Chapter 1: Meet the vampires

156 4 1
                                    

"Manong matagal pa poba tayo?"

Tanong ko sa matandang driver kanina pa kasi kami bumabyahe e.

"Malapit na po tayo ma'am"

Tumango tango nalang ako kay manong. lilipat nakasi ako ngayon ng bahay maganda na daw yun kasi libre lang ang pagkain tapos kakilala pa ni papa

Bumyahe pa ibang bansa si papa. may kaibigan daw siya na tutulungan ako mag-aral plus maganda daw yong bahay, masasarap ang mga pagkain kaya saan kapa?

Lumipat na sa magic sarap!

" Nandito na po tayo ma'am"

Lumabas naako sa sasakyan at agad na nagbayad

"Ma'am kulang po yong pamasahe niyo"

" Ha? e magkano po pala dapat?"

" 500 po "

Napakamot ako sa batok ano ba naman yan! Sa nagtitipid ako ngayon e ang mahal mahal naman ng pamasahe.

Pero magbabayad parin ako no! mabait panaman si lolong manong. Esti-- tatay na manong pala napapatanda kona ng subra e

"Heto na po manong salamat po” at naglakad na ako pagkatapos kong magbayad.

Habang naglalakad ako bumungad naman agad sakin ang malaking kulay itim na gate syempre doorbell muna bago pumasok akala ko walang magbubukas ng gate at mayamaya'y  wala nga'ng nagbukas ng gate.

Pero automatic siyang bumukas namangha naman ako grabe gara ah

Walang pagaatubiling pumasok ako sa bahay esti-- mansion pala di ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Medyo kinakabahan na medyo na e- excite na medyo nangingilabot.

Okay naman ang bahay ang totoo nakaka mangha tingnan sa labas.

pumasok na rin ako sa loob habang dala-dala ko ang maletang lagayan ko ng mga damit ko.

Mabigat ang maleta ko wala man lang sumalubong sakin ano to haunted mansion? Walang ka tao tao?

Pagkapasok na pagkapasok ko pala'y bigla ng sumirado ang malaking pinto sa likod ko kaya napa-igtad ako sa gulat.

Sobrang ganda ng loob sanaol malinis pero hindi gaanong mailaw.

Minsan lang ako nakakahagip ng ilaw nagtitipid yata ng kuryente ang mga nakatira dito e.

“Tao po may tao po ba rito? kung wala ayos lang naman”

“yohoo tao po!”

Wala yatang tao mabuti naman kung ganon mag-isa lang ako dito! Teka may pagkain kaya dito ano kayang meron?

Sabay evil smile

Sana mayrong fruit salad dito o kaya cake manlang

Nasan kaya kitchen nila? Hinanap ko muna ang kitchen nila nagugutom nakasi ako yo know na pagkain is life talaga

Pero iba ang nakita ko paa sa sofa? Totoo ba to o imagination ko lang? May paa sa sofa dalawang paa

May natutulog ba?

Dahan dahan ko itong sinilip tao nga teka tao nga! Natutulog ba siya

" ahemm..." Hindi man lang nagising

" tao po esti-- hellooo!" kinaway kaway ko ang kamay ko pero didma parin

Nakakairita ang isang to ah.

Pinagmasadan ko muna siya nang nalaman kong hindi siya humuhinga bigla nalang akong nataranta akalain mo ba namang may bangkay dito!

Hinawakan ko siya at subrang lamig ng mga kamay niya

" Patay! May patay! Tulong po tulong po!" hindi ko na alam kong anong gagawin baka pagkamalan pa akong criminal nito jusme..

" Anong ingay yan?" malamig na boses ang bumungad sa likuran ko agad naman akong napa lingon doon

Hala patay na! Ayoko pang makulong!
Papa bakit niyo naman ako iniwan dito!

Dalawa silang naka tayo sa hagdan dalawang lalake

" Kuya tulungan niyo po ako ma-may" patay dito

Nauutal kong sabi kinakabahan na talaga ako wag niyo sana akong ikulong inosente po ako

Napa baling ang atensyon ko sa taong humalakhak sa tawa.

" Jeez.. bro she call you kuya"

Bakit ano bang gusto niyang itawag ko don manong?

Tinapik niya pa ang lalakeng tinawag kong kuya. Nagagawa niya pa talagang tumawa habang may bangkay na nakahandusay dito

Pero inferness may bangkay pang naka higa sa sofa? Susyal ah.

" Te-teka wala ba kayong gagawain? May patay dito oh

" who's dead?"

" ay shunga!"
Nagulat ako sa bumulong sakin agad ko itong nilingon

Yaat!! Ang patay buhay! Totoo ba talaga to?

Ngumisi siya? Talagang ngumisi siya! Nang akmang tatayo ako agad ako nitong hinawakan sa kamay at walang kahiraphirap na pinahiga sa sofa.

" smells good ikaw pala ang naamoy ko kanina

Bigla akong kinabahan.

" bitawan monga ako!" nagpupimiglas na ako pero parang isang poste itong binabangga ko diman lang nagalaw

Nangsitayuan ang mga balahibo ko nang dinilaan niya bigla ang leeg ko.

" sweet"

" kino wag mo muna siyang pakikialaman

Agad akong kumawala nong binitawan ako ni kino (kuno)

Anong ibig nilang sabihin?

" why not? She's our meal today anyway"

Baliwalang sagot ni kino.

Ano? Wag nilang sasabihing kakainin nila ako ano sila aswang!

Sa subrang pagka taranta ko tumakbo nalang ako papalayo sa kanila. Ayoko pang mamatay ng dahil lang sa mga aswang nayon

Hindi pwede! Marami paakong pangarap sa buhay hindi ko pa nakikita ang future husband ko ay esti-- hindi pa pala ako nakaka kain ng shrimp

Ouh mamamatay lang ako kapag nakain ko na yon!

( imposible ko nga makain yon)
Eh alergic ako don e. Mamamatay talaga ako kong kumain ako non kaya no way na mamamatay ako dito.

Takbo lang ako ng takbo kahit saan san naako napapadpad pero parang sinusundan parin nila ako.

Pagtumakbo ako pakanan nakikita ko ang batang lalake na may dala dalang stuff toy.

Pagtumakbo naman ako sa kaliwa nakikita ko rin ang lalakeng may suot suot na reading glass

Nakatayo sila na parang nanonood lang ng pelikula

Hindi ko na alam saan pa pupunta parang pabalik balik lang ako ng dinadaanan.

May naririnig akong malakas na tawa napatakip ako sa tinga dahil sa nakaka kilabot nitong dala

" tama na! Ayoko na!" mangiyak ngiyak kong sigaw

Papa

Biglang may humila sakin at dinala ako sa madilim na silid.

------------------------

Asahan ang mga wrong grammar sa istoryang ito.

Hindi kasi ako professional  writer kaya pasensya na

ENJOY READING(♡˙︶˙♡)

Dangerous BitesWhere stories live. Discover now