GANDANG MAPANLINLANG

0 0 0
                                    

Siya si Samantha, masasabi mo talaga na dyosa siya. Bukod sa maganda, maputi, matangkad pa. Sa kanya mo makikita ang hinahanap mo sa isang babae, napakatalino o wais din niyang babae.

Mag gagabi na nang matapos ang kalanilang klase. Siya ay umupo sa bench sa labas ng kanilang paaralan at nasaktuhan na nag lalakad ang mag babarkadang sina Jhon, Jeloy, Mark at Kurt na nabighani sa taglay na ganda ni Samantha. Kaya kina-usap nila ito.

"Miss gabi na ah, di ka pa ba uuwi."

Sumagot naman si Samantha.

"Wala pa kasi ang tatay ko at baka 'di niya nako sunduin kasi may sakit din ang nanay ko baka inaalagan niya pa, kaya naghihintay ako ngayon dito ng masasakyan."

Inalok ng mga lalaki si Samantha na ihahatid na nila ito dahil sa delikado na sa daan.

Nang makarating sila sa bahay ni Samantha ay inanyayahan sila ng dalaga na pumasok sa bahay nila.

Hindi naman nag-alinlangan ang apat at pumasok sila, pinaupo sila ni Samantha sa upuan na yari sa kahoy at binigyan sila ng maiinom. Nagtaka naman ang apat dahil parang mag-isa lang yata si Samantha sa bahay nila, e sabi niya kanina ay nasa bahay ang tatay niya inaalagaan ang nanay niyang may sakit kaya baka hindi sya nito masundo.

Ilang saglit lang matapos inumin ng apat ang inuming binigay ni Samantha ay umikot ang mga paningin nila at nawalan sila ng malay. Parang may nilagay ata si Samantha sa inumin nila kaya nagka ganun, yun ang nasa isip nila.

Pagka gising ni Mark ay inikot niya ang kanyang paningin at doon niya napagtanto na nakatali sya.

Nakita niya si Samantha na hinihiwa ang kanang braso ni Jeloy at kitang kita niya din ang iba niyang kaibigan na labas na ang mga lamang loob at nagkalat ang mga ito sa sahig, napamura siya sa kanyang nakikita.

"Tangina ka! Sino ka bang letche ka! Bakit mo kami ginaganito. Wala naman kaming ginawang masama sayo ah."

Lumingon ang maamong mukha ni Samantha na nababahidan ng dugo at sabay sabing "Ako si Samantha, ang totoo niyan ay aswang talaga ako. Ibig sabihin nun kumakain ako ng mga lamang loob."

"E ano naman gagawin mo sa mga lamang labas?"

"Nagpapatawa ka ba o baka naman gusto mo ipapakain ko yun sayo."

"No thanks, vegetarian ako. Di ko akalain na sa likod ng santa santita mong mukha ay nakatago ang katauhan mong masama. Uy rhyme yun haha napansin mo?" Biro ni Mark, dinadala niya nalang sa biro kasi alam niya na katapusan niya na rin naman dahil wala na syang magagawa kaya ginagalit niya nalang si Samantha.

"Pwede ba tumahimik ka nalang, dahil pagkatapos nitong kaibigan mo ikaw rin naman ang susunod."

"Alam mo sayang ka. Ang ganda mo pa naman, bagay ka sana sa kapogian ko. Hindi mo ba naisip na sayang din tong mukha ko kung gagawin mo lang pagkain."

"E ano gusto mo gawin ko sayo, asawahin?"

"Pwede rin." Sabi ni Mark.

5 years after, nagkaroon sila ng triplets na anak. And they live happily..... but never after.

Sa huli kinunsumo rin sila lahat ni Samantha.

Tales of Midnight Dread (Completed Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon