3: Ang Samahan ng mga Gwapo

233 9 3
                                    

Ano raw? Samahan ng mga Gwapo?

Isa lang talaga ang masasabi ko: Bwishit (combination of bwiset and shit)

Tinignan ko lang sila na parang nababaliw sila, pero di pa rin sila gumagalaw eh. Lahat sila ngumingiti na parang abnormal, hinihintay na may sasabihin ko.

-______- Pero, seriously, ano ba talaga ang gusto nilang sabihin ko? Wow, ang galing? Ang cool niyo pre! Pwede pasali?

Bullshit. Ba't ko pa naman gagawin 'yon? As far as I know, lahat ng kaastigan at coolness na nakita ko sa kanila kanina ay nawala na. 

"Samahan ng mga Gwapo...?" I said eventually, parang 'Samahan ng mga Gago' naman ang bagay na pangalan ng triad ng mga unggoy na 'to.

"Yesh, tama ka! Kami ang mga gwapong pinagpala ng Diyos" ^___~ *wink* kakambal ni Stone.

"Ang pinaka-cool at astig na grupo sa boung mundo" crossed arms across chest ang kakambal ni Jake, ala Robin Padilla ang posing.

(_ _)" *face palm*

"At crush ng bayan" napa-smirk ang kakambal ni Christian.

"At... ang punto niyo ay...?" I have to get this over with, kung swe-swertehin ako baka pwede akong lumipat ng section at magsimula, total first day pa naman.

Sigh. First day pa pero ang raming kamalasan na ang nangyayari sa akin. Will it ever end?

"Hindi ka pwedeng sumali sa grupo ng mga pangit na 'yon!" kakambal ni Stone.

"KANINA KO PA NGA, SINASABI NA HINDI AKO--"

"Dito ka sumali sa amin, para mas ma-enhance ang kagwapohan mo!" kakambal ni Jake.

"Oo nga, dito ka dapat" kakambal ni Christian.

Pareho talaga ang magkambal, di madaldal, men of few words.

Teka teka, nag-back track ako sa sinabi nila, gusto nila akong sumali sa kanila? Naku, pag-minamalas nga naman! Ayokong sumali sa gang ng mga nasisiraan ng bait! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari pag-umupo ako nung lugar na yon, naku! hindi nalang ako uupo.

O____O "Gusto niyo akong sumali sa grupo ninyo?!" 

"Oo naman, alam kong feeling honored ka o kaya gusto mong tumalon sa tuwa, okay lang sa 'min yon" kakambal ni Stone.

"After all... idol kami ng lahat dito eh, kaya for sure nasisiyahan ka rin, pero huwag ka lang mahimatay" kakambal ni Jake.

Nag-nod lang yung kakambal ni Christian.

Aba loko pala tong mga 'to eh! Anong akala nila? Na isa akong myembro sa mga fan club nila (kung meron man)?

Ugh! Kainis talaga! Ang sarap suntukin ng mga mokong na 'to! 

Pero di dapat ako maghanap ng away, kung may chance man ng payapa sa school life ko, ang pagkakaroon ng away ang final straw. Sigurado pag-nangyari 'yan, magiging school celebrity ako o di kaya parang he-who-must-not-be-named na kumakalat ang pangalan in whispers.

-____- Cripes. Ano nang gagawin ko? Sasabay nalang ako, yun lang ang nasa isip ko na mag-reresulta ng acceptable changes. Baka kasi mabugbog pa ako pag-idecline ko yung offer nila. Mahirap na.

"Fine." Pakiki-samahan ko nalang tong mga gagong 'to, hanggang mapagod na sila sa akin.

"Fine? Yes! Akala namin hindi ka sasali kasi mukha kang bakla eh" ^___^ kakambal ni Stone.

Shit. Baka ako una mapapagod nito, tsaka pano ba pakisamahan ang isang gagong feeling gwapo?

"Bakla?" I asked through my teeth. Kainis talaga eh! Normally, mataas ang pasensya ko at ang hirap kong galitin, baka nga talented tong mga taong 'to. Talented sa pang-aasar!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Samahan ng mga GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon