Chapter 8: "The flashbacks"
Gene's POV
Pauwi na ako galing sa bar ni Collin. Naikwento nya sa akin ang tungkol sa nangyari. Alam ko ang ugali ni Shen pagdating sa mga ganung bagay. Ayaw nya na laging ganito kami. Gusto nya lagi na okay o dapat wala kaming sama ng loob sa isa't-isa. 2 months na rin pagkatapos mangyari ang lahat. 2 months na ang pagtitiis nya sa aming dalawa ni Drake.
Sinubukan kong kausapin noon si Drake tungkol sa nangyari. Ilang beses na rin akong pumunta sa condo nya para magpaliwanag pero hindi nya ko kinausap. Tuwing babangga ang mga mata namin, parang ang tingin nya isa akong traydor na kaibigan.
Nilapitan ko noon si Shen at Collin para sabihin sa kanya ang tunay na nangyari. Naipaliwanag ko sa kanilang dalawa ang plano nina Kristoff. Sinubukan din nila na magkausap usap kaming apat pero ayaw talaga ni Drake.
Ayokong aminin na kasalanan ko ang lahat ng nangyari noon. Kasi alam ko na wala naman talaga akong ginawang masama. Ang gusto ko lang naman ay ang magalit si Drake kay Stella kaya nagawa ko iyon.
[Flashback]
Naglalakad ako papunta sanang cafeteria kung saan nandoon ang barkada nung may narinig akong boses babae. Nabanggit nya ito si Drake kaya lalo kong hinanap kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
"Si Drake? Tss. Wag kang mag-alala. Alam ko lahat ng gagawin nila sa Wilson Company. Sasabihin ko mamaya sayo basta yung premyo ko ha? Pupunta ako mamaya sa condo mo." Tanaw na tanaw ko si Stella na nakatayo sa gilid ng puno. Alam kong kana Drake ang tinutukoy nyang Wilson Company. Ano na naman kaya binabalak nya ngayon?
Matagal ko nang napapansin na may kakaiba sa kinikilos ni Stella nung naging sila ni Drake. Para bang may binabalak itong masama. Naalala ko rin nung isang araw na kinuha nya ang flash drive ni Drake na naglalaman ng lahat ng plano nila sa kompanya.
Hindi na ko nagtagal pa kaya pinuntahan ko na si Stella. Halatang nagulat siya nang makita nya ko. Hindi siya nakagalaw sa pwesto nya nang kinuha ko ang cellphone na hawak nya.
Baby Kristoff
So si Kristoff pala ang tinawagan nya. Tama nga ang hinala ko tungkol sa kanya. Hindi nga ako nagkamali. Kailangan 'to malaman ni Drake.
"Sasabihin ko ang lahat ng ito kay Drake."
Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Sa tingin mo ba maniniwala sayo si Drake? Pfft." Sa totoo lang, malabo na paniwalaan ako ni Drake. Alam kong mahal na mahal nya si Stella na kahit kami pa na barkada nya ay kaya nyang talikuran para sa kanya. "Alam mo Gene, manahimik ka na lang pwede? Diba ilang beses mo na ring sinubukan na isumbong ako kay Drake, pero ano? Naniwala sayo?" Ngumiti siya ng nakakaloko.
Natanaw ko si Drake di kalayuan sa kinatatayuan namin. Parang kakadating lang nya kasi halos gulat siya na nag-uusap kami ni Stella. "Hindi. Hindi siya naniwala. Pero baka sa gagawin ko sayo.." Tumingin pa ko saglit kay Drake. "... mapabago ko ang isip nya na layuan ka."
[End of Flashback]
Hinalikan ko si Stella sa mga oras na yun... para ipalabas kay Drake na niloloko namin siya. Wala na akong maisip na ibang paraan maliban doon. I kissed her passionately pero laking gulat ko nang halikan nya ko pabalik.
Ang plano ko lang naman ay magalit si Drake kay Stella bago ko ipaliwanag kung bakit ko iyon nagawa. Pero iba ang nangyari. Si Stella pa rin yung kinampihan nya. Kay Stella pa rin siya naniwala.
Kahit si Shen at Collin pinaghihinalaan na rin ako.
[Flashback]
"Tang*na naman Collin. Pati ba naman ikaw?" Galit na galit ako sa kanila kasi parang ako pa yung mali.. na parang sinasabi nila na inagaw ko si Stella kay Drake. "Tol naman. Girlfriend yun ni Drake e." 'ni wala nga akong pagtingin kay Stella.
BINABASA MO ANG
An Angel's Love
FantasyDo you believe in Angel? Oh let me rephrase. Do you believe that an Angel can love? Read my story to know if An Angel’s Love really do exist. Inspired by: HIGH SCHOOL LOVE ON Date started: May 10, 2015