Chapter 1

10 5 0
                                    


As you grow older, you will likely have a chance to find answers to everything. You will understand why things happened the way they do, why your favorite author stopped writing, why you failed exams, or even why things turned out the way you didn't expect to.

But in my case, it's different.

“Remember class, you are now a college student. Do not expect your teachers to give consideration every time that you happen to fail meeting their expectations.”

I swallowed air as I attentively watched our teacher discuss in front. Last time I checked, last subject na namin siya para sa ngayong araw. Wait, what? Why do I sound happy na last na siya? I looked forward to this! Grabeng excite ko na sa wakas, after two years of recovery, I get to attend college and now, what?! I'm excited? Oh. Cheen, you are overreacting again. You are just tired for today. A rest is all you need. Attentive huh.

“Be responsible enough. You are a first year. Not elementary. Not a high school, but a first year college students.” May diin sa tonong saad pa ng guro.

Tumango ang ilan sa amin sa sinabi niyang iyon. Kinapa ko ang kuwaderno na kanina ko pa inilagay sa ibabaw ng aking lamesa at marahang binuklat ang pinakalikod nito para isulat ang lahat ng requirements na maari kong makalimutan bago matapos ang araw.

Saglit na tinignan ko ang ballpen na hawak at pumirma pa ng praktisado kong pirma sa likod ng kuwaderno. Nang magawa iyon ay handa na sana akong magsulat ng ilan pang kailangang isulat nang may kamay na naglapag ng isang nakatuping piraso ng papel sa aking lamesa. Napataas ang isang kilay ko. Napapanood ko ʼto sa palabas! May mga kaklase kang mambubully sa iyo at isa ang pag-aabot ng papel sa kanilang estratehiya para ikaw ang mapagalitan ng teacher!

Dinampot ko ang papel at inilagay ito sa bulsa ng aking bag. Mamaya ay paniguradong mapapadaan ako sa isang basuharahan at itatapon ko ito.

Sa huli ay umiling ako at ipinagsawalang bahala na lamang ang tungkol sa papel. Sandali akong nag-isip ng mga kailangan kong maisulat ngunit hindi pa ako nakakapagsimula ay muli na namang may naglapag ng papel sa aking mesa. Kunot-noong dinampot at binuklat ko ito at agad na binasa ang nakasulat.

'Hello, ako si Mali. Birthday ko ngayon. Iniimbitahan kitang pumunta sa selebrasyon ng 7 PM^^'

Hindi na ako nag-abalang lumingon pa at alamin kung sino ang nagsulat niyon.

Selebrasyon? Hindi ako para sa mga ganiyan. At sinong mag-iimbita sa kaklaseng dalawang araw mo pa lang na nakakasama sa paaralan? Malay ba niya kung mabait o hindi ang taong iyon? At malay ko ba kung totoong may selebrasyon at kaarawan na gaganapin?

“Hindi ka madaling magtiwala, ano?” Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit nang may magsalita. Inangat ko ang tingin at nakita ko ang babaeng nakapangalumbaba sa isang lamesang katapat ng upuan ko. Nakapalobo ang pisngi nito at kahit natatabunan ng ilang piraso ng buhok ang kaniyang noo na siyang tinatawag na bangs ay kitang-kita ko lamang na nakakunot ang mga kilay nito.

“Mukha ba akong kriminal?” Nanatili akong nakatingin sa kaniya gamit na ngayon ang nagtatanong na mga mata. “Mukha kang nagdududa pero sa cute kong ʼto? Aba! Nagkakamali ka!” Masigla nitong iniusog ang upuan palapit sa akin.

“Ako si Mali.”

“M-Mali?”

“Yes! The one and only Mali living in the Philippines!”

“Birthday mo?”

Tumango ito. “Birthday ko.”

“Nagkamali ka ba ng napagpasahan ng papel?”

“Hindi, at bakit? Marami bang Cheena Torres sa mundo? Girl, nag-iisa ka lang!”

Ang daldal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving by Accident Where stories live. Discover now