Chapter 3: Getting to know Drake

67 5 1
                                    


CHAPTER 3


Pinagmamasdan kong sumasayaw si Drake kasama si Jasmine dito sa tinatawag nilang bar. Puno ng mga ilaw, malalakas na tunog, maraming nagkukwentuhan, may nagsusuntukan sa gilid at maraming sumasayaw na tao.


Ngayon lang ako nakapasok sa lugar na ito. Ngayon ko lang nga nalaman na may ganito pa lang klaseng lugar eh. Siguro masarap talaga mabuhay sa mundo nila. Nagagawa mo lahat ng gusto mo. Hindi katulad sa amin na hanggang kwentuhan, pakikipaglaro lang ang magagawa mo.


Pinigilan ko ang sarili ko na iwasan na si Drake. Naka-ilang hatid na rin ako ng mga patay.. nakabalik na rin ako sa taas para makipagkwentuhan sana sa mga anghel.. pero ni isang segundo hindi talaga mawala si Drake sa isipan ko.


Nakita kong bumalik na sina Drake sa kanilang lamesa pagkatapos nilang sumayaw. Lumapit naman ako at nakinig lang sa kanilang pag-uusap.



"Babe?" Panimula naman ng babae. Hindi ito pinansin ni Drake at nagpatuloy lang sya sa pag-inom. Sigurado akong hindi iyon tubig kasi may kulay at may nakalagay na kung ano sa gilid ng baso nya. "Punta na tayo sa condo mo." Dagdag nung babae.


"Pagod ako at may pupuntahan pa ko—" Hindi na naitapos ni Drake ang kanyang sasabihin ng may lumapit na isang babae sa kanila nung Jasmine.


"Hey Drake. Sayaw tayo?" Nakangiti pa nitong inilahad ng babae ang kamay nya kay Drake tapos kinindatan. "WHAT?" Tinaasan naman ng kilay ni Jasmine yung lumapit na babae at itinabig ng malakas ang nakalahad nyang kamay. "Fvck. How dare you to—" Hindi ko alam pero nakita ko na lang si Jasmine na nakikipagsabunutan sa babae. Si Drake naman tumayo na at umalis. Hindi ba nya tutulungan girlfriend nya?

 

 

Iniwan ko naman yung dalawa na nakikipagsabunutan pa hanggang ngayon. Di bale na. Pag may namatay na lang sa kanila ako na magvovolunteer na sumundo. Tatango tango ako na sumunod kay Drake. Hihi.


Paglabas na paglabas ko sa pinto ng bar ay agad namang iminaneho ni Drake ang kotse nya. Ang duga naman nun, di man lang ako hinintay.












Pagkatapos kong ihatid ang patay na naka-assign sa akin, ay agad naman akong nagteleport kung saan naruruon si Drake.


Nakarating ako sa isang bahay kung saan ako ay idinala ng aking pag-iisip. Siguro ito na yung bahay ni Drake maliban sa condo nya.


Pagpasok ko dito ay nakita ko na kumakain na si Drake kasama ang isang medyo may pagkatanda na babae. Tinitigan ko siya at parang napatanto ko na hindi naman sila magkamukha. Siguro inapon lang si Drake. Syempre napag-aralan ko na yung tao. May na-encounter din kasi ako katulad nila.

An Angel's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon