Chapter 2

4 1 0
                                    

Quinne's

POV:



Mahigit isang lingo na pala ako dito sa farm. Sobrang naeenjoy ko yung stay dito dahil hindi ko na nakikita yung mayabang na lalaking yun. Pag makikita ko man sya gumagawa ako ng paraan para makaiwas sa kanya o kung hindi na talaga ako makakalusot, sinisimangutan ko na lang sya. Ah basta naasar talaga ako sa kanya. Parang nasisira agad yung araw ko pag nakikita ko sya. Nakalimutan ko na nga yung pangalan nya eh. Pero mas maigi na din yun. Hindi na din naman siguro kailangan pang kilalanin ko pa sya. Malapit na din pala ang pasukan. Sana ma credit lahat ng subjects ko. Mahirap kasi maging irregular.


"Tara Yen punta tayo dun sa dulo. Magpapalaro sila papa. " pasigaw na yaya ni Shastah sakin. Nasa sala kasi sya samantalang nasa kusina naman ako.

"San Ba banda yung dulo na sinasabi mo?" pasigaw ko ding sagot.

 "Basta dun. Malapit lang naman yun galling dito. Dun sa may court na pinagawa nila papa. May pa basketball sila ngayon. Nakasanayan na kasi na pagkatapos ng harvest time ay magpapalaro sila papa. Tax yung mananalong team ay may grocery na matatanggap. Pagkatapos ay merung outing para sa lahat. Minsan nag bebeach o kaya sa isang resort. Yun yung ginagawang pambawi ni papa sa lahat ng pagod ng bawat isa para magtrabaho dito sa bukid. " sobrang bait naman nila tito. Kaya madaming blessings ang dumadating sa kanila .

"Saya naman ata nun. Lahat ba sumasama?" kasi sobrang dami talaga kasi ng tauhan nila Tito.

"Oo. 3 jeep ang inaarkila kapag nag outing. At ang nakakatuwa dun ay hindi lahat sila Nanay at Tatay ang gumagastos kasi nag aambag ang lahat. Para nga kaming isang malaking pamilya dito e." halata naman. Lahat nakikita kong nagtutulungan. 

"Oo. 3 jeep ang inaarkila kapag nag outing. At ang nakakatuwa dun ay hindi lahat sila Nanay at Tatay ang gumagastos kasi nag aambag ang lahat. Para nga kaming isang malaking pamilya dito e." halata naman. Lahat nakikita kong nagtutulungan.

"20 mins ang byahe. Pero hindi naman tayo mahihirapan kasi may service naman tayo. At tungkol naman sa enrolment ay wala pa akong balita. Di pa naman sila nag popost sa website ng school." Malapit lang din pala. Tsaka di naman siguro traffic dito.

"Yung sasakyan nyo ba yung gagamitin natin?" may sarili silang sasakyan. Yung isa owner jeep tas yung isa naman van.

"Hindi. Ginagamit kasi yun dito kaya hindi pwedeng mawala yun." Siguro may kinukuha lang silang service para maghatid kay Shastah.

"Ea kaninong sasakyan yung gagamitin natin? Sino mag dadrive? Marunong ka ba?" ako kasi marunong pero wala akong lisensya. Natuto lang akong mag drive dahil tinuruan ako ng mga kaibigan ko. 

 "Dun tayo sasabay kay Jhek-jhek. Schoolmate kami at dun kadin naman mag-aaral. Susunduin nya tayo dito. Ganun yung set-up kasi namin dati." Okay nadin pala. Pero sino yung Jhek-jhek na yun? Pamilyar yung pangalan na yun.

 "Sino nga pala yung sinasabi mong Jhek-jhek? Ngayon ko lang ata narinig yung pangalan nya." Kasi kahit naman di ko tanda yung mga pangalan ng mga tauhan nila dito pero matandain naman ako sa mga nababanggit nilang mga pangalan nu. Nakita kong parang ngumisi si Shastah. Bakit? Pero nung tiningnan ko ulit sya, hindi naman. Siguro guni-guni ko lang yun. 

"Ah yun yung anak ng kumpare nila nanay. Mabait yun. Tax gwapo din yun." Halatang bilib na bilib ang pinsan ko dun sa jhek-jhek na yun ah. Magugustuhan ko din siguro yun. 


   After ng ginawa namin sa bahay ay dumiritsu na kami dun sa sinasabi ni Shasta na dulo. Daming tao at nag uumpisa na ang laro. Sobrang saya naman ng palaro nila. Nakakatuwa. Friendly game yung nangyayari sa pagitan ng bawat team. At magagaling silang maglaro kahit na lagi lang silang nasa bukid.

"Iha kumusta naman ang pag stay mo dito? Pasensya ka na kung ngayon lang kita naasikaso ha? Busy kasi sa bukid. Alam mo naman na malapit na ang pasukan kaya mahahati na yung oras ko sa pag-aasikaso nitong bukid." Hinging pasensya ni tito Roger sa akin. Magkatabi kasi kami ngayon dito sa upuan sa gilid ng court.

"Okay lang po yun tito. Naiintindihan ko po. Lagi naman din po akong sinasamahan ni Shastah." Kahit nga sa pagtulog ayaw na humiwalay ni Shastah. Kung di pa ako mag gagalit-galitan di pa nya ako iiwan. HAHA.

" Buti naman kung ganun. Sa sususnod na linggo na tayo mag a outing. Baka sa beach tayo sa Gensan. Nasabi na siguro ni Shastah sayo yung tungkol dito diba?" Bilis naman pala. Mukhang masaya yung magiging outing nito. Nung nakita ko kasi ang dagat sa Gensan sobrang namangha ako kasi malinis at maganda. 

   "Opo tito nasabi na po sa akin yun ni Shastah. Mukhang masaya po ang magiging outing nun." After ng usapan namin ni tito ay sakto naman natapos na ang laro. So it means na may nanalo na. 

"Congratulations sa nanalong team. At dun sa natalo, bawi kayo sa susunod. Di kaya ihulog nyo na lang sila sa putikan. HAHAHA Pero kung tututuhanin nyo okay lang din." Nagtawanan naman ang mga tauhan nila tito. 

"Congratulations sa nanalong team. At dun sa natalo, bawi kayo sa susunod. Di kaya ihulog nyo na lang sila sa putikan. HAHAHA Pero kung tututuhanin nyo okay lang din." Nagtawanan naman ang mga tauhan nila tito.

 "Congratulations sa nanalong team. At dun sa natalo, bawi kayo sa susunod. Di kaya ihulog nyo na lang sila sa putikan. HAHAHA Pero kung tututuhanin nyo okay lang din." Nagtawanan naman ang mga tauhan nila tito. 



After ng laro at bigayan ng premyo ay nagsiuwian nadin ang lahat. Di ko talaga lubos maisip na sobrang saya pala dito. Kung alam ko lang sana na ganto dito edi sana noon pa lang pumunta na ako. Sa kagustuhan ko kasing mapansin ni mama ay tiniis ko muna lahat. Inisip ko na dapat lagi ako kasama ni mama para pag maisipan nyang kailangan ko sya ay mapapansin nya na ako at maipaparamdam sa akin na mahalaga ako para sa kanya. Pero hanggang pangarap na nga lang talaga yata yun. Na mapansin ako ni mama. Kasi kahit nung sobrang inaapoy ako ng lagnat ay hindi nya man lang nalaman. Hindi nya man lang ako kinontact. Sabagay nasanay na kasi siguro sya sa set up naming kahit magkasama kami sa bahay ay hindi kami nagkikita. Mabuti na siguro yung magkasalubong kami sa kusina ng dalawang beses o tatlo sa isang bwan. Hanep diba? At saktong tanguan lang ang nagiging usapan namin. Never nya akong kinukumusta, kung ano ang mga nangyari sa buong araw ko. Never din akong nagkalakas ng loob na kausapin sya. Ramdam ko kasi ang gap sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko sobrang layo ko sa kanya at ganun din sya sa akin. Nagkaganyan na kasi sya simula nung maghiwalay sila ni papa. Lagi na lang syang nagbababad sa trabaho. Nung una naiintindihan ko pa pero yung gawin nya yun hanggang ngayon? Bakit? Siguro nga hindi masyadong kapani-paniwala yung sitwasyon namin ni mama at akala ko din sa teleserye na lang nangyayari yung ganun pero nararanasan ko e. Hays. Namimiss ko na yung mama ko. Yung mama kong laging nasa tabi ko. Kelan kaya sya babalik? 



=====================================================================================

Author's Note:

Salamat po sa bumasa ng story ko. ! 

hart hart!

Salamat din po sa pag vovote!

ILABYA! <3

   


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon