Chapter 5

1K 68 4
                                    

"Ayos naman ho ako, Mother superior."









Kausap niya ang matandang madre habang nakamasid parin sa inookupang kuwarto. Ipinaalam niya ang nangyari sa kanya kanina nang makarating siya sa lugar. Natakot ito dahil baka kung ano na ang mangyari sa kanya ngunit sinabi niyang ayos lamang siya. Ayaw niyang mag alala pa ito masyado dahil pinadala naman siya sa lugar na ito para harapin ang mga pagsubok gaya na lamang ng mga nangyari at nasaksihan.










Tiyak niyang makakatulong pa ang mga karanasan niya rito para pagtibayin ang kanyang pananampalataya. Bagamat una pa lamang ay ipinadanas na sa kanya kung gaano kadelikado ang haharapin niya ay hindi siya susuko at papatunayan na kaya niya. Hindi siya nagmadre dahil sa gusto niyang maranasan ang buhay na 'pure' kundi dahil sa tingin niya ay nagkaroon siya ng 'calling' nang minsa'y muntikan na siyang mamatay.










It was an accident when she was in college. Kasama ang mga kaibigan ay tumungo sila sa isang sikat na beach resort para magbakasyon. Her family is well off and they can afford anything they desire. Kaya naman lumaki siya na sunod sa luho.










During their vacation, they tried surfing. Kahit na hindi naman siya amrunong lumangoy ay sumubok parin. Sinabihan naman sila ng surfing instructors na aabangan sila ng mga ito at kung kailangan ay i-guide pa pero nagmatigas siya. They went and did what they wanted and as a result, a big wave came crashing onto her, not even giving her a chance to stand on the board. Nahulog siya at sinubukan pang umahon ngunit tumama ang dulo ng surfing board sa kaniyang ulo dahilan para mawalan siya ng malay.










She woke up in the hospital, she had a head injury and she almost died. She was revived, and thank God, there are no further complications. Nag iwan lamang ng lamat ang tinamaan ng board. Hindi naman ito makikita ngunit kung kakapain ang kanyang ulo at hahawiin ang buhok na nakatabing roon ay makikita ang malaking scar. She wasn't proud of it. Kaya todo ang pagtatago niya rito.











Pagkatapos niyang makarecover ay nagising na lamang siya isang umaga na gustong magmadre. Tutol ang kanyang mga magulang lalo na at nag iisa lamang siya na anak ngunit wala nang nagawa ang mga ito dahil pumasok na siya. All they can do is support her. May katandaan na ang mga ito dahil anong edad na ang mga ito nag asawa at nagpakasal. Her dad was british american while her mom is a filipino american. Magmana siya ng height sa kanyang ina dahil lampas six ft. naman ang kanyang ama.










Her father is a redhead and she inherited his genes. Halos ito ang kamukha niya. Guwapo ito at masyadong maputi hindi katulad sa kanyang ina na may pagkamorena. Inayos niya ang pagkakaipit ng de keypad na cellphone sa kanyang balikat at tainga saka muling nagsalita.










"Tutungo na ho ako sa monasteryo bukas para makapagsimula na."









Ngunit hindi ito sumang ayon sa kanyang kagustuhan at pinayuhan siyang magpahinga na muna kahit tatlong araw sa kanyang tinutuluyan. Alam naman niyang nag aalala ito ngunit paano na lamang ang pagsisimuka niya roon? Hindi na siya nagpumilit at sinabihan siya nitong magpahinga na lamang. Nagpaalam na sila sa isa't isa saka pinatay ang tawag.









Inilibot niya tingin sa kabuuan ng kwarto. At least ay hindi ito katulad ng opisina nito. Hindi niya nabanggit sa kanilang mother superior kung saan siya ngayon tumutuloy. Basta ang alam nito ay may natuluyan siyang isang establismento sa lugar. Baka kung sasabihin niya kung nasaan siya ngayon at kung ano pangalan ng restobar ay magulantang ito at mahimatay pa. Mother superior is a very sensitive woman. Kahit nga makarinig lamang ng hindi gaanong masama o bastos na salita ay akala mo aatakihin na ito sa puso.









Sumulyap siya sa bintana na nakasarado ang makakapal na kurtinang kulay abo. Sigurado naman siyang walang makakasilip roon. Nakalock din naman ang pinto dahil ang babaeng iyon na mismo ang nagsara kanina dahil may pupuntahan pa daw itong importante.









Dahan dahan niyang inalis ang suot na veil at sinunod ang coif pagkatapos ay hinayaang bumagsak ang reddish niyang buhok na hanggang batok lang din. May pag iingat na hinubad rin niya ang suot na habit sumunod ay ang kulay puti na undergarments. She's only wearing a black brassiere and underwear now. She raked her hand on her hair letting her fingers dive in her smooth hair and scalp. Medyo nakayuko siya para tignan ang mga paa nang bigla na lamang bumukas ang pintuan.









Hindi na siya nakapagreact agad dahil pumasok na ang babaeng salarin. Tigalgal siyang napatingin sa may pintuan habang ang babae ay medyo nakaawang pa ang mga labi na nakatingin sa gawi niya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa bago gumuhit ng dahan dahan sa labi nito ang isang ngisi.









Mabilis niyang hinugot ang nahubad na habit at itinakip sa kanyang katawan saka namumula na napatingin sa babaeng may matagumpay na ngiti sa labi. Akala mo ay nakakita ng isang bagay na nakakapagpausbong ng pagkainteresante.









"My, my, you are hot."








Napataas ang isa niyang kamay at napatayo siya nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya. Umaatras siya bawat hakbang nito papalapit. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon kaya patuloy sila sa paghakbang palapit at paatras.









Kung kanina ay nakangisi pa ito, ngayon naman ay seryoso na itong naglalakad palapit sa kanya at may kung ano siyang nararamdaman na kuryente kahit ilang hakbang ang layo nito sa kanya. It's impossible to feel something like that. The air in the room suddenly become electrifying and every step she makes brings a slight quake on the floor boards even if it was made from a solid cement foundation.









Iba ang aura nito ngayon at hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya o totoo ang nakita na parang nag iba ang kulay ng mga mata nito at naging mala asul na bumalik lang din sa dating kulay. Hindi niya namalayan at sa huling pag atras ay siya ring oagtama ng likod niya sa malamig na tela at salamin ng nakasaradong bintanang malaki.









Madilim na sa labas at alam niyang wala namang masyadong makakakita dahil patay na rin ang ilaw sa baba at patay sindi rin ang street lights na nagsisilbing ilaw sa kalsada. May mga bahay man sa paligid ay malayo parin ang mga iyon. Napalunok siya at napakagat sa labi nang humapdi ang sugat niya sa paa.










Patuloy na naglakad ito palapit sa kanya at tumama ang kamay niyang nakataas sa dibdib nito. Naramdaman niya ang mabagal ngunit malakas na tibok ng puso ng babae. Napaka-kalmado niyon at masarap sa pakiramdam ang init ng balat nito na lumalabas sa damit na suot. Hinawakan nito ang kamay niyang pumipigil rito saka siya hinila palapit rito. Napakalakas ng pwersa nito kaya tumama ang katawan niya sa katawan nitong nagsisimulang uminit.









They look at each others eyes and she could tell the intensity of those stare. Like someone ready to pounce at their prey. Someone who's willing to break all the rules just to taste something that is forbidden. Something she is afraid of. Lumipat ang tingin nito sa kanyang labi at bumaba ang mukha nito kaya nanlalaki ang mga mata na pilit niyang hinihiklat ang kamay mula sa malabakal nitong pagkakahawak.









"No--"









Yumuko ito at nang akala niya ay didikit na ang mga labi sa kanya ay siya namang pag iwas nito kaya dumaplis lamang ang labi ng babae sa kanyang pisngi ngunit nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanya. The woman then whispered in her ear, her hot breath fanning the side of her neck and ear sending tingles in her being.









"Dress up, Sister Bri. Bought some dinner for us."









Iyon lamang ang sinabi nito at may pagmamadali itong umalis. Iniwan siya nitong nanginginig ang mga tuhod at namumula ang mga pisngi at tainga. Nanghihina siyang napaupo sa sahig at napahawak sa dibdib.










That woman is trouble.












Bathe in my SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon