CHAPTER 22

2K 34 1
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:IBANG BANSA
-CHAPTER 22-

-CANDICE'S POV-

Alam mo kung ano yung masakit?!.

Sinasabihan ka ng martir, boba, tsnga at kung ano anong masasakit na salita without knowing na tinitiis ko lahat para magkaroon ng ama ang anak ko.

Handa akong maging tsnga kakahabol.

Handa akong masaktan.

Because i want my baby to have a father.

kasi kahit na anong sakit ang dinanas ko sa kamay ni Ivan gusto ko pa ring makilala siya ng anak ko.

Pero tila sobra na~. Nakakapanghina na sa sobrang sakit.

Mugtong mugto ang mata ko habang nakatitig sa kabaong na nasa harapan ko.

Tila hindi ko kayang umiyak, parang naubos na ang luha ko.

Mariin kong iniyukom ang kamao ko ng bigla na lamang may isang lalaki ang pumasok.

"Ma, ako na" sabi ko ng akmang tatayo si Mama.

"Maam, dito ba ang bahay ng Salvador??" tanong ng lalaki na ikinatango ko.

"Yes why??" tanong ko ng bigla niyang iniabot ang isang Papel sa harapan ko.

"Simulan nyo na pong magbalot ng gamit niyo, dahil bukas na bukas lilipat na po ang bagong may ari sa bahay na ito" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"What did you say?!..Bahay namin ito" asik ko.

"Maam, matagal na pong may usapan si Mr.Montero at ang iyong ama. Matagal na pong nakasangla ang bahay na ito" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"BULAG BA KAYO??HINDI NIYO BA NAKIKITA HA??TSNGINA!!..NAMATAY ANG PAPA KO!!" sigaw na iyak ko ng bigla siyang umiling iling.

"Pasensya na po maam, trabaho lang" sabi nito saka bigla akong tinalikuran

Inis akong nangunot noo at madiing pinunit ang papel na iyon.

Gigil na gigil ang mukha kong dahan dahan na lumapit kay Mama.

"M-ma....etong b-baha~" hindi ko nagawang ituloy ng malakas siyang humagulgol sa harap ko.

"Matagal ko ng alam yan Candice. At ang usapan na iyon ay bukas ang deadline. Kaya wala tayong magagawa" sabi ni Mama na ikina ngiwi ko.

Bakit ngayon pa?.

Nanghihina akong napaupo at hindi na alam ang gagawin.

Hanggang sa may isang kamay ang biglang humawak sa balikat ko.

"Candice, kumain kana! Magpahinga kana rin ako na bahala dito" sabi ni Nico.

"Tita, ako na po bahala dito" sabi niya pa kay Mama.

Umalis si Mama para magpahinga, tinitigan ko si Nico namumula na rin ang mata nito, isang ngiti ang iginawad nya bago ko sya tanguan.

Hinatid nya ako sa kwarto, at pagkatapos nun ay agad ring umalis.

Pagkahiga na pagkahiga ko, napatitig ako sa kisame at kasabay nun ang mainit na pagpatak ng luha ko.

Mariin kong iniyukom ang kamao ko.

Napakasama nya.

Bakit niya ginagawa sakin ito?

Bakit nya ako pinapahirapan?

Marahan kong hinaplos ang tiyan ko.

"Hinding hindi mo siya makikilala bilang ama" sabi ko kasabay ng mariin kong pagpikit at mapait na pagngisi.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon