40

374 9 0
                                    

Chapter 40 
3rd Person's POV 
Walang nagsalita sa TK matapos sabihin ni Keehan ang nangyari. Nag-panic kasi ang mga ito ng makita ang tyura nila. 

"Hindi ka naman nasaktan diba Keehan?" tanong ni Elliseo na kinailing ni Keehan. 

"That's good. Sugat lang 'yan malayo sa bituka ni Bazile," biro ni Elliseo para pagaanin ang atmosphere. 

Hinubad ni Bazile ang suot na jacket at damit. Duon nakita ni Keehan na may pasa pa sa bandang tagiliran si Bazile. 

"Kapag nakita ito ni mommy sigurado na maga-grounded ka ng isa't kalahating taon," ani ni Grim habang nililinisan ang ang braso ng kakambal. 

"Hindi na ako bata, kuya," bored na sagot ni Bazile na parang wala lang na sumandal sa sofa at uminom ng tubig. 

"Fuck! Bakit binuhusan ng alcohol!" sigaw ni Bazile na nahila ang kamay mula sa pagkakahawak ni Grim. 

"Shit!"

"Sabi mo hindi kana bata," ani ni Grim na kinasama sa kanya ng tingin ni Bazile. 

"Akin na 'yan hindi ko pa tapos linisan," ani ni Grim habang inaagaw ang kamay ng kapatid. 

— 
"Ang lakas ng ulan," ani ni Miguel habang nakatayo sa harap ng isang glasswall at nakasilip sa labas. 

"Anong oras pa lang pero parang pagabi na dahil sa dilim ng langit," ani ni Gaizer na nasa tabi ni Miguel. 

"Galing nga parang may usok sa labas," ani ni Wax. 

Malakas nag ulan kaya lahat ng TK nasa loob lang ng resthouse. Nagkakape at ini-enjoy ang view sa labas. 

"Parang gusto ko din tuloy magpatayo ng ganitong rest house sa batangas," ani ni Elliseo habang may hawak na tasa. 

"Aanhin mo naman ang madaming bahay Elliseo," sagot ni Apollo.

"Vacation house, ganon."

"Hindi ko pala kayo maigagala bukas sa farm. Masyadong madulas at maputik bukas," ani ni Keehan na kinatingin nina Gaizer. 

"Ibig sabihin dito lang din ulit tayo bukas?" tanong ni Miguel. 

"Kapag hindi na umuulan bukas. Pwede ko kayo dalhin sa falls malapit sa hacienda na malapit din dito sa resthouse."

"Mae-enjoy niyo duon kasi mainit ang tubig," ani ni Keehan. 

Natuwa naman sina Gaizer ng marinig iyon. 

Lumipas ang mga araw ini-enjoy ng TK  at nina Gaizer ang sarili nila sa lugar na iyon. Sumakay sa kabayo, nag-harvest ng mga prutas at pumupunta sa waterfalls para tumambay. 

Malaya sila sa lugar na iyon kaya talagang natutuwa sina Gaizer. Hanggang sa naisipan nila pumunta sa dalampasigan. Medyo malayo sa resthouse. 

Lumapit sa dagat sina Gaizer habang ang TK naman ay nanatili sa buhanginan at kumuha ng ilang litrato para maipost sa social media account nila. 

Nakatayo lang si Gaizer sa gilid ng dagat habang dinadama ang lamig ng tubig na tumatama sa mga paa niya. 

"Sabi naman sa inyo diba? Maganda ang lugar na ito walang gaanong tao."

Napalingon si Gaizer ng makarinig siya ng mga boses hindi kalayuan sa pwesto niya. 

Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Gaizer matapos makita ang mga pamilyar na tao. 

"Ikigai," ani ni Gaizer. Napatigil ang grupo ng Ikigai matapos makita si Gaizer at tumama ang mga mata nito sa sinapupunan niya. 

Napatakip ng bibig si Miguel at napatakbo pabalik. Napamura naman si Elliseo matapos makita ang pagtakbo ng kasintahan. 

Muntikan pa itong madapa na agad nasalo ni Elliseo na napahiga sa buhanginan. 

Hindi alam ni Gaizer ang gagawin lalo na ng makita ang pagkuha ng litrato ng mga staff na kasama ng Ikigai. 

"Putangina! Anong ginagawa niyo?!" bulyaw ni Aki na tinabig ang phone ng mga staff na nahulog sa tubig. 

"Bakit kayo kumukuha ng litrato? Nakikita niyo ba na kasama nila ang TK?" asik ni Rai sa mga staff. 

"B-Buntis si Manager Gaizer," nanlalaki ang mata na sambit ng mga staff dahil sa reaction ng Ikigai. 

"Nagpa-practice lang sila. Ilang beses ko na nakita na ganyan ang role ni Marshall," depensa ni Kai. Nilapitan ng TK si Gaizer at pinaalis ng Ikigai ang mga staff para pabalikin sa rest house. 

Napahawak si Gaizer kay Grim na humarang sa harapan niya. Hindi na alam ni Gaizer ang mukhang ihaharap sa mga kaibigan niya. Natatakot siya sa mga sasabihin nito. 

"May sakit ka ba Marshall?" may pag-aalala na tanong ni Rai. Hindi nakapagsalita si Gaizer at wala din nagtangkang magsalita sa TK. 

— 
Hindi makapaniwala ang Ikigai sa sinabi ni Gaizer na buntis siya at hindi lang siya may 'ganon na kondisyon. 

"Wait, hindi ko maintindihan p-paanong nabuntis ka?" tanong ni Aki. 

"Be specific Aki, anong paanp? sasabihin ko ba 'yong process kung paano namin ginawa 'yong baby o gusto mo malaman kung paano siya nagkaroon ng matres na babae lang ang meron," sarcastic na sabat ni Grim. Nahampas siya ni Gaizer dahil duon na kinareklamo ng binata. 

"Hindi ko din alam na pwede pero nakita niyo naman. Malaki na ang tiyan ko at talagang may buhay sa tiyan ko," sagot ni Gaizer ng hindi nakatingin sa Ikigai. 

Hindi alam ng Ikigai kung anong ire-ireact. 

"Ayos lang 'yon Gaizer. Hindi namin maintindihan kung paano 'yon nangyari pero naniniwala kami sayo," ani ni Rai na kinaangat ng tingin ni Gaizer. 

"H-Hindk kayo nandidiri sa akin o ano?"

"Nandidiri ako pero hindi 'sayo. Nandidiri ako ng konti sa batang nasa tiyan mo dahil kung sino lang ang ama 'nan," ani ni Aki na kinagusot ng mukha ni Grim. Tatayo si Grim para sugurin si Aki na ngumisi na lang dahil hindi nito naituloy ng pigilan siya ng TK. 

Habang nag-aaway sina Aki at Grim. Bahagyang tinapik ni Rai ang balikat ng kaibigan. 

"Hindi lahat ng tao huhusgahan ka Gaizer. Bihira lang ang ganyang kondisyon pero maniwala ka special ka lalo na sa magiging baby mo."

"Mabait kang tao Gaizer, biyaya 'yan."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Gaizer matapos marinig iyon. Niyakap niya ang kaibigan. Agad naman siya napahiwalay ng ilayo siya ni Grim at parang batang pinulupot ang braso sa bewang niya. 

"Ngayon malinaw na ang lahat umalis na kayo," ani ni Grim dahilan para kurutin siya ng mahina ni Gaizer sa tagiliran. 

"Umayos ka nga," ani ni Gaizer. 

"Apat na araw na lang before ang concert. How about try natin maghang out minsan. Get to know each other."

"Siguradong pag-uusapan ang concert na iyon  at hindi malayong maimbitahan tayo sa mga interview. Magandang feedback ito para sa dalawang grupo diba at magandang story ?" suhesyon ni Keehan na kinasang-ayunan ni Gaizer. 

Nawalan naman ng choice ang Ikigai dahil pumayag ang leader ng TK at manager ng Ikigai. Kahit hindi nila alam  kung magandang idea 'yon dahil hindi magkasundo sina Grim at Aki.

Territorial Kings: His Wicked WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon