Tabitha Kapoor
How to make money?
Kanina ko pa hinihintay na mag popped up ang result dito sa google pero yung data ko sagabal, ayaw makisama. Ubos na nga yata ang data ko.
Sa sobrang pagka-inip, dinutdot-dutdot ko ang screen ng cellphone. I kept pressing the search button dahil hindi talaga umuusad ang loading screen. Napakahaba na ng pasensya ko, but why does it feel so short when it comes to this? Yung tipong gustong-gusto ko nang ibato ang cellphone—
Tulad ngayon.
I tried to calm myself down, smiling as if my temper wouldn't explode. But of course, sa isip ko lang ginawa because my facial expression refused to cooperate, ayaw magpaka-plastic. Mas pinili na maging honest kaya ang ending nakabusangot ako ngayon. Yung tipong nakakawalang gana ipinta.
Sino ba kasi ang matutuwa minsan ka na nga lang makatanggap ng message tapos ganito pa ang laman?
"Nag-expire na ang Shareable Data mo."
"Ano raw ang sabi ni Google?" Mula sa cellphone, itinaas ko ang aking tingin kay Pame na kumakain ng chicharon.
"Sabi ni Google, magpaload na raw ako." I sighed, my shoulders slumping at saka ibinalik ang tingin sa cellphone at agad na binura ang text.
I'm really stressing out. I don't have any money left and school is about to start. I need to save money bago pa ako mahuli sa enrollment. I sighed. I just have to work really hard. I still choose to live like this, rather than how I used to live before.
"Bawal mangutang ng load dito!"
Pareho kaming nagulat ni Pame sa sigaw ni Aling Cora. Sabay pa kaming lumingon para tingnan ito. Nandito kasi kami sa harap ng tindahan ni Aling Cora, nakatambay.
"Sino ba ang nagsabi na mangungutang kami sa'yo! Ang taas mo magpatong, daig pa ang 5'6 amp." Inambaham ni Pame na babatuhin niya si Aling Cora ng kinakain niya.
Mabilis kong hinatak si Pame palayo sa tindahan. Knowing Aling Cora, who throws water sa sinuman ang babangga sa kanya. Kahit sa ganda naming taglay we can't escape the wrath of that old lady.
"Teka! Naiwan ko pa yung chicharon ko!" Gusto pa sana niyang bumalik kaya lang hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay at binilisan pa ang aming paglalakad.
"Kung gusto mong maligo, huwag mo akong idamay. Abala ako sa paghahanap ng trabaho." Binitawan ko na ang kamay ni Pame nang tuluyan na kaming makalayo.
"Sabi ko naman sa'yo, puntahan natin si Annie! May alam siya!" Medyo naiinis na sabi nito habang padabog na naglalakad.
"Tigilan mo ako Pame. Kung yung dating gawi lang alam mo na ang sagot ko diyan."
Halos ma-outbalance na ako nang bigla niya akong hinatak ng walang pasabi sa kanang braso at pinihit paharap sa kanya. Nakahawak na siya ngayon sa magkabilang braso ko.
"Gusto mo ng pera, 'di ba?" Tumango ako. "Gagawin mo ang lahat?"
"Yes, as long as—" she cut me off.
"Edi halika na! Marami ka pang arte!" Sa pagkakataong ito, siya naman ang nanghahatak sa akin.
Hindi gaanong malayo ang bahay ni Annie mula sa tindahan ni Aling Cora. We only had to walk two blocks. When we arrived in front of Annie's house, we didn't bother knocking, we just went in. Sanay na rin naman sila Tita.
"Annie!" Sigaw ni Pame, ngunit walang lumabas kaya sumigaw siya ulit. "Poki-Poki!"
"Ang ingay mo!" Lumabas sa isang kwarto ang babaeng hinahanap namin na may magulong buhok, clearly still groggy from sleep.
BINABASA MO ANG
Invested In Her (GxG)
Romance"Enough with selling your bodies since they are solely mine." She placed her finger under my chin and pushed it up to meet her gaze. "You yourself had no right darling." "Gagawin ko ang gusto ko. Wala kang karapatan angkinin ako." "You belong to me...