Chapter 1: (Advance si Teacher Maybel)

14 0 0
                                    

Kanina pa ako gising, ngunit ayoko pang bumangon. Naririnig ko na ang kalambang sa kusina dahil tiyak naghahanda na si nanay ng aking babaunin mamaya sa school. Ako nga pala si James Parker Boborol. Mukhang pang dayuhan yung unang pangalan ko sabi ng aking teacher ngunit halatang pilipino na pagdating sa aking apilyedo. Nag-aaral ako sa isang pampublikong paaralang para sa kindergarten dito lang din sa aming barangay. Dito ako pinasok ng aking mga magulang dahil tita ko daw ang aking magiging guro.

Personal Backgorund:
Pangalan: James Parker Boborol
Mga Magulang: Leonard Boborol
Teresita Boborol
Kapatid: Ellena Boborol
Gulang: 5 years old
Lugar: Sa malapit sa may tindahan ni Aling Nora

"A, E, I, O, U", "Ba, Bo, Bu, Bi, Be", "A, aso", "Ba, Babae" .. Iyan ang paulit-ulit na tinuturo ng aming teacher sa aming klase, alam ng teacher na nababagot na ako kasi halata naman sa mga kinikilos ko. Oo, minamadali ko lang yung mga aralin namin dito sa paaralan. Ewan ko ba, siguro ay dahil sa guro din ang aking ina at tinuturuan niya na ako simula palang nuong tatlong taon ako.

"Park! Halika nga" tawag sa akin ng aking teacher habang akoy nakikipaglaro sa aking mga kaklase sa labas mg aming silid-aralan. May hawak hawak siyang libro na sa bago sa aking paningin. Pinasagot sa akin ni teacher Maybel yung mga "10+5", "10-7" pinagbasa niya rin ako ng mga ingles na salita tulad ng "A for angel", at "B for boy". Simula noon, kada recess ito na ang aking laging sitwasyon ko dahil alam daw ni Teacher Maybel na kailangan daw naming mag advance. Parang one on one teaching yung ginagawa noon ni teacher dahil kakaiba daw ako mula sa aking mga kaklase. ngunit sa mga oras na iyon hindi ko naririnig yung mga sinasabi ni teacher dahil ako ay nakatitig lang sa labas at naiinggit sa mga kaklasmeyt kong masayang naglalaro sa labas.

Common but not an Identical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon