23

441 16 2
                                    

Chapter 23 
3rd Person's POV;  
Nang gabi na iyon gumawa na ng resignation letter ang lalaki. Mahaba kasi ang process  since kailangan pa ng approval galing sa director. 

Kailangan niya din magbayad dahil hindi pa tapos ang contract niya kung sakali. 

"Gumagawa kana ng letter?" tanong ni Grim matapos umupo sa gilid ng kama at tiningnan ang ginagawa ng kasintahan. 

Sinara ni Gaizer ang laptop at humarap sa pwesto ng lalaki. Nakita nito na basa ang buhok ng binata kaya kinuha nito ang maliit na towel ni Grim at pinunasan ang buhok ng kasintahan. 

Lumuhod ang lalaki sa ibabaw ng kama para maabot ang ulo ni Grim na kinatawa ng binata. 

"Mamaya ko na iyon gagawin. Inaayos ko muna ang schedule niyo," ani ni Gaizer. 

Hindi sumagot si Grim at niyakap ang katawan ng binata. 

"Hindi ko ini-expect na darating ang araw na ito. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kasi bumalik kana talaga."

"Akin kana talaga," bulong ni Grim na kinatigil ni Gaizer. Sinilip nito ang binata kaya napaangat ng tingin si Grim. 

"Sigurado madaming magwawala na babae at manghihinayang na mga lalaki once na malaman nila si Grim Vergara patay na patay sa manager niya."

"Hindi ko ma-imagine ang ire-react ni Tricia na ang model na katulad niya ipagpapalit mo lang sa katulad ko."

Tiningnan lang siya ni Grim bago ngumiti. 

"Hindi mapapantayan ng atensyon at ganda nila ang mga bagay na nakita ko sa iyo Gaizer."

"Halos naikot ko na ang mundo. Ang dami ko na din nakilala na tao pero maniwala ka sa hindi. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito."

"Sayo lang ako nabaliw ng sobra."

"To the point na sa sobrang desidido ko na makuha ko nasasaktan na kita at nasisira ang buhay mo," dagdag ni Grim bago niyakap ulit ang lalaki. 

"Ayos na naman lahat diba? Ayos na tayong dalawa," ani ni Gaizer na kinatingin ng binata. 

Pinatuyo ni Gaizer ang buhok ng kasintahan bago marahan na hinaplos ang pisngj ng lalaki. 

"Hindi na ulit ako aalis sa tabi mo."

Gaizer Marshall's POV 
Nang maipasa ko ang Resignation letter ko lumabas na ako ng office at duon nakita ko ang mga staff na na-assign sa TK. 

"Totoo ba na aalis kana manager?"

"Manager bakit biglaan naman?"

"Alam na ba ito ng TK?"

Natawa ako ng mahina bago sila nilapitan. 

"Kailangan kasi since nakaipon na din ako para magpatayo ng maliit na business," pagsisinungaling ko.

Hindi ko pwedeng sabihin na si Grim mismo ang nagpapaalis sa akin sa trabaho. Alanganin ako natawa ng magsunod-sunod sila ng reklamo. 

Ang bilis kumalat ng balita. Kalahating araw pa lang ako nanatili dito sa studio. 

Kung hindi siguro ni Jane nakita ang resignation letter ko hindi kakalat ng ganito ang issue. 

Kasama ang ilang staff sumakay na kami ng elevator. Tumigil iyon sa 5th floor at may pumasok na ilang artist. 

Madalas ko sila nakikita sa mga commercial kaya medyo kilala ko na sila. 

"Alam niyo ba kasama ko sa isang movie series si Grim. Gosh ang gwapo niya."

"Girl ang swerte mo, first movie niya iyon diba?"

"Oo girl, ito pa ha? Mas gwapo 'yong supporting character duon sa mismong main lead."

Territorial Kings: His Wicked WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon