Paano Kung ...

49 0 0
                                    

Dahil sa tingin ko kulang yung dati kong ginawa tungkol sa paksang ito, magre-remake ako. Wag ng umangal, wala ka ng magagawa kahit na tumambling ka pa diyan. Di ko nga alam kung paano ko to sisimulan, dapat kakaiba, dapat may 'boom' factor 'di ba? Dapat may appeal sa mambabasa, dahil kung wala, waley ang sinulat kong ito. Ipagpatawad niyo po ang katagalan ko sa pagsisimula, medyo madaldal kasi ako. So ito na nga sisimulan ko na nga.



Sa dinami-dami ba naman ng mga "what if's" ko sa buhay, ito na ata ang pinaka-alien sa kanilang lahat, dahil na rin siguro sa paglabag nito sa batas o prinsipyo ng relihiyon at Kristyanismo. Kung mga diyos at diyosa ang pag-uusapan, may tatlong kultura na kilala sa paksang ito, ang mga Griyego, Romano at mga Norwegian. Ang Greek at Roman mythology ay pareho lang ng mga diyos at diyosa maliban sa kanilang mga pangalan, halimbawa, kung ang diyos ng karagatan ay si Poseidon sa mga Griyego, sa mga Romano naman, siya ay si Neptune (hindi yung planeta). Si Zeus ay si Jupiter, at si Hera ay si Juno. Sa Nors' mythology naman, siguro wlang hindi nakakakilala sa atin kay Thor. 'Yung may pelikula na Thor? Kilala niyo ba? Isa siya sa mga diyos ng Nors' mythology, kasama niya sina Loki, Oden at iba pa.



Ngayon, kilala niyo na ang ilan sa kanila, gugustuhin mo ban a maging anak ng isa sa kanila? Kung ako ang tatanungin, no comment ako diyan. Alam niyo kung bakit? Nako! Maraming dahilan kung bakit wala akong masabi sa bagay na iyan. Una, kung magiging isa ako sa anak ng mga diyos o diyosa, baka maging ala-Percy Jackson ang drama ng buhay ko. Baka magkaoon ng digmaan nang dahil sa akin, o di naman kaya ay magkaroon ako ng mga di kanais-nais na kapangyarihan na maaaring yumurak sa sanlibutan. Isa pa, bakit ko naman gugustuhin na magkaroon ng hindi buong pamilya 'di ba? Dahil bawal makipag-ugnayan ang mga diyos o diyosa sa mga anak nila, iiwan na nila ito at ang asawa o bana nila upang mag-isang buhayin ang bata. Sinong tao naman ang gagawa niyan? Mga walang modo! (lol. JK!) Di man lang nagbibigay ng sustento o ano mang mga magagamit sa pagpapalaki ng mga anak nila. Pinapapabayaan lang nila at kukunin kung kalian nila makitaan ng silbi ang mga ito.



Kung magkatotoo man ito, ano kaya ang magiging estado ng mundo o ng pamumuhay ng mga tao o mga kalahating tao (demigod) sa mundo? Mas magiging mapayapa kaya o mas magiging magulo ang mundo dahil sa pagnanais na makamit ang kapangyarihan at maging pinuno ng lahat? Sino kaya ang magiging mga magulang ko? Malamang hindi ako isang normal na nilalang. Heler! Tao ang isa sa mga magulang ko, pero ang isa naman ay isang makapangyarihang nilalang na di ko alam kung ano ang kakayahan. Hindi ko sinabi na pareho silang diyos, dahil kung ganoon ang mangyayari edi naging ganap na diyosa na ako. Half breed nga ako dito 'di ba? So isa lang muna sa ngayon.



Di ko maiwasang isipin kung sino ang possible kong maging mga magulang. Si Zeus (bongga!) Tutustahin ko ang sino mang lumabag sa akin! BWAHAHAHAHAHA. Poseidon (palaging babaha kung nasaan ako, o di kaya ako ang taga-supply ng tubig, pwede ring Tubig Machine. lol), si Hades (ang saya siguro *insert sarcasm here*), si Hermes (hindi yung bag), Dionysus, Ares, Aphrodite, Athena, Hera, Nemesis, o si Thor kaya? Talagang iikot ng 360 degrees ang buhay at mundo ko kung ganoon. Kung si Zeus ang daddy ko, electrical engineering sana ang kurso ko ngayon, pero matatakot ang lahat sa akin dahil baka tustahin sila ni Zeus kung aawayin nila ako. Wala akong magiging kaibigan. Si Poseidon? Nako! Ibig-sabihin kapatid ko si Percy Jackson. Naks naman! Pero ayoko pa rin, kasi isipin mo nga, sa liit kong ito tapos ang lakas at ang galing kong sumisid o lumangoy edi mapagkakamalan akong sirena niyan, Dyesebel lang ang peg? Si Hades naman, diyos ko de lor! Papatayin niyo ata ako nang maaga tapos punk-goth pa ang fashion sense ko. Si Hermes? Mamahaling bag 'yan! Joke lang po. Messenger siya parang yung nasa logo ng Mercury Drug Store, tagahatid ng gamot (de jk lang! hihi). Sunod naman ay si Dionysus, HRM ako dapat ngayon kung siya ang ama ko dahil siya ang diyos ng alak. Oh diba! HRM na HRM ang peg! Si Ares naman, nako, edi disciplinary action ako palagi, kasi napaka-amazona ko. Kung si Aphrodite naman ang mama ko, sasali talaga ako sa Miss U, may pag-asa ako dun. Si Athena? Ang swerte ko. Suma Cumlaude at Institute Valedictorian ako sigurado kahit di na ako mag-aral, memoryado lahat, 100 megapixel ang photographic memory kumbaga. Si Hera, ewan ko dun! Bahala siya! Kung si Nemesis (hindi yung security agency), napakamapaghiganti ko siguro. At kung si Thor naman, nako ang mama ko siguro ay si Jane Foster, ang astig! At ito pa, paano kung nasa 7th floor ng College of Engineering building ang elevator patungo sa Olympus? Imba siguro. Pero wala e, walang 6th floor ang COE building.



Di lang naman sila ang mga diyos at diyosa, marami pa. At katulad natin ngayon, may mga magulang rin sila, si Kronos yun. Pero demonyo yun eh! Isama mo pang kapatid niyang si Atlas na parang pasan ang lahat ng problema sa mundo. Nako! Problema lang ang hatid nila.



Pero sa kasamaang palad ay hindi 'yan magkakatotoo dahil tayo ay nakatira sa mundong mortal at ordinaryo. Ang mga ekstraordinaryong bagay ay ginagawa lamang ng mga ordinaryong tao sa paraang di natin inaakala. Ang lahat ng ito ay kathang-isip lamang at naglalayong mapaisip ang mga mambabasa na "Paano kung totoo ito?" o di kaya "Paano kung possible itong mangyari?". Ang mga ganitong tanong ay ang mga gusto nating mangyari sa kaloob-looban natin kahit na iilang percent man lang. Ito ang unconscious wish natin kumbaga.



O siya, sige! Hanggang dito nalang ako. Baka matuluyan pa kayo at di na magising sa mga pangarap ninyo. Basta tandaan, huwag itanong sa mga magulang ang "Ma/Pa, kayo ba talaga ang mga magulang ko, may kapangyarihan ba ako?" kasi baka masampal kayo at maihatid sa mental o di naman kaya ay umiyak ang mga magulang ninyo at sabihing "Saan ba kami nagkulang? Bakit nagkaganyan ka?" o may posibilidad rin naman na sabihin nilang "Anak, panahon na siguro upang malaman mo ang totoo, may lahi tayong aswang." At ikaw naman, gulat na gulat, pero dahil April Fool's ay tumawa ka nalang dahil na-alaska ka ng mga magulang mo.


Alin man sa mga ito ang mangyari, ihanda mo nalang ang sarili mo para sa reaksyon nila, at isali mo na rin ang paghahanda para sa susunod na yugto nito. Paalam!

KUNG AKO AY HALF-BREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon