking mga luha. Kusa na silang tumulo ng tuloy-tuloy.Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pag patak ng mahinang ulan. Ngunit hindi manlang ako natinag sa aking kinakatayuan. Wala na yatang mas sasakit pa sa yugto ng buhay kong ito. Yugtong di ko inaasahang mangyayari sa akin.
Lumalakas na ang ulan at nararamdaman kong basang basa na ang aking damit. Unti unting lumalabo ang aking paningin hanggang sa naramdaman ko sa aking balat ang gaspang ng sahig na aking kinakatayuan.
————-
"Good morning Adieeeeee!" Napa-igtad si Adeline na tila nagising sa isang masamang panaginip. Nagulat sya kung sino ang nag mamay ari ng boses na tila gumising sa kanyang ulirat.
"Micah??"
"Yes! It's me!" Sagot nito. Tuluyan na nga itong pumasok sa opisina ni Adeline at umupo sa isang couch. "Oh, bakit naman parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni Micah
"I didn't know na bumalik ka na. When pa?" Pabalik na tanong ni Adeline habang kumukuha ng drinks sa kanyang mini fridge. "Soda? Wine?" Tanong nito.
"The ushhh." Maarteng sagot ng bisita. "Actually, kakadating ko lang at dito ako dumiretso." Paliwanag ng dalaga.
"Talaga ah..." napangisi si Adeline sa narinig.
"Well, hindi naman ako magtatagal dito sa Pinas eh." Paliwanag ni Micah. "A month lang. May aasikasuhin lang ako. Eh since nabalitaan kong ikaw na ang bagong President ng alma mater natin, I planned on visiting you first." Dagdag pa nito.
"I see. How's tito and tita?" Tanong ni Adeline.
"Well, they're good naman. Actually, nasa business trip silang dalawa. Eh ikaw? I mean alam naman natin na—" naputol ang sasabihin sana ni Micah nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Come in." Saad ni Adeline.
Iniluwa ng pintuan ang isang matangkad at guwapong binata na may dala dalang paper bag.
"Keith?" Nanlaki ang mga mata ni Micah nang makita ang binata. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa binata at kay Adeline sabay ngumiti ng nakakaloko. Huminga sya nang malalim at saka nagsalita "OMG! Are you...?" Napatakip sya ng bibig at tila kinikilig.
Nilakihan ng mata ni Adeline si Micah na tila nagbabanta.
"Uh, no. Pinabili lang sa akin ni Adie 'to. Nag jog kasi ako d'yan sa oval kanina." Paliwanag ni Keith.
"Ohhh..." sambit ni Micah na may halong pag dududa. Noon pa may ay si Keith na talaga ang gusto nya para kay Adie. Mabait ito, marespeto at maalaga. Bonus pa na magandang lalaki ito. Matangkad, athletic body at maintained ang faded hairstyle na lalong nagpagwapo rito.
"Yes. Kailan ka pa bumalik Micah?" Tanong ni Keith habang ibinababa sa lamesita ang dala nitong paperbag.
"Just now." Sagot ng dalaga. "Ano ba yan? Familiar yung smell huh." Usisa pa ni Micah sa inihahain ni Keith.
"Ah, mga inihaw. Na-miss daw ni Adie eh, nagpasa-buy" sabay tumawa ng mahina ang binata. "What a term." Umiiling-iling pa ito habang inaayos ang mga pinamili. "Join us ha. Napadami pala 'tong binili ko."
"Oh, the foods na hilig mong kainin noong..." Nilakihan ulit sya ng mata ni Adeline kaya hindi nya na naituloy ang gusto nitong sabihin. "Anyway, in fairness. Hindi nagbago ang lasa ha." Comment nito sa kinakain.
"Galing noh? Hanggang ngayon, nandoon pa rin si manong. Kahit successful na sila. Imagine, lahat ng anak nya college graduate na. Magaganda ang mga trabaho." Kwento ni Keith habang kumakain sila.
"Oh, why naman ayaw nya pa mag retire? Maayos na pala ang buhay nila eh." Pagtataka ni Micah.
"Cause that barbecue stand, is the reason kung bakit nakatapos ang mga anak nya. At doon sya masaya." Sagot ni Keith
Matiwasay silang nag agahan at nag catch up. Ilang taon rin kasi silang hindi nagkita-kita. Sobra nilang na miss ang isa't isa. Napag kwentuhan nila yung college life nila and yung after college. Pagkatapos kasi ng graduation ay nag ibang bansa na sila.
"How's raffy and Chino?" Biglang singit ni Micah.
"They're very happy. Grade one na nga sila eh." Nakangiting sagot ni Adeline
"Imagine? Grade one na ang mga inaanak namin pero hindi pa namin sila nakikita!" Pagrereklamo ni Micah.
"Actually, they're about to turn 7. Gusto ko sana mag organize ng party eh." Sabi ni Adeline. "Since nandito ka, can you help me please?" Pakiusap nya kay Micah.
"Sure!" Pag sang-ayon nya.
"You could use my help too!" Naka-ngiting nag volunteer si Keith. "I know some suppliers!"
"So, magsa-sideline na akong event organizer para kay Raffy and Chino boo!" Sambit ni Micah na halatang excited at pumapalakpak pa.
"So, need nating ma-accomplish to sa loob ng 2 weeks." Turan ni Adeline
"Whaaaaat?????" Gulat na tanong ni Micah.
"Yes" sagot ni Adeline habang tumatango. Natawa naman si Keith sa facial expression ni Micah na tila ba gusto nang magtransform into a superhero.
"Okay, okay. For Raffy and Chino boo!" Nag inhale at exhale ng malalim si Micah at tumayo. "Anyways, I need to go na. May mga meeting pa kasi ako mamayang hapon and I need to SLEEP!" Pagpapaalam mi Micah.
"Ako din, May mga aasikasuhin pa mamayang after lunch. I have to go na." Nagpaalam na rin si Keith at aktong ililigpit ang kanilang pinagkainan.
"No! No!" Pag pigil ni Adeline rito. "Sige na, sila nang bahala d'yan."
Tumayo na sila at yumakap at nag beso sa isat't isa.
"See you tonight?" Tanong ni Micah. "Ay wait, pwede pa bang mag Chico's ang isang Ms. President?" Pabirong tanong ni Micah.
"Oo naman! After hours." Nakangiting sagot ni Adeline.
Hinatid na nya sa pintuan ng kanyang opisina ang dalawang kaibigan .Sakto namang naka tayo ang kanyang secretary sa labas ng kanyang pintuan at ipinaalala na may 10 minutes pa sya bago mag umpisa ang board meeting.
Nagulat pa sya nang maalala n'yang may meeting pa nga pala sya. "Hmm, Alice." Tawag niya sa secretary. "Paki tawag naman ng maintenance. Paki ligpit sana 'yung pinagkainan namin. I need to prepare." Malumanay niyang request.
"Sure ma'am" at tumawag na ng maintenance si Alice. Samantalang si Adeline naman ay nag prepare na para sa kanilang meeting.
——
BINABASA MO ANG
He Was Mine
Chick-LitSa tagal ng panahon, akala mo naka moved on ka na. Pero what if magtagpo muli ang inyong landas? Anong gagawin mo?