Chapter 14

1K 62 11
                                    

Tahimik siyang nakamasid sa babaeng patuloy na namimitas ng mga prutas sa hindi kalayuan. Hindi n'ya alam kung ilang minuto o oras na ba syang nakatingin rito ngunit hindi niya mapigilan ang mga mata na patuloy lamang sa pagtitig sa babaeng may ngiti sa labi. It was all too mysterious and familiar at the same time. The stories, the events happening, how come it's familiar to her. It's her first time here. Her first time meeting that woman.











They are silently picking berries and herbs they find nearby when Lilith suddenly smile and it creeps her out. Parang may naaalala itong nakakatuwa o may binabalak na namang kalokohan na maaaring ikapahamak nila. Iba talaga ang pag iisip ng babaeng ito, pati tabas ng dila ay talagang kakaiba na kahit madre ka pa o kung anong banal ay talagang mapapamura ka na lamang sa isipan. She will push you to your limits. Push every button to trigger your irritation and anger. Hindi na nakakatuwa sa totoo lang. Sa bawat kislap ng mga mata nito at mga ngiti ay hindi nya maiwasang kabahan dahil maaaring may niluluto na naman itong kalokohan.











Napalunok s'ya nang magtama ang kanilang mga mata. Ang kaninang masayang ekspresyon nito ay unti unting naging seryoso sa hindi niya malaman na dahilan. Nawala ang ngiti ng babae at napalitan ng blanko na ekspresyon. Hindi niya alam kung anong nangyayari rito kaya naman sumilip siya sa kaniyang likuran para tignan kung mayroon bang nakakatakot o ano na namang mga elemento sa paligid.











She glance at Lilith and her gaze seems to penetrate her. Muli ay inilibot nya ang paningin sa paligid. And she looks behind her shoulder and saw something ethereal. There's a white deer eating leaves in a nearby bush, just meters away from them. Unti unti niyang iniharap ang katawan sa gawi nito at may pag iingat sa bawat galaw para hindi siya mapansin nito. It was an albino deer but its eyes were red. Kakaiba at talagang mapapatanong at matutulala ang makakakita rito.












Ilang sandali pa ay tumigil ito sa pagnguya at humarap sa gawi nya. Hindi niya alam ngunit nang magkatinginan sila ng hayop sa mga mata ay nakaramdam sya ng kakaibang antok na parang hinihigop ang enerhiya nya. Those red eyes are a wonder and for a moment, she saw fire and blood inside them. Bago pa siya bumagsak sa lupa ay may isang malambot na braso ang sumalo sa kanya. Ramdam din niya ang pagdikit ng katawan nito sa kanyang likuran. That feminine alluring scent invades her nostrils and she knows she's safe.












"Close your eyes, Brianna."












Malumanay na utos nito ngunit tila nahihipnotismo siyang hindi magawa ang ipinag uutos nito at patuloy lang na tumitig sa usa na may kulay pulang mga mata. Alam niyang ilang sandali pa ay mawawalan na sya ng malay, hindi niya alam ang dahilan ngunit wala siyang magawa. Parang hinihigop ng mga kulay pulang mga mata ng usa ang kaluluwa niya. She can feel her soul getting sucked out of her body.












'"Damn it, Bri!"













Nanghihina siya, nanlalambot ang mga tuhod at kaunti na lamang ay bibigay na ang mga tuhod. Kung hindi laman siya sinusuportahan ng babae ay malamang kanina pa siya bumagsak sa lupang kinatatayuan nila. Her eyes can't leave the staring contest with the albino deer. Her sight is getting all blurry when a hand covered her eyes and the hypnotizing spell casted on her were suddenly cut off, like it vanished like nothing happened. She gasp and tried to stand on her own but her knees gave up and her full weight casted on the woman on her back. They both fell backwards, she landed on Lilith's soft body and the woman groaned painfully.












Napangiwi siya nang mabilis siyang humarap rito. Her butt landed on Lilith's crotch area. Sinilip niya ang itsura nito at gustuhin man niyang matawa ay hindi niya na itinuloy. Nakahiga ito sa damuhan at nakapikit habang kunot na kunot ang noo at nakahawak ang dalawang kamay sa puson nito. She tried to get up but she fell again and for the second time, landed on the woman's crotch. Sa pagkakataong iyon ay napatili na ito kaya kahit nanghihina ay umupo na siya sa damuhan para suriin kung ano ang masakit rito.












Bathe in my SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon