Now Playing: Hindi Siya Kundi Ako - Vice Ganda
..........
"Grabe. Ang pogi talaga niya noh?" Kilig na kilig na sabi ni Karylle habang nakatitig sa kanyang ultimate crush na tumutugtog ng gitara sa may di kalayuang upuan sa kanila.
"Tss. Anong pogi dyan, e mukha ngang ermitanyo." Iritang sabi ni Vice sa kaibigan.
Tinignan ni Karylle ng masama si Vice sabay hinampas, "Excuse me? Ang pogi kaya ni Billy! If I know, naiinsecure ka lang!"
"Asa ka. Tigilan mo na nga pagtitig dyan. Di ba sumasakit mata mo?-- Ibig kong sabihin, ang tirik kaya ng araw. Nakakasilaw. Paawat ka naman." Naiiritang sabi ni Vice habang nakapangalumbaba at tinitignan si Karylle na nakatitig pa din kay Billy.
Tinapik-tapik naman ni Vice si Karylle para yayain itong umalis pero waepek din dahil masyadong tulaley ang dalaga sa crush nito.
"OMG VICEY!! PAPALAPIT SIYA DITO JUSKO!! ANONG GAGAWIN KO! WHAT AM I GONNA DO!?" Taranta pero kinikilig na sabi ni Karylle habang sunod-sunod na hinahampas si Vice sa braso.
Todo iwas naman si Vice pero wala namang pakialam si Karylle. "Pucha Karylle! Alam kong kinikilig ka pero wag ka namang mapanakit!"
Dun lang narealize ni Vice na tumigil na pala si Karylle sa paghampas sa kanya. Paglingon niya, he saw Billy na nakatayo sa harap nilang dalawa with his friends.
"Hi Karylle." Magiliw na bati ni Billy sa dalaga.
"Ahehehe. H-hi Billy?" Utal na sabi ni Karylle na halatang natetense sa harap ng kanyang crush.
"So kilala mo pala ako?" Tanong sa kanya ni Billy.
"S-syempre naman! Ikaw pa ba? Sino ba namang hindi nakakakilala kay Billy Joe Crawford? The most handsome and hottest guy in the university. And my one and only loves." Diretsong sabi ni Karylle.
Natawa naman si Billy. "Your one and only loves?"
Nanlaki naman ang mata ni Karylle dahil sa sinabi ng binata.
"Ha? Ano? Anong sabi mo?" Palusot ni Karylle kaya mas lalong natawa si Billy at ang dalawa niyang kasama.
Wala namang pakialam si Vice sa mga nangyayari dahil busy siya sa kakalamon ng favorite niyang sandwich.
"So. Are you free this Saturday?"
Natigilan naman si Vice sa paglamon at tumingin kay Billy. Iniisip niya kung saan tutungo ang usapan at mukhang alam din naman niya ang sagot sa sariling tanong.
"Yayayain sana kita eh. Let's date." Diretsong sabi ni Billy kay Karylle.
Para namang huminto ang mundo ni Karylle at hindi makapaniwala sa narinig.
"Ha? Uh? Ako ba kausap mo?" Tinuro pa ni Karylle ang sarili para makasigurado sa narinig.
Ngumisi naman si Billy. "Alangan naman 'yung kaibigan mo?"
Tinignan naman ni Vice si Billy at sinamaan ito ng tingin.
"Joke lang brad." Natatawang sabi ni Billy at binalik ang tingin kay Karylle. "So? Is it a yes or no?"
At dahil alam naman natin na super crush ni Karylle si Billy, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
"YES! OO OO! I AM FREE! BASTA PARA SA'YO I'M ALWAYS FREE!" Hyper na sagot ni Karylle na ikinatawa ni Billy at ng mga kasama niya. Mas lalo namang nairita si Vice sa narinig.
"So, it's settled. Saturday. 7pm."
Tumango-tango naman si Karylle at saka umalis sina Billy. For some minute, nakalimutan niya ang kasamang si Vice. Mahinang tili ang pinakawalan ni Karylle at saka pinaypay-paypayan ang sarili gamit ang kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/41717689-288-k585143.jpg)
BINABASA MO ANG
Vicerylle Presents | The Love Playlist (COMPLETED)
Fanfictionvicerylle -- a girl and a gay loveteam.