Chapter 6: Alone Trip

6 0 0
                                    

I'm leaving alone... After that incident, I still don't know what to do next.

Feedback:

"BABE!?!??"

Tumingin kami nang sabay ni Vlad sa likod namin, and that was Vladmir's ex-girlfriend.

"I thought you're in the hospital?" sabi niya

Si Vlad parang hindi niya alam ang gagawin niya, "And woah! You're with this girl na kasama mo sa hospital! What a coincidence?"

What a co-chuchu! Sabunutan kaya kita!

"Hey babe! Don't tell me you're dating this girl?!?" at tinuro niya ako.

"We're not dating. Nagkataon lang na magkasama kami.", hindi makapagsalita si Vlad kaya inunahan ko na siya sa pagsasalita.

"Ohh! I see... Babe... Let's go home na..." landi ng babaeng to! Ang sarap itapon sa baul.

"But..." tinignan niya ako

"It's okay Vlad, I can go home all by myself. Mauna na nga ako e." mataray ko na pagkasabi sa kanya.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon.

Umalis na ako magisa at parang wala namang hahabol sa akin. Like I care? I don't love him.

Nasa labas na ako ng Arena at biglang may humawak sa kamay ko, "Yumi..."

Ngumiti ako sa kanya, "Vlad!" hinarap ko siya na parang walang nangyari sa loob.

"Alam ko kung anong iniisip mo, pero I'll stay with you..." sabi niya sa akin.

"No Vlad, kailangan mong magstay sa kanya, girlfriend mo siya, kaibigan mo lang ako or more like strangers lang tayo diba?" sarcastic na sabi ko sa kanya.

Kahit nakangiti ako ngayon, sa loob masakit lahat ng mga sinasabi ko sa kanya.

"She's not my girlfriend anymore..." hinawakan niya ang dalawang braso ko.

"But you still love her..." mahinang sabi ko sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita at tuluyan nang tumulo ang luha ko. I know Vlad still love her girlfriend.

Ngumiti ako kahit lumuluha, "Vlad, you should stay wherever you are now, don't come near me. Okay?"

"But..." pinigilan ko siyang lumapit sa akin gamit ang kanang kamay ko.

"No more buts, in the end you'll just hurt me..."

Tumalikod na ako at umalis na palayo sa kanya.

End of feedback.

Papunta ako ngayon sa Paris para magtour nang sarili ko, after Paris pupunta naman ako ng Santorini.

Pagpunta ko sa condo na nirent ni Vlad, kinuha ko na lang kaagad ang lahat ng gamit ko at umalis na din. Itong tour na to ay dapat kasama siya, pero sa tingin ko magisa ko na lang haharapin to.

Last night inatake pa ako ng sakit ko kasi nga naapektuhan ng kagagahan kong sumigaw ng malakas sa concert.

Habang nasa airport at naghihintay ng byahe naisip kong tawagan si mama...

"Ma?" sabi ko.

"ANAK! ALMOST A WEEK KA NANG WALA DITO SA BAHAY NASAAN KA NA BA?!" sigaw sa akin ng mama ko kaya nilayo ko ang phone ko.

"Don't shout mom, I'm okay." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Ang baby ko parang ang lungkot ko, may problema ka ba?" tanong niya sa akin.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon