Saya ang maihahalintulad sa nararamdaman mo ngayon
Nung umamin kang ako lang ang iyong gusto
Di mawari kung ano ang gagawin ko
Ngunit ang masasabi ko lang, ikaw rin ay gusto ko.Mga araw hanggang umabot sa linggo ang lumipas
Mga pagtaban mo'y unti-unting pumipiglas
Di alintana mga luha sa mata
Na parang sing lakas ng agos sa sapa.Sana ako nalang siya
Ng sa gayon di kana nasaktan pa
Sana ako nalang siya
Para lahat ng kulang mo ay mapupunan ko naSana ako nalang yung gusto mo
Ng sa gayon wala ng patak ng luha sa mga mata mo
Sana pala umamin na nung una
Para hindi kana nasaktan ng sobra.Kahit na ganon nandito parin ako
Nagsisilbing taga punas ng mga luha mo
Nandito para magsilbing gabay at kanlungan
At maituturi mong tunay na kaibigan.Kahit minsan nagiging taga ubos ng pagkain mo
Taga kuha ng magaganda mong litrato
Magsisilbing taga bitbit ng mga gamit mo
At higit sa lahat siyang sandalan at tahanan mo.
YOU ARE READING
Sa kwentong ikaw ang pamagat
RandomIsang kwentong di alam ang eksaktong pamagat sapagkat ito ay di maiihalintulad sa ano mang bagay.