1: Ang First Day

291 16 16
                                    

POV_Lance

Ako nga pala si Lance Ricardo.

13 years old, male. 

Birthday: August 6, 1999

May isang pangarap lang ako sa buhay 'yon ang maging isang napaka-succesful na businessman/entrepreneur.

Nakapasok ako sa First Section ng Lilyana Academy, isang elite school dito. Mga limang entrance exams rin ang kailangan i-take para ma-decide ang section assignment mo.

Ang hirap kaya. Alam kong dapat nauna ang pag-introduce, pag-pasensyahanan niyo na, hindi talaga ako magaling sa mga introductions o kaya pag-papakilala, sila kasi ang lumalapit sa akin eh at di rin naman ako social na tao kaya ayun, hindi masyadong na-hone ang communcation skills ko.

So... balik na tayo sa kwento... asan na nga ba ako? Ah oo...

O______O nanlaki talaga ang mga mata ko. Ito ang first section nila?

Nagkakalat ang mga upuan, tapos ang raming mga nakakalat na basura, mga papel at iba pang gamit, mas naging malala ang ayos dahil sa electric fan na pinaandar nila.

(Di ko alam ba't nag-fan pa sila, meron naman naka-on na aircon -_______-)

Ang mga kaklase ko naman, parang nag-wild. May nagpapa-music ng Harlem Shake sa likod, may sumasayaw, may nagte-text, nagtatawanan, may nag-babasa ng libro, may dalawang taong nakatago sa ilalim ng kumot on one side of the room (anong ginagawa niyo?!), may nag-gigitara at kanta ng kanta ng 'Nasa 'yo na ang lahat', at may-nag-aacting pa ng Celyn at Margaux sa harap, malapit sa board.

"Ahm..." wala na akong masabi pa.

Hindi ito ang enexpect ko -________- but then again 'expect the unexpected'

Sigh. Anong klaseng lugar ba 'to? Panaginip lang ba to? May lumilipad na libro na parang naka-target sa akin, naka-ilag ako just before matamaan ako nito.

Okay, hindi siya panaginip. That much has been proven.

Yumuko ako para tignan ang title ng libro. 'Advance Physics' whoa... talaga? Ba't merong Physics book dito?

May narinig ako na parang 'zing' tapos I looked up. Buti nga yumuko ako, kasi kasunod ng libro ay may nag-bato pa ng gunting, gunting na dumikit na parang dart sa pintuan just inches from my head.

+________+ Ewan ko kung mabubuhay pa ako nito. Ayaw ko na! Alisin niyo na po ako dito! 

"Oy ikaw!" binuksan ko mga mata ko at nakasalubong ko ang tingin ng isang lalaki, hindi ko siya nakita kanina so may dalawang pwedeng explanation.

*Kakapasok lang niya sa classroom (hindi 'to siguro posible, kasi nasa likod ko ang pintuan kaya kong mabukas man ito siguradong ma-bubungo ako, pero baka pumasok rin lang siya sa binatana)

*Isa siya sa dalawang parang naglalaro ng rated-SPG sa ilalim ng kumot.    

-_______-

"Hoy! Bingi ka ba?" nabalik ako sa mundo, ang lalim kasi ng iniisip ko eh.

"Ako?" playing dumb. 'Yan ang first step ko to keeping a low profile.

"Balik mo nga yang libro ko at yung gunting" at dahil baguhan pa naman ako, kinuha ko ang libro at ang gunting tapos lumapit ako sa kanya at inabot ang mga gamit. "Tagal mo naman maka-galaw, bwiset!"

Hindi ako gumalaw. Ako pang tinatawag niyang bwiset? Ako na nga ang inutos-utosan niya, anong akala niya sa akin alalay?

Bago ko pa siya suntokin, pumasok na ang guro at umupo silang lahat. Ako nalang nakatayo.

Biglang nawala ang mga kalat, mga naka-harang na upuan, parang napunta ako sa ibang dimension.

"Ikaw iho, Mr...?" tanong ni ma'am.

Hinarap ko siya. Letche, ako pang namalas, first day of school pa naman.

"Mr. Ricardo po ma'am" I replied na tumitingin sa sahig, hinawak-hawakan ko ang strap ng sling bag ko at tumahimik.

Tahimik na rin ang boung classroom.

"Mr. Ricardo, may problema ka ba?" tinaas ni ma'am ang kilay niya.

^                 _

| _______ |  ----si Ma'am.

"Wala po ma'am" 

"Good, then you may now take your seat" sabi ni ma'am.

Lumingon-lingon nalang ako para makahanap ng upuan, walang bakante. Ang mga bakante, may nakalagay na bag, libro at iba pa.

Sigh. Ano nang nangyari sa easy first day of school na plinano ko?

"May naka-upo na ba dito?" tanong ko sa isa sa mga babae.

Linagay niya ang bag niya sa bakanteng upuan. 

"Meron" sabi niya.

Kainis naman tong babae to o, talagang wala na bang bakante, I searched the room once more at may nakita akong apat na bakanteng upuan. Papunta na sana ako doon pero tinawag ako ni ma'am.

"Ah... meron nang naka-upo diyan, Mr. Ricardo, manghiram ka nalang ng chair sa kabilang section at maki-share ka nalang ng table sa mga classmates mo"

Sila makikipag-share sa akin? Hindi pa nga kami magkakilala, nag-death glare na sila, paano pa kaya kapag mag-rerequest akong maki-share sa kanila.

Bwiset! Ano nang gagawin ko?

Pumunta ako sa kabilang classroom upang manghiram ng mga extra nila. Ang bait ng mga tao sa second section, may nag-smile pa sa akin.

"Ako nga pala si Denise" pakilala ng babaeng nagbigay sa akin ng chair.

^_______^ ang bait, pwede bang mag-transfer nalang ako dito?

I adjusted my glasses at nag-smile back. "Ako si Lance"

Tapos no'n umalis na ako, karga karga ang plastic chair papuntang room namin. Nagsimula na sila, ano ba to? May galit ba ang guro namin sa akin? Ni hindi man lang ako hinintay maka-balik.

Di ko na naiintindihan to, first day of school pa lang nag-lelesson na. Sigh.

Dahil wala akong mahanap pa na ibang lugar, linagay ko ang chair katabi ng apat na bakanteng upuan. Ngayon lang rin naman to eh.

I can only hope and pray na mabait ang mga katabi ko, please Lord kahit ito lang ibigay niyo sa akin.

 (end of chapter)

---

A/N

Ah... yan na po yun, sana po basahin niyo po yung story ko po, thank you talaga, thank you, thank you, thank you po! At  sana po mag-iwan po kayo ng comment. Hanggang sa susunod.

-LS

Ang Samahan ng mga GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon