Kabanata 1:Kagubatan

12 2 1
                                    

•●•●•●•●•●••●•●•●•●•●•

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

•●•●•●•●•●••●•●•●•●•●•

"Hello ma?malapit na po ako,nasa may tapat na ako ng karinderya"inabot ko sa tricycle driver ang sampong piso at bumaba na ng tricycle.

"Opo ma nakababa na ako,dadaan lang ako kila Mariane para kunin yung project namin sa Science tapos uuwi na agad ako"kamot ulo akong naglakad papuntang kabilang kanto upang daanan ang classmate ko.

"Ikaw Ashe bilisan mo ng makauwi ka na agad malapit ng maghating gabi.Ikaw naman kasi sinabi ko ng ipagpabukas mo na yang project nyo eh di ka talaga nakikinig sakin, mamaya-...blah blah blah"napairap nalang ako sa hangin sa daming sinasabi ni mama.

"Sige na ma mamaya nalang malapit na ako sa bahay nila Mariane,bye"hindi pa sya nakakasagot ay agad ko ng pinatay ang tawag at agarang nilagay sa black ko na backpack ang aking cellphone at nagpatuloy sa aking paglalakad.

Mayamaya pa habang naglalakad ay may nakita akong isang anino sa may puno ng Santol.Hindi ko na sana ito papansinin dahil baka tambay lang ito sa kanto dahil mag ninine palang naman ng gabi,kaya ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad ng biglang tumawa ng malademonyo ang anino sa likod ng puno,dahil dito nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa kaisipang isa itong multo.

Binilisan ko nalang ang aking paglalakad ng maramdamang may sumusunod sa aking likuran.

'Hala gago anong trip ng tambay na to at naisipan akong sundan?"ramdam ko na hindi parin ako nito nilulubayan kaya ang kaninang paglalakad ay mabilis na napalitan ng pagtakbo na syang ikinatakbo din ng adik sa likod ko.

'Hindi na ata to basta na tambay lang sa kanto baka isa na tong adik,sino ba naman kasing matinong tao ang tatawa ng ganyan tapos susundan pa ako diba'napa sign of the Cruz nalang ako dahil sa aking naiisip.

Habang busy sa aking pagtakbo ay di ko na namalayang may isang malaking bato na pala ang nasa aking harapan na agad kong ikinatumba at sa aking pagkatumba ay sya ring pagtama ng aking ulo sa isang kumpol ng bato.'Pusang gala naman o kung minamalas ka nga naman'.

'Ang tanga-tanga mo talaga Ashe kahit kaylan.Alam mo na ngang nasa piligro na yung buhay mo di mo man lang chineck yung paligid mo,so tanga tanga talaga'nakaramdam ako ng pagkahilo at naging malabo na din ang aking paningin.

Mayamaya pa ay unti-unting bumigat ang aking talukap hanggang sa mawalan na akong ng Malay.

•●•●•●•●•●••●•●•●•●•●•

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakakasilaw na liwanag na agad ang bumungad sa napakaganda kong muka.

Marahan akong bumangon at inilibot ang paningin sa kapaligiran.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adamius Empire:The Diamond Of AffalaliaWhere stories live. Discover now