Now Playing: All of Me - John Legend
..........
"Entry mo K!"
"Hala K, madaya ka! Ikaw na!" Billy and Vhong laughed as they teased Karylle.
"Wala nga akong entry!" Natatawang sabi ni Karylle na nagtago sa likod ni Vice.
"Vice saluhin mo si K!" Asar naman ni Anne.
"Hinihintay ko lang naman mahulog si kurba eh. Matagal na 'kong nakaabang para saluhin siya." Vice unconsciously said habang naglalaro sa cellphone niya.
Natigil tuloy sa pagtawa sina Vhong at napatingin sa kanya. Narealized naman 'yun ni Vice kaya ibinaba niya ang hawak na cellphone at napa-clear throat.
"Ibig kong sabihin, hinihintay ko lang siya ma-waley sa joke niya tapos ako na lang ang mag-jojoke." He explained.
Napatango naman sina Vhong, Billy at Anne while giving him a naughty smile. Inangkla naman ni Karylle ang braso niya kay Vice at sumandal sa balikat nito.
"Buti pa si Vice, di ako inaaway. Kayo lagi niyo 'kong binubully." She said pouting.
"Pati ba ako K?" Nagpapaawang sabi ni Anne.
"Mm. Konti lang! Syempre sisters tayo diba?" Karylle laughed.
"Ay oo naman!" Natatawang sabi ni Anne at saka nakipag-apir kay Karylle.
Naputol naman ang kulitan ng lima nang may kumatok sa dressing room nila Anne at K, kung saan sila nakatambay habang hinihintay magsimula ang Showtime. (A/N: overtime kasi yung Oh My G! May NBA kasi. LolXD)
"Ma'am K. Pinapatawag po kayo ni Direk. Tungkol daw po sa prod niyo sa Saturday." A staff said.
"O sige. I'll be coming." K answered.
"Hala nakaligtas na naman si K sa joke! Daya talaga!" Asar ni Vhong sa kaibigan.
Natawa na lang si Karylle bago lumabas ng dressing room.
"Kurbs!" Tawag ni Vice.
Napalingon naman si Karylle at sinilip ang ulo sa puwang ng pintuan. "Yes?"
"Later?" Nakangiting tanong ni Vice.
K smiled and nodded. "Later."
Nang tuluyan ng sumara ang pintuan, nagpalitan naman ng nakakalokong ngiti sina Billy, Vhong at Anne.
"Oh?" Taas kilay na tanong ni Vice habang nakatingin sa tatlo.
"Later?" Pacute na sabi ni Vhong habang ginagaya ang boses ni Vice.
Tumingin naman si Anne kay Vice bago sinagot si Vhong. "Later." She said imitating K's voice.
Natawa naman silang tatlo. "Anong pacute na naman 'yan Viceral?" Billy asked.
"Hindi 'yun pacute."
"Eh anong tawag mo dun?" Anne asked raising her eyebrows.
"Damoves!" Natatawang sabi ni Vhong at nag-pogi pose.
"Baliw. Wala 'yun. Sabay lang kaming uuwi ni K mamaya. Ihahatid ko siya." Simpleng sagot ni Vice at muling ibinalik ang atensyon sa cellphone.
"Bakit mo ihahatid?" Tanong ni Anne.
"Wala. Gusto ko lang."
"Bakit mo gusto?" Vhong added.
"Bakit ba ang dami niyong tanong?" Iritang sabi ni Vice.

BINABASA MO ANG
Vicerylle Presents | The Love Playlist (COMPLETED)
Fanfictionvicerylle -- a girl and a gay loveteam.