Simula

44 0 0
                                    


 S i m u l a 


👑


"Yuko lang kayo Ma'am. Dun na tayo sa likod dadaan para hindi kana makita ng mga reporters."

Tumango ako sa personal assistant ko habang sinusuot at isang napakalaking jacket para matabunan ang isang blackdress na humahapit sa katawan ko.

Inilugay ko ang buhok kong naka tali at naglagay ng isang cap at shades para sa namumugto kong mga mata. Perfect getaway for a not so perfect situation.

Sinundan ako ng dalawang body guard at ng PA ko. Lahat tahimik. Lahat tensyonado sa mangyayari.

Bumaba na kami ng van na sinakyan namin mula sa taping ng isang pelikula.

Gaya ng sinabi ng PA ko, sa likod kami dumaan. Pero may mga reporters nang nagaantay sa aming pagdating.

Mabilis nilang kaming napalibutan. Samut saring reporters mula sa iba't ibang station. Sunod-sunod na flash ng camera at nagkakagulong mga tao.

"Akala ko ba wala sila?" sabi ko sa pagitan ng pagkislap ng mga ilaw.

"May mga nakakalusot talaga Ma'am e." pagpapaliwanag niya habang inilalahad na ng kamay niya ang elevator na sasakyan namin.

Nakita ko ang pagtatangka ng mga reporters na makapasok sa loob pero hindi sila hinayaan ng body guards ko na hinarangan ang pintuan ng elevator.

"Tawagan mo na yung manager ko. Sabihin mo nandito na tayo."

"Pati po ba yung head tatawagan din po?"

"Hindi na, bayaan mo na si Tita Graciela ang magsabi sakanila. Siguradong nandun na siya. Paki dalian nalang. Please."

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya. At dinial ang mga numero ng manager ko. Sawakas paangat na ang elevator matapos ng napakatagal na sigsikan, gitgitan at pagbabato sakin ng mga samu't saring tanong.

Sinalubong kami ni Tita Graciela, yung manager ko. Nagaalala ang mukha, "Ano nangyare sainyo? Sinugod ba kayo ng reporters sa baba? Nandito na si Sir Bernard pati narin yung ibang heads."

"Okay po."

Nakaupo na silang lahat. Maayos na maayos ang suot nila hindi gaya kong tagong tago.

Hinubad ko na ang jacket, cap at shades ko. Nakita ko silang pinagmamasdan ako habang inaayos ko ang sarili ko. Pero hindi ko ako tumigil at itinali ko pa ang buhok ko kagaya ng kanina, bago kami pumunta rito.

"Let's start." mahinahon kong upo.

"Hindi ka muna tatanggap ng mga offers. I dodown narin namin yung mga articles na lumalabas."

Tumango tango ako at inabsorb ang sinabi ng pinaka head. Seryoso ang mukha pero bakas ang pagkabahala.

"Can't we do interviews? Magpapresscon at sabihing hindi naman totoo yung mga balitang kumakalat? I have a movie on going for pete's sake!"

"Kapag nagpainterview ka pa. Mas lalo lang magkakagulo. You'll just add fire to something we're trying to take down." seryosong sabi ng pinakabata naming head, si Sir Bernard.

Tinignan ko lang siya. Pati ang PA at manager ko na nasa tabi ko. Parehas nababahala sa nararamdaman ko.

"Pano sila? Hindi lang ako ang mawawalan ng trabaho. Pati rin sila."

"They'll have it. Ituturn over ko sila sa iba. Si Graciela naman will always have other options, may iba pa siyang hinahandle." sabi naman ng babae namin head.

I can't believe kaya nila 'tong gawin sakin. Kung kelan sikat na sikat ako at nasa rurok na ako ng tagumpay saka pa nila ako pabababain dahil lang sa isang issue?

"I'm the most phenominal star today. Sinasayang niyo yung opportunity na meron tayo ngayon!"

"It's already decided. Titigil ka muna."

Nawal na ako sa kondisyon na makipagtalo sakanila dahil alam kong hindi ako mananalo. Sila ang naghahandle ng carrier ko, wala akong magagawa kundi ang sumunod sa gusto nila. Dahil alam milang makakabuti ito sakin.

Pero alam kong may iba pang dahilan kung bakit nila ito ginagawa sakin. Kung bakit nila ako patitigilin sa pag shoot ng isang pelikulang alam kong kikita ng limpak-limpak. I should know who that person is.

"Siguraduhin niyong makakabalik ako pagkatapos nito."

Sumakay ako sa isang itim na Audi pagkatapos kong luminga lingga sa parking lot kung may mga naka sunod ba sakin.

Tapos na ang meeting. Nung umpisa palang tapos na, they alreaady decide what they want me to do.

"It's all over the internet! Nasisira na yung carrier ko!" sigaw ko sa lalakeng nasa driver seat.

"I know. We can figure this out. Just please stay."

"No. No. I won't. Mag break na tayo. Please naman pakawalan mo na ako."

I agreed to this relationship dahil mahal ko siya. Pero ngayon na nasisira na ang buhay ko, ang career ko, ang lahat sakin. Hindi ako tanga para magstay sa alam ko namang ikalulubog ko.

"Konting tiis lang. Kakausapin ko yung asawa ko. You love me right?"

"Yes, mahal kita. But this is not right! Nasasaktan na natin yung asawa mo. Pati yung anak mo nadadamay!"

"Hindi ko naman kayang turuan yung puso ko kung sino ang gusto nito. Magkaanak lang kami kaya ko siya pinakasalan."

"Nasisira na yung buhay ko! Nahihirapan na ako. Please naman let me go."

"I won't, okay? I'm not going to let you go. Kapag hindi nagsalita yung asawa ko, mawawala din yung issue. I'll do everything."

Tinignan ko lang siya. Hindi ako makapaniwalamg nagmahal ako ng gamito kaselfish na tao. Na gusto akong hawakan habang hawak-hawak niya ang reputasyon niyang pinagkaingat-ingatan.

"You're going to Batanes, Catherine."

Tinignan ko ang ticket na nakalapag sa harapan ko. Plane ticket to Batanes. He figured it all out. Not for me. But for him.

Kayang kaya niya akomg hawakan sa leeg. Dahil alam niyang papayag ako. Kasi may katiting parin sakin na naniniwalang mag wowork out ang lahat. At paggising ko, masaya na kaming dalawa. Walang bounderies, walang kahit ano.

"You're always in control." pailing ko sabi habang nakatingin parin sa ticket, "You always get what you want, Bernard."


👑

WHEN FAME COMES BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon