Chapter 15

55 1 0
                                    

Unedited


LALLIEN POV





Napailing ako at ngumiti ng tipid bago tinanguan ang tatlo, halatang galing ang mga ito sa mayayamang pamilya ang gaganda ng pangalan eh.








Matapos ang usapan namin ay nagpaalam muna akong papasok sa loob, ang tatlo nama'y naiwan sa labas para raw magbantay. Nang masigurado kong luto na ang sinaing at ulam ay una ko nang pinakain ang alagang aso bago ko napagdesisyonang balikan ang tatlo. Wala namang masama kung isasabay ko ang mga ito sa pagkain diba? Wala rin kasi akong kasabay bukod sana kay Balbon.







"A-Anong ginagawa ninyo?" Naabutan ko kasi silang may inaayos na kung ano. May mga materyales din na gamit pangbahay na tiyak kong mahal.









"Oyy Ms. Lallien, a-ah ano gagawa kami ng b-bahay. Okay lang ba saiyo? M-maliit lang!" tanong ni Ansel at bahagya pang nagkamot ng batok.









Bahagyang akong nagulat sa narinig. Balak ba nilang magtayo ng bahay dito? Napailing ako at nakamot ang pisnge. Okay lang din naman ang kaso paniguradong hindi na tahimik ang buhay ko rito.









"A-Ah a-ayos lang naman..." sambit ko na lang. Bahagya pa akong nailang nang kunan ako ni Conall ng upuan at igaya ako paupo. "S-Salamat," nahihiya ko pang sambit.









Hindi naman kasi ako sanay na inaalagaan, simula ng dumating si Calieon nagbago lahat. Calieon... saan na kaya ang lalaki? I-Iniisip kaya ako no'n kahit papaano? May pinagsamahan naman kami kaya imposible na hindi.








"Mia signora, why did you come here? It is good for you to stay inside." Nabaling ang atensiyon ko ng magsalita si Thianus at bahagyang itinigil ang ginagawang pagtali sa mga materyales.








Natuptop ko ang labi ng maalala ang dahilan bakit ako lumabas. "A-Aayain ko sana kayong sabayan akong kumain?" nag-aalinlangang sambit ko.








Nangunot ang noo ko ng matagal bago sumagot ang mga ito. Napansin ko rin ang paghawak ni Ansel at Conall sa tainga nila ng bahagya tila may pinapakinggan dahil napapangiwi pa ang dalawa.








Tumikhin ako, "a-ano na? Sasabay kayo?" Ulit ko sa sinabi kanina kaya nakuha ko ang atensiyon ng tatlo.









"Hindi raw——este busog kami Ms. Lallien, ano k-kumain na kami, diba? Diba pre?!" Napaigtad ako nang mapalakas ang pagsabi ni Ansel.








"Geezz, don't shout you fucke——"









Tumikhim ako dahilan para hindi matuloy ni Conall ang kung anong salitang idudugtong nito. Noong una wala pa akong paki-alam sa mga Ingles na ganiyan dahil hindi ko pa alam na mura pala ang mga ganoon pero kasi ngayon iba na. Hindi man ako bihasa pa sa Ingles pero kahit papaano ay may alam na ako at nakakaintindi na rin kahit kunti.









"You can have your breakfast nostra signora, kumain na kami." Pinagpatuloy ni Conall ang ginagawa niya matapos sabihin iyon pero napatigil din nang tumayo si Thianus kaya napatingin kaming tatlo sa lalaki.








Mafia's Accidentally Savior [Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon