Kabanata 1

50 0 0
                                        


K a b a n a t a  1

Touchdown 

 

👑


Kerida, galing sa salitang kastila na my beloved. Tawag ng isang tao sa kanyang pinakamamahal. Pero ngayon, karugtog na niya ang kahulugang kabit o kaapid.

Dahil sa pagbabago ng wika, nagbago ang ibig sabihin ng isang bagay. Nakakatakot na isang bagay lang ang magiging basehan ng pagkakakilanlan mo. Na ang isang pananaw lang ang sisira sa pangalan mo.

Gaya ng pedeng gawin ng isang papel sa buhay ng tao. Nakakatawang isipin na pede kang diktahan ng isang papel lang. Dahil sa isang papel, nagkakagulo ang buhay ko ngayon. Dahil sa isang papel bababa ako sa tuktok na pinaghirapan ko.

Dahil sa isang papel. Hindi ko pedeng makasama ang taong mahal ko. Isang papel lang yan, pero kayang sirain ang buhay mo, ang puso mo.

Isang papel ang umahon sakin sa pagkalumo. Pero papel din naman ang dahilan kung bakit hindi ako sumasaya. Isang papel ang nagdidikta sa buhay ko ngayon. Isang apelidong napakatanyag ang basehan ng buhay ko.

Sinong magaakalang magiging kapatid ko ang isang Bernardine Almayda. Sinong magaakalang ang isang gusgusing bata na humihingi ng tulong para sa kanyang mga magulang na natau dahil sa sunog ay magkakaroon ng apelidong Almayda?

Basta isang araw, paggising ko, Almayda na ako, nagiisang babaeng anak ng isa sa pinakamayayaman tao sa bansa.

"Nakausap ko na yung may-ari ng resort na tutuluyan mo. You just have to be careful about being in public. I don't want you getting hurt by their bashing. If that happens baby, you'll have to leave again." malumanay na sabi ni Bernardine habang inilalagay niya ang ga takas na buhok sa likod ng aking tenga.

Nagpunta kami straight sa airport kung saan ako sasakay ng eroplanong magdadala sakin sa lugar na secluded at alam kong pinakatago tago niya.

Manila is too crowded para doon kaming magstay dalawa. Para magstay ang magkapatid na nagmamahalan sa isang lugar.

"Take care, I love you." halik niya sa pisngi ko.

Napapikit nalang ako sa likod ng shades na suot ko. Am I really doing this? Kung kelan nasa taas na ako saka ako bababa? Hindi ba pedeng ipaglaban ko muna kung anong meron ako?

Kaya ko ba talagang isuko ang lahat para sa taong hindi ko naman sigurado kung totoo nga ba ang assurance na binibigay sakin?

Hindi ko maitatangging nasaktan na niya ako. Kasama sa relasyon yun. Maraming beses na. Kahit hanggang ngayon, nasasaktan parin ako, nadudurog parin yung puso ko, habang umaasa na magiging okay din ang lahat. Dahil ayun ang sinabi niya.

Nang pumunta ako sa ibang bansa para ituloy doon ang modeling carier ko, nalaman kong may nabuntis siya.

Halos mabaliw ako habang naroon. Bakit? Dahil malayo ako kaya niya nagawa iyon? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung uuwi na ba kaagad ako para ibigay sakanya ang sampal na dapat niyang matanggap o hindi nalang ako uuwi kahit kelan.

Pero sa lahat ng naiisip ko, wala akong nagawa ni isa. Bumalik ako dito sa araw ng kasal nila. Naging isa akong mabait na kapatid na kinocongratulate ang kanyang kuya sa araw ng kanyang kasal.

Hindi nila alam kung gaanong kasakit na makita yung taong sobrang mahal mo na may iniintay na ibang babae na lumakad sa papunta sakanya. Na may iba siyang pinapangakuan ng habang buhay maliban sayo.

WHEN FAME COMES BACK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon