Chapter XV

70 10 0
                                    

—-

In my core memory and in my entire life, I know that my family hates me. I remember a scenario during my elementary days where I was locked inside my room by my parents for being a top two student. Kuya Gabi, on the other hand were praised because he got accepted on his chosen university. He got to study civil engineering for free because he's a genius. He got accelerated twice, something that I cannot do or equalize.

Behind my closed door, rinig na rinig ko ang papuri ni mama at papa kay kuya.

"Proud na proud kami sa'yo, anak. You're a blessing!" Sabi ni mama iyon habang ako, hindi ko alam kung kailan nila ako tatawaging anak.

Simula noon, kapag nalalaman ng parents ko na top two lang ako sa klase, nila-lock nila ako sa kwarto ko. Hindi nila ako pinapakain hangga't hindi ako natututo ng lesson ko.

Dapat bang i-pressure ng mga magulang ang anak nila na mag-aral ng mag-aral? Hindi naman masamang maging top two, 'di ba? But for my parents, sobrang sama sa pandinig at sistema nila kapag sinabing top two.

May times na napagbuhatan ako ni papa ng kamay habang nanonood lang si James sa'kin. Grade 10 ako no'n while James was on his 7th grade.

"Bakit ba hindi maalis diyan sa kokote mo na hindi namin kailangan ng top two sa bahay na'to? Why aim for top two when you can easily snatched the rank one?" Sigaw ni papa.

"Pa, point two lang naman po ang laman no'ng top one namin," nanginginig na sagot ko.

"Nagdadahilan ka pa? Did you think na magiging valid 'yon? Ke point one o point two, top one is top one!" Sigaw pa ni papa.

"Pa, babawi po ako," sabi ko pero huli na dahil naramdaman ko ang sampal ni papa sa kaliwa kong pisngi at hindi pa siya nadalawa. He removed his belt at hinampas niya iyon at akin na parang wala siyang pakialam kung saan na lamang ako tamaan.

That day, nalaman kong wala naman sa top si James pero hindi nag-react si papa ng gano'n. Kapag sa'kin puro masasakit na salita, pero kapag kay James, okay lang.

"Sorry," sabi ni Tephen. "Sorry that you felt neglected and belittled by your brother. Okay lang naman sa'kin na pagsalitaan niya ako ng masama. Kapag ikaw, ayoko," aniya while holding my hand.

"Hindi. Hindi okay na pagsalitaan ka niya ng masama. Okay na sa'kin na ako na lang. Sanay ako. Sa ganoong way ako pinalaki ng mga magulang ko," sagot ko at nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata ni Tephen.

Kung wala siguro si Tephen ngayon sa tabi ko ay baka kung ano na namang pananakit sa sarili ang magawa ko. Ilang beses ko na bang sinaktan ang sarili ko physically and emotionally?


"Do you know why I am obsessed with academic achievements?" Umiling siya.

"Kasi sa ganoong way ako pinalaki ng parents ko. Ayaw nila sa top two. Ayaw nila ng ganoon kaya nag-aaral ako ng mabuti para makuha ko 'yong simpleng recognition nila sa mga efforts ko. Baka kasi kapag nag-top one na'ko, hindi na ako ikumpara ni papa at mama kay kuya. Baka hindi na nila ako sabihan ng masasakit na salita, at baka tawagin na rin nila akong anak," sabi ko at he hugged me.

"Hindi ko sinasabi 'to lahat sa'yo para kaaawan mo'ko, Tephen. I want you to be as competitive as you are...always. Huwag na huwag kang mag-gi-give way dahil lahat sinabi ko sa'yong uhaw ako sa academic at parent's validation. Hindi ako matutuwa kapag nagpapalamang ka sa'kin dahil lang sa mga sinabi ko sa'yo. Ayoko ng gano'n." And he nodded.

On normal days, masayang nagkukwentuhan ang lahat sa klase kapag may free time. Pero dahil dalawa ang major subject namin ay mas kailangang mag-focus ng lahat sa pag-aaral.

Waves of Life (BXB 2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon