Chapter 2
Cy's POV:
Kumunot ang aking noo nang makita ko ang mga kaibigan ko sa study lounge. Nilapitan ko sila at umupo sa vacant chair.
"Wow, ang babait n'yo ngayon, ah," bati ko sa kanila.
Binalingan ako ng katabi kong si Andie. "Matagal na kaming mabait, Cy."
"Hindi halata."
Ngumisi ako nang magsmirk si Andie.
"Oh, Apollo Cyan, my friend!" bati sa akin ni Renjie habang nagta-type sa laptop niya. "Naligaw ka yata."
"Kayo itong naligaw. Anong ginagawa n'yo rito sa study lounge?"
"We're obviously busy with these damn paperworks," naiinis na sagot ni Yukio bago isinara ang folder na hawak niya.
Tumawa ako. "Kayo naman kasi. Ba't n'yo ba pinoproblema iyan? Puwede namang mamaya n'yo iyan gawin, eh. Kain muna tayo."
Second year college students na kaming magkakaibigan. Iba-iba ang kursong kinuha namin kaya naman minsan lang silang magkita-kita dahil na rin magkaiba ang schedule namin. Nevertheless, we find time to hang out. At ngayon ang perfect day na lalabas sila dahil suspended ang classes ngayon dahil may meeting ang lahat ng faculty sa iba't ibang colleges.
"Cy?"
Napabaling ako kay Johnren na bahagyang ibinaba ang binabasa nitong makapal na libro. Ito kasi ang tumawag sa kanya. Sina Andie naman ay napahinto sa kanilang ginagawa. Minsan lang kasi magsalita si Johnren. Kung magsasalita man siya, talagang mapapatigil ang sinumang makakarinig sa boses niya. Daig pa kasi ang TV announcer sa ganda ng boses niya. Despite his beautiful voice, accountancy ang kinuha nito instead of Mass Communication.
"Bakit?"
"Don't tempt us."
Natawa kami. "I'm not tempting anyone. Niyaya ko lang kayo."
Johnren shrugged and resumed his reading.
"Pareho lang iyon, 'tol," Renjie said. He is taking up IT.
"Magkaiba iyon," giit ko.
"Hay, naku, Cy," naiiling na wika ni Andie. Electrical Engineering naman ang kinuha nito.
"What?" Ano na naman ang ginawa ko?
"Magseryoso ka nga sa studies mo. Gumaya ka kay Renjie, oh. Carefree at manyak-"
"Hoy, Andie, paninirang-puri iyan."
"Pero tingnan mo," pagpapatuloy ni Andie. "May time sa studies kaya hindi bumabagsak."
"Huwag mo naman akong masyadong purihin, Andie. Baka ma-inlove ako sa'yo."
"Tumahimik ka, Renj, kung ayaw mong suntukin kita."
"Pwede kiss lang-aray ko po! Napaka-brutal mo talaga. Tsk. Ba't ba kita naging kaibigan?"
Nasapo ni Renjie ang braso niyang sinuntok ni Andie. Babae nga pala si Andie, pero lalaki ang kaluluwa niya.
"You, two, mamaya na nga iyang lambingan. Nakakaistorbo kayo, eh," reklamo ni Yukio. "Ikaw, Cy? Wala ka bang gagawin? 'Di ba may project ka?"
BINABASA MO ANG
That Game: Diary ng Playboy
RomanceI can’t believe this! I can’t believe I, Apollo Cyan, am falling in love! Kahit kailan ay hindi pa ako na-inlove at wala akong balak na ma-inlove dahil masasaktan lang ako. Ayokong masaktan kaya nga hindi ko sineseryoso ang mga karelasyon ko, eh. Lo...