Chapter II (Si Prince, ang aking kaibigan)

9 0 0
                                    

Kindergarten palang kami ngunit hindi maikakaila na meron na kaming mga sari-sariling circle of friends. Mga girls are for girls, boys are for boys. Kaniya kaniyang mundo iyan kapag nagusap-usap. Ngunit ang lagi kong nakakasama ay ang aking seatmate na si Prince. Noong pasukan palang, pinakilala na siya sa akin ng nanay ko dahil teacher din ang nanay ni price at magkaibigan sila ng aking nanay. Mabilis kong nakagaanan ng loob si Prince. Si Prince ay yung tipo na bago lagi ang gamit. Yung mga pangkulay niya ay yung Crayola na 64 pieces, tapos yung pencil case niya ay yung tipong may second floor, yung eraser niya na mala strawberry yung shape tapos meron pang mabangong amoy at higit sa lahat ay yung malaki niyang superman na trolley bag. Naiinggit ako noon kay Prince pero hindi ko lang pinapahalata dahil turo sa akin ng nanay na bad yun. Si Prince ay medyo malusog ibig sabihin ay mataba ngunit kahit kailan ay di ko siya tinawag na baboy tulad ng laging pang-asar sa kaniya ng aking mga klasmeyt"
Naalala ko noon, tuwing break time namin hilig ko yung naglalakad habang kinakain ko yung aking bun sandwich ngunit meron yung isang araw, habang kinakain ko yung aking bun sandwich ito ay aking nahulog. Ngunit dahil bata pa lang ako noon meron kaming "Three seconds rule" na tinatawag o kaya yung "Hindi pa naman nakita ni mayor" rule ngunit nung aking saktong pinulot yung tinapay nagulat ako ng may sapatos na sadyang tumapak sa aking pagkain, yun ay si Keith. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman ngunit isa lang ang alam ko inis na inis ako kay Keith dahil siya yung "Bully-type" sa klase namin. Ngunit hindi ako tinuruan ng aking mga magulang noon na makipag suntukan kaya wala akong ibang ginawa kundi umiyak.

"Park? Bakit ka umiiyak? Sino ang nagpaiyak sayo" naramdaman ko na nakaakbay sa balikat ko noon si Prince at naramdaman ko na rin na dumarami na ang mga kaklase ko na nakiki-isyoso sa mga pangyayari.

"Si Keith! Tinapakan niya yung tinapay ko!" Sabay hagulhol at singhot.

Hindi ko na masyadong kabisado ang mga nangyari noon ngunit ang alam ko lang nagsuntukan noon si Prince at Keith at nakarating rin yung isyu noon kay Mam Maybel at siyempre kami ni Prince ang pinaburan ni Teacher dahil totoo namang ako ang biktima.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Common but not an Identical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon