Prologue

4 0 0
                                    

Ahria's POV

Ito ako ngayon, nag iisa. Charot, kasama ko
si Mommy saka Daddy ko. Nandito kami sa
restaurant na masarap! Ang bango pa!

May kikitain kasi sila Mommy saka Daddy na
friends daw nila simula nong bata sila tapos
ngayon lang daw sila ulit mag kikita kasi galing
sa ibang bansa iyon.

6 years old palang ako, sinama ako nila Mommy
para raw makilala ko rin ang anak nong kaibigan
nila.

Habang hinihintay namin ang pagkain at
iyong kikitain ni Daddy ay ginamit ko muna ang
tablet na binigay saakin ni Mommy.
Nanood lang ako nang pawpatrol! Favorite ko
itong palabas e.

Naka braids ang buhok ko at nakasuot ako
ng skyblue dress na denim na hanggang tuhod
ko ang haba saka white robber shoes lang.

"Kuya, hawak!"

"Reya, I don't want!"

"Ahria, nandito na sila. Come bond with their
children." Sabi ni Mommy saka kinuha nang
dahan dahan saakin ang tablet, tumingin ako sa
bagong dating.

Kausap na ni Daddy ang isa pang gwapong lalake.
Napatingin ako sa dalawa pang bata.
Napatitig ako sa lalake, wow ang gwapo naman!
Sila ba ang sinasabi ni Mommy na makipag bond
ako?

Hala! Ang bata ko pa pero sa tingin ko crush
kona iyong lalake, ang gwapo at matangkad.
Pero may kasama siyang ibang babae.

Tumayo nalang ako at nag lakad papunta
sakanilang dalawa. Napalingon paako sa babae
na tinarayan ako.

"Hey! I already told you to control those eyes!"
Sabi nong lalake at kinurot ang kasama niyang
babae.

"Kuya! Sorry, bigla lang tumaas ang kilay ko
eh!" Sabi naman nong babae at ngumuso pa.
Ang cute naman non, saka kamukha niya
itong lalake na kaharap ko ngayon.

"Hi, you must be Ahria. I'm Rax but you can call me Alex too if you want, but they often call me Rax."
Wow, nakaka nosebleed. Bakit nang eenglish?

Ang gwapo na nga tapos maganda pa ang boses.
Perfect! "I'm Ahria, yeah." Tama ba ang sinabi ko?
Okay na iyon siguro, ngumiti nalang ako nang
matamis sakaniya.

"Ako si Reya! Hello, hi. Kapatid niya ako." Sabi
naman nong isang babae na kasama ni Rax.
Panira naman tong bruhang 'to! Joke!

"Hello, ahh. Mag kapatid pala kayo." Sabi ko
nalang at tumango.

Then after that kumain na kami katabi ko
pa si pogi! Hala feel ko crush kona talaga siya.
Ang sweet niya nga e kasi he is helping his sister
to eat!

Sana ako rin subuan niya!

Hanggang sa nag patuloy tuloy iyon, ngayon
nandito kami sa may playground nakikipag laro
na ako kay Reya habang iyong kuya niya
binabantayan lang kami.

Friends kona nga sila agad e, ang friendly
din kasi nila ang babait nila! Sabi pa nga ni Reya
may kakambal pa siya pero hindi sumama.

•••
After 2 years

"Kuya Viel? Im hungry." Lumapit ako sa kusina
kung nasaan si Kuya Viel na tito ko na
umampon sakin since my parents died.

He look down at me and frown. "Did you
cry again? Ahria. Come here." He kneel down
and hinila saka niyakap ako.

Ayon naiyak nanaman tuloy ako nang malakas.
"I miss my parents." Sabi ko habang humihikbi.
I wrap my small arms around his neck.

"Shhhh, it's okay. I'm still here."
Hinarap niya ako sakaniya at hinalikan ang noo
ko. He even wipe my tears away.

"Kuya Viel loves you and won't leave you." He
whispered. "You're hungry? What do you want?
I'll cook or your favorite restaurant?" Nginitian niya
ako para pasayahin ako.

I pout a little and hug him again. "Cook.
I want bacon and chicken." Sabi ko nalang
saka kumawala na sa yakap.

"We're out of bacon." He said and flinch.
"Chicken nalang muna, fried chicken?" Tanong
niya saka tumayo na.

Tumango lang ako saka ngumiti, pinunasan
ko ang sariling luha saka nag hintay nalang
habang siya ay nag luluto.

Bata pa si Kuya Viel, sinusupport siya nang
parents niya para i-raise ako.

"Kuya?" Tinawag ko siya habang nakatingala
para lang makita siya nang maayos, ang tangkad
naman kasi niya eh.

"Hmm?"

"Pwede hatid mo ako kay Reya? Sa bahay nila
Kuya Rax po." Pakiusap ko saka ngumiti.
"Please." Dagdag ko habang nag papa cute.

Tinawanan naman niya ako saka tumango.
"Sure, we'll call their parents muna. After we eat."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unspoken Desires Where stories live. Discover now