Chapter 1

11 1 0
                                    

Quinne's POV:

"Welcome Yen!" that's my only cousin. Audry Shastah Salazar. Yen tawag nya sakin kasi masyado daw maarte yung pangalan ko. Di nya na lang kasi amining nahihirapan lang talaga sya bigkasin. HAHA. Pareho kaming only child. Pero sya ay napabilang sa isang napakagandang pamilya. Both professionals ang parents nya. Si Tita Mariel ay teacher ganun din si Tito Roger. And they run their own farm. Mag kaedad lang din kami. Yung totoo pa nga nyan ay mas matanda lang sya ng isang araw sa akin. 24 sya samantalang 25 naman ako ng October. 

"Salamat Shas. Nasan si Tita at Tito?" hindi ko kasi sila makita. Sabi kasi nila sasama sila sa pag sundo sakin dito sa airport. 

"Hindi sila nakasama kasi si Tatay ay may pinuntahan tungkol dun sa farm. Si Nanay naman nasa bahay pinaghahandaan yung pagdating mo." Habang tinutulungan nya akong buhatin yung mga bagahi ko. Yung mga malalaki naman ay si manong driver na ang nagdala. May sarili kasi silang sasakyan. Di naman kasi maipagkakaila na may kaya sila. Ang swerte nya nga kasi sobrang bait ng mga magulang nya. Sana yung akin din. Hayss.

"Wow Shas ang ganda naman dito!" grabe ang ganda ng dagat dito. Nakikita ko yung ganda ng dagat mula dito sa loob ng sasakyan. 

"Sabi ko naman kasi sayo nun pa na maganda at safe dito pero ikaw tung nag iinarte." Matagal na kasi talaga nya akong niyaya na pumunta dito. Kaso ayaw ko lang dahil nga natatakot ako dahil sobrang daming lumalabas na balita about provinces in Mindanao. 

"Alam mo naman yung rason ko kung bakit ayaw kong pumunta dito diba?" sagot ko nalang sa kanya. 

"Edi sana kung hindi safe dito matagal na kaming lumuwas para dun nadin tumira."  Hindi ko nalang sya sinagot tungkol dun.

"Shas malayo pa ba tayo?" tanong ko. Medyo malayo na kasi yung byahe namin.

"Oo Yen. Nandito pa lang tayo sa General Santos City. Mga 2 hours pa magiging byahe papunta ng Koronadal City. Matulog ka nalang muna." Medyo malayo pa pala pa .

"Sige. Iidlip na lang muna ako. Kasi parang napapagod din ako e." At di nga lang nagtagal ay nakatulog na ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Yen? Yen? Gising na, nandito na tayo."  Akala ko totoo na yun. Panaginip lang pala.

"Napasarap pala ako ng tulog Shas. Pagod talaga. Hehe. Salamat sa pag gising. Si tita?" Di ko tuloy natingnan yung mga luhar na nadaanan naming. Sayang. Sabi pa naman ni Shastah may malawak na taniman ng pinya kaming madadaanan kaso nakatulog ako. 

"Nasa loob sya Yen.Hinihintay ka. Tara na?" Excited na akong makita ang akong makita ang tita ko. tinulungan nya ulit akong dalhin yung mga gamit ko. Ang fresh ng hangin dito. Kahit sabihing tanghali na kami nakarating. Ang gandang tingnan ng palayan. Sumasabay sa sway ng hangin. Sobrang dami ng puno ng niyog at ang daming bunga. Ang dami ding puno ng saging! Ang ganda talaga! Sana noon pa pumunta na lang ako dito.

"Hi po Tita Yell! I miss you po!" bati ko sa tita ko nung makapasok na kami sa loob ng bahay. 

"Anak kumusta? Iha ang laki mo na. The last time na nakita kita you're just 12 right? Bata ka pa nun but look at you now, you're so beautiful."  Pag puri ni tita sa akin after naming magyakapan. Matagal na kasi nung huling beses silang dumalaw dun sa amin. Through internet lang kami nag cocommunicate.

Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon