05: Stare
Maaga akong nagising at agad na inayos ang uniform ko muna. Naghilamos na muna ako at nagsuklay mamaya pa namang hapon ang class ko.
Pagkatapos ko sa banyo ay sumunod naman si Max at nakita ko si Casey na lumabas na. Siya ang pinakamaagang nagising sa amin.
Ako naman ay nagpaganda pa muna. Syempre I need to look clean. Keeping my hair clean. I also need to practice good posture.
“Anong ginagawa mo?” Napalingon ako kay Max na nakangisi.
“Wala lang po,” sagot ko.
“Okay princess Sarah. Pero ganda ng mata mo ngayon ah.”
“Talaga?” Nakangiti kong tanong.
“Ganda rin ng ngiti mo, inspired?”
Hindi ko na siya sinagot at hinanda na ang sarili ko. Kakain lang naman ako ng almusal pero todo ang paghahanda ko.
“Kakain na ako, ikaw?” tanong ko.
“Ah sa school nalang ako,” sagot niya at agad akong tumango bilang sagot. Bumaba na agad ako at dumiretcho sa canteen.
Remember Sarah, avoid staring intensely like you always do! Ikaw lang ‘to wala ang mga kaibigan mo.
Hinanap ko muna siya bago ako pumila para bumili ng pagkain. Nakapwesto siya sa pinakadulo. Kailangan kong bilisan dahil ayokong maunahan.
Nang makabili na ako ng pagkain ay agad akong dumiretcho doon sa pwesto niya. Pero hindi ako mismo don sa pwesto niya umupo ako sa table na nasa harapan niya. Bakante pa naman kaya agad akong umupo doon.
Kaya mo ‘to. Kakayanin mo, ito ka na eh. Kung sakali mang hindi mag-work ‘to hindi ka naman siguro iiyak Sarah diba?
Now I’m just waiting for her to look at me. Am I being weird or scary? I hope not.
There's no wrong in trying right? Kasi kung hindi siya para sa akin? eh sino pa ba?
I halted when she suddenly looked at me and smiled.
I smiled back and held my gaze for a few seconds before looking away.
Hindi ko alam kung anong itsura ko but I’ve done it! Eye contact! Pero enough na ba ‘yon? Sumilip ulit ako sa kanya habang di pa ako kumakain. Ang panget ko kayang kumain.
She's staring at her phone right now and it looks like she's done eating already.
Nag-umpisa na rin akong kumain.
Naubo ako nang mapatingin ulit ako sa kanya ay nakatingin na rin siya sa akin. Agad kong sinapo ang aking dibdib nakita ko pa siyang natawa bago ako umiwas ng tingin. Nabilaukan pa ako. Sibukan ko naman agad na buksan ang water bottle ko.
Nakita pa niya akong naubo. Ano ba!
Hindi ko pa mabuksan ang tubig ko! Mabuti naman tumayo na siya. Tinuon ko na ang aking pansin sa sarili ko.
Natulala ako nang may biglang kumuha sa tubig ko at binuksan ito. Napaangat ang aking tingin at nakita si Casey. Hindi ko pa nga nalulunok lahat ng nasa bibig ko. Naubo pa ako ulit!
“Eat slowly,” sabi niya bago tuluyang lumakad palayo sa akin. Uminom naman agad ako ng tubig.
Nag-uumpisa pa nga lang ako ito agad nangyari! Nakakahiya! Paano ko siya maaakit niyan? I’m just being delulu!
Pero hindi ko naman kailangang sumuko agad ngayon diba? kahit baka na-turn off na siya sa akin.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa taas. Nakita ko rin si Casey na nakasuot na ng uniform. Pants look good on her, it accentuates her long legs.
Ako dahil hindi naman ako katangkaran. Okay na ang skirt sa akin.
“Alis na ako,” sabi niya na ikinatulala ko.
Hindi naman niya kailangang magpaalam pero siguro dahil kasama na kami sa iisang room, sa iisang dormitory.
“Ingat,” sagot ko.
Alam kong dapat iiwas na ako ng tingin dahil ayokong tumitig sa kanya ng matagal dahil baka matakot ko siya.
Pero sobrang ganda lang niya na hindi ko mapigilang ma-appreciate.
“Stop staring at me like that.”
“Sorry,” agad kong sabi.
Sabi ko na, I’m not doing this right.
“I might melt, you know.”
Huli niyang sinabi at ngumiti pa siya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
–
fb: @lisnaej
